Be Mine

174 6 0
                                    

AYAW man ni Bridget na umalis sa Oblivion Publishing ngunit kailangan na. Tapos na kasi ang limang daang oras na dapat niyang gugulin para sa OJT niya. Ang thesis naman niya ngayon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin bago siya tuluyang makatapos sa kurso niya.

Pero hindi iyon ang problema niya ngayon. Ang problema niya, hindi na niya muling makikita pa si Kai. Magiging malayo na naman ang distansiya niya kay Kai. Kumbaga, tapos na ang maliligayang araw niya.

"Friend, ano na ang gagawin natin?" kunway nagmamaktol na tanong ni Marie kay Bridget. "Mawawalay na tayo kay Kai."

"Anong tayo? Ako lang. Dahil ako talaga ang girlfriend n'ya."

"Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa," pakanta namang pang-aasar pa ni Marie kay Bridget. "Ateng malayang mangarap kahit na sino. Kung girlfriend ka niya, girlfriend din niya ako."

Isang sabunot naman ang binigay ni Bridget kay Marie bago nanggigigil na sinabi rito, "Gaga ka talaga. Ikaw ang pangarap ka na lang ba. Dahil ako girlfriend talaga n'ya ako."

"Kailan pa?"

"Simula ng magustuhan ko s'ya," nakangisi pa niyang sagot sa kaibigan. "at matatapos 'yon pag nalaman niya."

Nagkatawanan naman sila roon ng kaibigan. Oo, alam niyang nangangarap siya. At sa kaunting panahon na natrabaho siya sa Oblivion, umasa siyang sana ay magkatotoo iyon.

At hanggang ngayon ay umaasa siya.

Saglit silang natahimik ng kaibigan at nakatunghay lang sa isang litrato ni Kai na idinikit nila sa cork board ng pinagsasaluhan nilang mesa bago iyon binasag ni Marie.

"Friend, ipagpapalit mo ba si Kai pag nagka boyfriend ka?"

Napalingon naman si Bridget kay Marie dahil sa tanong nitong iyon na para bang tinubuan ito ng isa pang ulo. "Tinatanong pa ba 'yon? Siyempre hindi. At kung magkakaboyfriend—teka, eh, boyfriend ko na nga si Kai bakit pa ako magkakaboyfriend ng iba?"

Siya naman ang nakatikim ng sabunot kay Marie. "Gaga ka talaga. Friend, nasa realidad na tayo. Paano kung may manligaw sa 'yo, wala kang balak mag boyfriend?"

"Mayroon." Mabilis na sagot ni Bridget. "kung si Kai ang manliligaw, why not coconut, 'di ba?"

"Paano kung iba?"

"Edi waley, ngangey."

"Ibig sabihin—"

"Ibig sabihin, kung hindi rin lang s'ya si Kai, tumigil tigil na lang s'ya sa pangarap n'ya dahil ako hindi ako titigil sa pangarap kong maging girlfriend ni Kai."

"Baliw ka na talaga. Baliw na baliw kay Kai."

"Naman." proud pang sagot ni Bridget.

"Oh, mga friend, narinig n'yo 'yon. Wala na kayong pag-asa." Biglang tayo ni Marie at lingon sa paligid. "Ang mabuti pa, magpaalam na lang kayo ngayon dahil last day na namin ngayon."

Mabilis din namang napatayo si Bridget at inilibot ang paningin sa loob ng opisina nila. And true to her friends words, halos lahat ng lalaki sa department nila ay nakatingin sa kanya na may panghihinayang sa lahat.

"Unfortunately for me, friend, sa 'yo sila may gusto at hindi sa akin."

Nasa ganoon silang usapan ni Marie nang may lumapit sa kanilang lalaki na may dalang bouquet. Walang abog na iniabot kay Bridget iyon. Sa sobra sigurong gulat niya sa ginawang paglapit ng lalaking iyon kaya natulala siya at inabot na nga lang din ang bulaklak.

"Kanino galing 'to?" naitanong na lang ni Bridget.

"Hindi ko alam, ma'am. Pero ang sabi n'ya umakyat na lang daw po kayo sa mezzanine sa fifth floor."

Napatango na lang siya sa sinabing iyon ng lalaki bago ito umalis. Napatingin na lang siya sa kaibigan niya at sa bungkos ng bulaklak na hawak niya.

"Kabog ang beauty mo, friend." Kinilig pang saad ni Marie. "Go sa go na, Friend. Malay mo si Kai 'yan." Bulong pa nito sa huling sinabi nito.

Para namang sinilihan ang pwetan niya dahil doon. Kaya wala na siyang pakialam kahit mapagalitan siya ng head nila basta ang importante ay mapuntahan niya ang mezzanine na iyon.

Hindi lang din naman dahil sa sinabi ni Marie bakit siya nagmamadali. Naisip din kasi niyang lahat ng gumagamit ng mezzanine at sa mismong fifith floor na iyon ay pulos matataas ang posisyon at mga celebrities lang ang puwedeng umakyat doon.

Kaya naniniwala akong si Kai na ito.

Nagbunga din naman pala ang madalas na pagsigaw ni Bridget ng 'I love you' at 'ako ang missing girlfriend mo' kay Kai. Mukhang sa wakas ay napansin siya ng iniidolo. At dahil nga aalis na siya sa Oblivion, kaya gumawa na ito ng paraan para magkalapit sa kanya.

"Ang sweet talaga. Ang bait na, sweet pa. S'ya talaga ang perfect boyfriend."

Kinikilig pa rin si Bridget nang makarating siya sa mezzanine na naadornohan nang cherry blossom ang bawat sulok ng lugar. Kahit ang lapag ay pulos talulot ng cherry blossom. Tuloy para siyang nilipad papuntang Japan ng mga oras na iyon. Impit na lang siya napatili nang may kung anong pumutok at namangha na lang nang unti-unting bumagsak ang ilan pang talulot ng cherry blossom. Authentic Japan na talaga ang itsura nang lugar.

Namamangha pa rin siyang naglakad-lakad sa hindi naman kalakihang mezzanine ngunit hindi pa rin niya makita ang hinahanap niya. Kinakabahan na tuloy siya at naisip na hindi kaya pinaglalaruan lang siya ng kaibigan niya?

Nasa ganoon siyang isipin at balak na sanang bumalik sa opisina nila nang sa pagpihit niya ay matagpuan niya ang hinahanap niya.

Hinding hindi niya puwedeng ipagkaila ang tindig nang binatang nakatayo sa harapan niya. Kahit ang porma nito at ang ayos ng buhok nito. Kilalang-kilala niyang lahat ng iyon.

"Kai," napatakip na lang sa bibig si Bridget matapos tawagin ang binata.

Noon naman humarap ito sa kanya. Hinubad nito ang shades nito na ikinalaki ng mata ni Bridget.

"Sir Richard, ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Isang ngiti lang naman ang binigay ni Richard kay Bridget and she'll be damned, pakiramdam niya ay napasok siya sa pinapanood niyang Korean novella at JDrama na naririnig ang OA na tibok ng puso niya at sa mga manga na nababasa ang 'thump' o 'badump'.

Dahil lang 'yon sa isang ngiti ni Sir Richard.

[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon