"RICH, are you really okay with that?"
Nasundan na lang nang tingin ni Richard ang sinabi ni Paolo, na bestfriend ni Kai at isa sa kaibigan at ka-frat nila ni Kai. It was Bridget and Kai talking, alone. Na mas mukhang pinepeste ni Bridget si Kai.
Ang totoo kasi ay suplado si Kai. He was just smiling and ever so friendly dahil nakaharap ito sa camera. Pero sa kanila na kaibigan nito, he was really a quiet and reserve person.
"Hindi kaya masupalpal 'yang girlfriend mo ni Kai?" saad muli ni Paolo. "at saka, birthday mo 'to, why is she sticking to Kai than you? And look at you, ikaw ba talaga 'yan Richard?"
Noon naman tiningnan ni Richard si Paolo. Hindi na lang pala siya ang nakapnsin niyon kundi ang ibang tao. Well, it was pretty obvious na nagbago talaga siya at si Paolo nga lang ang unang taong pumuna niyon.
"No," malungkot niyang saad sa kaibigan. "this is all for Bridget."
"Pero hindi lahat nang ginagawa n'ya ay para sa 'yo," bahagya pang turo ni Paolo kay Bridget na tila nasa alapaap pang nakatingin kay Kai na hindi naman nito pinapansin. "come one, Rich, huwag ka namang magpakabulag sa pag-ibig. Hindi ikaw 'yan and you know it."
Mapait na lang siiyang bahagyang napatawa rito. "Do you really have to rub it?"
"Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nabubulag na ang pinakamatalinong taong kilala ko." Tuya ni Paolo. "I'm just saying, this wasn't the first time na nagka girlfriend ka but this was indeed the stupidest thing that you've ever done. True love na ba 'yan?"
Nagkibit-balikat siya roon. Hindi kasi niya alam kung anong isasagot niya kay Paolo. Lahat kasi ng sinabi at tinanong nito ay natataman siya. Na tama iyon at nabubulag lang siyang harapin. Dahil natatakot siya na baka kapag hindi niya ginawa ang mga bagay na ginawa niya, magkakaroon ba ng Richard-Bridget love team.
He was so in love with her that's why he was so afraid to lose her.
Maybe it was what they call true love.
"Kung true love nga 'yan o hindi, babalaan na kita, hindi maganda 'yang ginagawa mo. You are losing yourself at baka sa bandang huli, kapag pinakilala mo na kung sino talaga si Richard Sta. Maria, baka s'ya din ang mawala sa 'yo. So, I think you must stop that now or else...you know what will happen."
Noon naman nabalik ang tingin ni Richard sa puwesto nina Kai at Bridget. Ganoon na lang ang pagsulak ng kaba niya nang hindi makita ang dalawa doon.
"Nasaan sila?"
"Who? Those two? I think Kai left at sinundan ni Bridget."
Marahas na lang siyang naphinga roon. Mali talagang inialis niya ang tingin sa dalawa. Para niyang inalisan ng tali si Bridget sa ginawa niyang iyon.
Inalisan mo ng tali o ikaw ang binitiwan niya. Kaya ngayon para kang aso na naghahanap ng amo.
Napaangil lang siya roon. Now he was comparing himself to a dog. This isn't right anymore. Tama talaga si Paolo. Napakalayo niya sa masungit, suplado, at matalas na dila na Richard. Malayong malayo.
Napahinto naman siya nang makita niya si Kai at Bridget sa veranda kung saan 'di masyadong matao dahil malapit na iyon study room niya. Nakayakap si Bridget kay Kai habang si Kai ay kitang-kita ang pagkairita sa mukha.
"Anong sinasabi mo? Ako, boyfriend mo? Are you hearing yourself?" inis na angil ni Kai Bridget habang pilit na kinakalas ang braso ni Bridget sa bewang nito. "Ang boyfriend mo, si Richard. And Richard happened to be my friend. Nababaliw ka na ba? Sisirain mo pa pagkakaibigan namin."
"Hindi naman sa ganoon. Hindi ba puwedeng expression ko lang?"
"Expression man 'yan o hindi. It's not a funny thing to say. To think na birthday 'to ng boyfriend mo at nasa bahay n'ya tayo. Let go of me. Para kang tuko!"
Buong lakas na inalis ni Kai ang pagkakakunyapit ni Bridget sa bewang nito bago nagkamadaling lumayo sa huli. Doon na siya sumingit sa dalawa nang akmang lalapit uli si Bridget kay Kai.
"Richard," kumpirma ni Kai sa presensya niya bago tumango at umalis na.
"R-Richard," napaatras na tingin ni Bridget sa kanya at alam niya kung bakit.
It was him. The real Richard facing Bridget. It was far too different from the Richard she knew kaya hindi na siya nagtataka kung matakot ito sa kanya.
"I did everything for you," pigil ang galit na simula ni Richard. "I became Kai for you pero hindi pa rin pala sapat 'yon. Binago ko ang lahat sa akin. Kinalimutan ko kung sino talaga ako just to give into your caprices but it must end now."
Mabilis naman niyang itinaas ang kamay niya upang pigilan ito sa pagsasalita. "Hindi ko na kayang tiisin pa. I love you but you don't see that. Siguro hanggang dito na lang talaga ang kaya kong tiisin sa lahat-lahat ng ginawa mo sa akin. I don't entirely blame you though. May kasalanan din naman ako dahil kinunsinti kita dahil mahal kita.
"Maybe my love wasn't...no...it was too much that it made me blind to the things that I should've been seeing. Kailangan ko ring ibalik sarili ko. Parang namimiss ko na rin kasi 'yong ako." Napailing na lang siya at iniiwas na ang tingin kay Bridget na nagsimula nang umiyak. "Let's end this here, now. Let's break up, Ridge. I'm sorry that I loved you too much."
Hindi na niya inantay pang sumagot ang dalaga dahil kung gagawin niya iyon, baka kalimutan niyang lahat ng sinabi niya at tuluyang nang kalimutan kung sino nga ba si Richard Sta. Maria.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...