KABADONG nagmamadaling bumaba ng taxi si Bridget at tinungo ang address na binigay sa kanya ni Annie. Ang address ng bahay ni Richard. Hindi daw kasi makakapasok sa trabaho si Richard dahil inatake ng allergy nito mula sa kinain nito kagabi. Ang ikinaganda lang daw, hindi ganoon kalala ang allergy dahil napagtanto ni Richard na ginamitan ng cream ang pagkain nito.
At habang sinasabi ni Annie iyon kay Bridget, parang gusto niyang tarakan ng kutsilyo ang sarili niya. Ilang beses na pala niyang muntik-muntikang mapatay si Richard sa kagagahang pinaggagagawa niya. Ilang beses niyang pinilit si Richard na kumain ng mga pagkaing ginawa niya na may cream dahil sa paboritong pagkain iyon ni Kai. Ang hindi niya alam, allergen pala ni Richard iyon.
How stupid can she get? Tinawag pa niyang girlfriend ang sarili niya ng mga panahon na iyon.
Ang ipinagtataka pa niya, si Annie ang tinawagan nito at hindi siya. Bakit?
Nagtanong ka pa? Muntik mo na nga s'yang patayin. Ikaw pa ang kakausapin n'ya?
Napailing na lang siya roon bago niya pinapasok ang sarili sa gate dahil sa susi na binigay sa kanya si Annie. Ngunit pagdating ni Bridget sa harap ng pinto ay lalo siyang kinabahan at insip kung ano ang reaksyong ipapakita niya kung si Richard ang magbubukas ng pinto. Saglit pa niyang kinalma ang sarili bago kumatok sa pinto.
Napataas na lang siya ng kilay nang isang matandang babae ang nagbukas sa kanya. "Magandang tanghali, po. Andyan ho ba si Richard?"
"Andito," lingon naman ng matanda sa hagdan na katapat ng lang pintuan. "sino sila?"
"P.A. n'ya ho ako. Ako nga po pala si Bridget. Tumawag daw po si Annie dito?"
"Ah, oo. Pasok ka." Pagpaptuloy nito kay Bridget. "Ako nga pala si Manang Dory. Ako ang naglilinis sa bahay ni Richard twice a week. Hindi ko lang 'yan maiwan ngayon at namamaga ang mga daliri at puno ng pantal ang katawan. Na-allergy yata. Hayun, nagsusungit na naman ang batang 'yon." Napapailing pang saad ng matanda bago siya inakay papunta sa kusina.
"Hindi pa kumakain 'yon simula kaninang umaga kaya hindi rin mapainom ng gamot," iling uli ni Manang Dory. "Ang mabuti pa, ikaw na ang magpakain. Huwag mo na rin pagtrabahuin 'yang batang 'yan. Sana nga lang ay making siya sa 'yo." patuloy pa nito habang inaayos ang gamit nito.
"Teka, saan ho ba kayo pupunta?" tila naman natauhang tanong ni Bridget ng mag-ayos na nga ng gamit ang matanda.
"Naku, ako'y aalis na. May iba pa akong pupuntahang bahay para maglinis." Dire-diretsong saad ni manang Dory bago ito buminto sa pintuan. "Ikaw na ang bahala sa batang 'yan. Sana at making sa 'yo." akmang tatalikod na ito bago muling humarap sa kanya. "parang nakita na kita. Hindi ko lang maalala pero nakita na kita. Naku, makaalis na nga. matatagalan na naman ako." paalam na nito.
Siya naman ang naiwan sa bahay ni Richard. Dinungol naman tuloy siya ng kaba. Masungit daw si Richard. Ano na ang gagawin niya? Never pa niyang na-encounter ang masungit na Richard. Nang one on one.
"Good luck na lang sa 'yo, 'Day." Tingin niya sa itaas.
Kabado man at hindi alam ang gagawin, sinubukan pa rin ni Bridget na dalhan ng pagkain si Richard. Kahit ano kasing takot at kaba na abutin niya, hindi naman niya maiwasang mag-alala kay Richard dahil hindi pa daw ito kumakain lalo na ngayong may sakit ito.
At kasalanan pa niya.
Marahan niyang binuksan ang ikalawang pinto sa ikalawang palapag. Hindi kasi sinabi ni Manang Dory kung saan ang kuwarto ni Richard. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwarto at tulad nang harapan ng bahay ni Richard na pulos puti at itim lang ang kulay, ganoon din ang kuwartong iyon. Bukod sa puting computer table nito, hamba ng pinto, at ilang bookshelves, halos lahat ng gamit doon ay kulay itim.
"Sino 'yan? Manang Dory? Ikaw na naman ba 'yan?" anang ng garalgal na tinig ni Richard. "Sinabi ko ng hindi ako kakain. Wala akong gana."
"Pero kailangan dahil iinom ka ng gamot," pagalit namang sagot ni Bridget dito. Hindi niya maiwasang mainis kay Richard dahil pinababayaan nito ang sarili.
"Bridget?" bigla ay lambot ng tinig nito. "Ikaw ba 'yan?"
Tahimik na lang siyang napangiti dahil baka magalit ito kapag narinig nitong tumatawa siya. "Ako nga."
"Anong ginagwa mo rito? You're supposed to be at work." Muli ay galit na sikmat nito sa kanya bago nagtalukbong ng kumot.
"Ang maging PA mo ang trabaho ko. Since andito ka sa bahay mo, dapat andito din ako."
"Go away. Just cancel all my meetings. Alam na naman ni Annie ang gagawin!"
"Ako, hindi ko alam."
"Then go away!" angil nito.
"Iyon ba talaga ang gusto mo?" balik niya rito that earned silence. Katahimikang kinatatakutan niya.
Paano kasi kung sumagot ito ng 'oo'. Kahit na ang ibig sabihin niyon ay umalis siya sa kuwarto nito. Pakiramdam niya ay masasaktan pa rin siya.
Napangiti na lang siyang muli nang hindi sumagot si Richard. Hindi rin niya mapigilang maalala noong panahon na siya ang inaalagaan nito at ganoon din ang ginagawa niya kay Richard noon. She really missed the old days. Ngunit ngayon, kailangan niyang mabuhay sa ngayon at alagaan si Richard.
Himbis na makipagtalo pa muli dito, dinalhan na lang niya ito ng pagkain na tinanggihan na naman ni Richard. Hindi na niya pinansin ang mga paggalit na litanya ni Richard sa kanya at iniwan na lang roon ang pagkain.
Nakailang cancel at re-appointment pa si Bridget sa schedule ni Richard at nakailang balik din siya sa kuwarto ni Richard bago niya nakitang ubos na ang pagkaing dinala niya para kay Richard. Marahan naman siyang lumapit dito upang hindi niya makaistorbo kung sakaling natutulog nga ito. At hindi siya nagkamali. Marahil ay nakatulog na ito sa gamot na ininom.
Dali-dali na siyang kumuha ng malamig na tubig upang bahagyang punasan ang ilang pantal na nakikita niya sa balat nito at ang kamay nito halos puputok na mula sa pamamaga. Naupo si Bridget sa upuan na kinuha niya at nilagay iyon sa tabi ng kama ni Richard. Habang marahang pinupunasan ang mga pantal hindi niya mapigilan ang sariling sisihin ang sarili. Iyon naman kasi talaga ang dapat dahil kasalanan niya kung bakit nagkaganoon si Richard.
"I'm sorry," halos garalgal na bulong niya. "hindi ko kasi alam and I wished I knew. Sana nalaman ko din noon. Sana madami akong alam tungkol sa 'yo noon pa. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko din kaagad na mahal din kita. Pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi." Pagak na napatawa doon si Bridget.
"Pero ngayong nasa harapan kita, wala akong magawa. Hindi ko masabing mahal kita kasi natatakot akong baka ipagtabuyan mo ako lalo." Marahan niyang dinampian ang mukha ni Richard ng tuwalya at kasabay niyon ang pagtulo ng luha niya. "Ito na yata 'yong beggars cannot be choosers. Kontento na akong kasama kita. Kahit papaano kasi, maaalagaan kita. Makikita kita. Makakasama ka. At kahit papaano naipapadama kong mahal kita."
Naitakip na lang ni Bridget ang kamay niya sa bibig niya ng bahagyang umalpas ang hikbi sa labi niya. Tinigilan na rin niya ang pagpupunas kay Richard at mahigpit na lang na napahawak sa kamay nito.
"Pero, Richard, sana mahalin mo ako uli. Tulad noon. Tulad ng dati. Kasi ngayon, hindi na kita pababayaan. Hindi ko na hahayaang masaktan ka. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para hindi ka na masaktan uli. Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako uli."
Napayukyok na lang siya sa kama ni Richard habang hawak ang kamay nito habang paulit-ulit na binabanggit na mahal niya ito. Umaasang sana ay marinig iyon ng puso ni Richard.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...