"WHERE are you?" Napangiwi na lang si Bridget sa galit ng tinig ni Richard na bumungad sa kanya. "First day of work and you're missing. Nasaan ka? Nasa sa 'yo ang schedule ko."
Hindi alam ni Bridget kung papaano niya sasagutin ang lahat ng komento ni Richard. Una, dahil hindi siya sanay na naririnig itong galit. Pangalawa, she was still overwhelmed that he called her and from hearing his voice.
"Bridget!"
"Sir!" ganting sigaw at gulat na sagot niya. "Nandito ako sa Amber, collecting my things and about your schedule," mabilis siyang naghalungkat sa gamit niya ng organizer na bingay ni Annie sa kanya. Naroroon daw ang lahat ng schedule ni Richard sa everyday life nito. "may meeting po kayo ng nine sa—"
"Nine!" putol ni Richard sa kanya. "Anong oras na ba, Miss Montemayor?"
"Eight thirty po." Nakangiti pa niyang sagot kay Richard na para bang nakikita siya nito, unti-unti lang nawala iyon nang marealize niya ang sagot niya. "Sir, sorry, hahabol na lang ako sa inyo."
"No." mabilis na namang sagot ni Richard. "Dadaanan ka namin sa Amber. I need to see you."
"Ha?" napamaang niyang saad dito. Muntik pa nga niyang mailaglag ang cellphone niya kasabay ng pagkalaglag ng panga niya. Bigla kasing naglakbay ang kilig sa katawan niya.
Narinig naman niya ang pagbuntong hiniga ni Richard at kalmadong nagsalita, "I need to see you para malaman ko kung accurate ba ang suot mo para sa trabaho mo. I know you're wearing jeans and shirt like you used to, and it's not appropriate for a PA to wear that. Now, I need to see you. Be at the lobby in five minutes."
"Five minutes? Ano 'yang kotse mo, bullet train?" nagulantang niyang saad dahil parang salaming nabasag ang pantasya niya sa sinabi nito. Napatingin naman siya sa tambak na gamit niya sa mesa niya. Kulang ang sampung minuto bago niya malikom iyon.
"Kailangan ko bang ulit-ulitin ang sarili ko? Hindi mo ako kilala, Bridget. And you don't want me angry and waiting."
Napalunok na lang si Bridget pagkarinig niya sa sinabing iyon ni Richard sa dial tone na sunod niyang narinig. Pakiramdam kasi niya ay double meaning iyon at nasaktan siya doon.
"Five minutes daw," biglang untag sa kanya ni Sasha na bahagya pang humagikgik sa pagkataranta bigla ni Bridget. "dalhin mo na lang kasi kung anong importante sa gamit mo."
Naptingin na lang siya sa kaibigan at kiming napangiti bago sinunod ang suhestiyon nito.
Pagkaraan ng limang minuto ay dumating nga ang chocolate colored Mercedez-Benz nito. Bumukas ang pinto niyon at niluwal si Richard. Hindi nga nakakunot ang noo nito o magkadikit ang kilay nito pero kitang kita sa mga mata nito ang galit. Kaya naman yuko na lang ang ulo niyang sumakay matapos nitong sumakay.
Kimi na lang siyang napangiti uli rito nang sulyapan siya nito. Siya na rin ang nag-iwas nang tingin dahil hindi niya matagalan ang pagkakatingin ni Richard sa kanya. Napaiksi na lang siya nang magtanong ito.
"Ano 'yang yakap yakap mo?" bahagyang turo ni Richard gamit ang ulo nito sa hawak niyang mga magazine.
"Ito? Wala. Wala. Hindi 'to importante."
"Oh, really?" ismid pa ni Richard.
"Yes, really."
"I see. Akala ko kasi..." he trailed off before turning to his side.
"Akala mo ano?" tanong naman ni Bridget sa sinabing iyon ni Richard.
Nilingon naman siya nito. "I'm not telling if you're not telling."
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...