HINDI alam ni Bridget kung sinusubukan ba siya ng pagkakataon o sinasang-ayunan siya. Gusto rin niyang bawiin ang pasasalamat niyang inabutan ito ng pagka-shunga nito. Dahil heto sila, parehas na walang trabaho. Iniwan niya si Sasha sa trabaho para makiusap na pabalikin sila habang siya ay susugurin ang salarin.
Ang sabi kasi ni Sasha, masyado siyang natuwa sa pakikipag-usap kay Richard na madalas nitong nakasama sa pag-interview. Kaya nakalimutan na niyang mag-record at magtanong. Wala pa kasi sa fifty-percent ang naitanong ni Sasha sa mga celebrities.
Hayun tuloy natanggalan sila ng trabaho. At heto siya kokomprontahin si Ricahrd sa ginawa nito.
Kokomprontahin o gusto mo lang makita siya o dahil gusto mong humingi ng tulong o gusto mong magpaawa.
Shut up!
Naghalo-halo na ang nararamdaman niya sa nangyayari. She was torn in saying 'I love you and I'm sorry' and 'I hate you. Why did you do this?' to Richard. Nahahati siya sa pakiramdam na gusto niyang yakapin rito sa inis niya rito ngayon.
Naku bahala na nga.
Buti na lang at kilala pa rin siya ng Lady Guard ng Oblivion kaya madali siyang nakapasok. Madaming nakakilala sa kanya nang makarating sila floor kung nasaan ang opisina ni Ricahrd, kung saan siya itinuro ng receptionist. Wala namang gaanong nagbago sa floor na nilang iyon. Bukod siguro sa arrangements ng mga mesa, sa puwesto ng mga editor at ilan pang nadagdag na bagong editor, wala ng iba pa. Bukod lang siguro sa opisina ng EIC. Kung dating glass panel iyon, ngayon ay closed na kyon. You'll have to knock the door before going inside. At habang papalapit siya nang papalapit sa pinto kung saan nakasulat ang 'Editor-in-Chief', pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso niya.
"Bridget!" tawag sa kanya ng kung sino. "Ang tagal mo nang hindi nagpupunta dito. Namiss ka namin. Madalas pa naman si Kai dito mula nung matapos OJT mo. Kumusta ka na?"
Napangiti naman siya kaagad ng malingunan niya si Annie. Isa ito sa mga editors noon at ngayon ay mukhang nag-level up na ang posisyon nito dahil doon ito nakaupo sa labas lang ng pinto ng opisina ng EIC.
"Ma'am Annie!" Naligayahan din niyang lapit at yakap dito. "Tama ba hinala ko na level up-ed ka na?" kantiyaw pa niya rito. "Namiss n'yo talaga ako, ha. Hindi rin pala kayo makaget-over sa kagagahan ko kay Kai noon."
"Oo naman. Epic ang pagmamahal mo kay Kai noon, eh." Tapik pa ni Annie sa balikat niya. "Ano nga pala maitutulog ko? mag-apply ka ba uli? Si Sir Richard na ang EIC. Baka tanggapin ka na n'yan. After all may past kayo."
"Naku hindi. Baka kamo lalo akong hindi tanggapin dahil sa past na 'yan." Mabilis na tangi niya at pilit na iniiwas ang tingin. Baka kasi mapansin kasi ng mga ito na nasasaktan siya. "Mas more, more na sasagupa sa giyera." Matamis na ngiti na lang niya.
Napailing naman si Annie sa kanya bago inistorbo nito si Ricahrd. Sa paglabas nito ay ngiting-ngiti na ito sa kanya. "Ready na daw s'ya. Naku, nakakakilig naman kayo. Alam kong may something bakit kayo nagkahiwalay pero kung anoman 'yon, sana maayos n'yo na. I think you both love each other pa naman. Kaya...Fighting!" tulak pa nito sa kanya papasok sa opisina.
Dagli namang nabura ang ngiti sa labi ni Bridget pagpasok pa lang niya sa opisina ni Richard. Ang akala niya ay kaya niyang sumbatan ito sa ginawa nito pero hindi pala niya kaya. Nanaig kasi ang puso niya at mas nais niyang yakapin ito. She missed him so much. Pero kahit iyon ay hindi niya magawa. Sa hitsura nito ngayon at sa ambience ng opisina nito, parang napakalayo na nito sa kanya.
The office exudes confidence. Maayos na maayos na nakasalansan sa isang bookshelf ang mga librong naroroon. May isang malaking round table na naroroon at lounge chair malapit sa bintana, tanaw ang siyudad. Habang ang mesa naman nito ay puno ng papeles na maayos na nakasalansan sa kanang bahagi ng mesa nito at dalawang monitor ng computer sa kaliwa. And it was where he was looking now.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...