MUNTIK muntikan nang batuhin ni Richard nang mahawkaan niyang magazine ang Kuya Cain niya pagpasok pa lang niya sa opisina. Pasalamat ito at iniisip niya na baka nakasunod pa rin ang tingin ni Bridget sa kanya mula glass wall ng opisina ng Kuya Cain niya na tumatayaong Editor-in-chief ng Oblivious Magazine o OM.
Pinapalakpakan kasi siya ni Cain kasabay nang pagtawa nito pagpasok niya. "Tigilan mo ako, kuya. Baka hindi ako makapagpigil." Amba na lang ni Richard rito.
"Kaya lang nagpipigil ka, kaya hindi mo gagawin," tawa pang muli ni Cain. "iba talaga ang tama mo kay Bridget, ha. First time 'yan. Dati kahit may maganda tayong OJT, hindi mo pinapansin. Pero ngayon, bakit?" tila hindi makapaniwalang saad nito.
"Hindi ko din alam, eh," napaisip din tuloy siya.
Una niyang nakita si Bridget noong nagpasa ito ng application for OJT sa opisina ng kuya niya pero hindi niya ito napansin noon. He thought she was just another student who wanted to meet artists. Siguro noong ikalawang pagkakataong pumunta ito sa building nila para sa interview, saka lang niya ito napansin.
Natuwa siya kay Bridget dahil hindi ito nangiming sabihin ang totoong nais nito bakit gusto nito sa Oblivion Publication. Dahil iyon kay Kai. Lalo pa siyang natuwa rito nang magdahilan ito sa katahimikang isinagot nila ng kuya niya sa sagot ni Bridget. Na boyfriend daw ito ni Kai, na lagi namang sinasabi ng mga fans nito. Only, Bridget was believable. Kapanipaniwala dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata nito. Naroroon ang passion, ang desire at pagmamahal nito sa idol nito. And that made Richard think that Bridget wasn't just a normal girl. Nararamdaman niyang kaya din nitong ipakita ang tatlong katangiang iyon sa trabaho nito.
And guess he was right.
Talagang remarkable ang mga trabahong pinapakita nito. Kahit na hindi showbiz ang napuntahan nitong departamento, nagagawa pa rin nito ang trabaho nito.
Siguro doon nito nakuha ang pansin niya. Idagdag pang masayahin ito. He loved her smile, her laughing face, her troubled face, even when her blushing. Parang gusto niya na ang lahat ng iyon ay mapasakanya lang. Na kaya ito nagkakaroon ng ganoong ekspresyon sa mukha ay dahil sa kanya at sa kanya lang.
You're being selfish.
Well, that is love, as they say.
"Ah, there you are again," putol ni Cain sa takbo ng isip niya. "sa tuwing si Bridget ang pinag-uusapan natin talagang lumilipad ang isip mo. Hindi na uli kita tatanungin tungkol sa kanya. Basta ang alam ko nababaliw ka na sa kanya."
"Tigilan mo ako, kuya. Hindi ako nababaliw sa kanya. Mabuti pang mag-trabaho na lang uli tayo."
"Magagawa mo kaya kung malalaman mong nakatingin pa rin si Bridget sa 'yo?"
Napaayos naman sa pagkakaupo si Richard bago marahang nilingon si Bridget at ganoon na lang ang angil ni Richard sa kuya niya nang makita niyang nakasubsob na ang ulo ni Bridget sa mesa nito. Inisahan lang siya ng kuya niya.
"Iyan ang tinatawag na hindi nababaliw nang dahil sa pag-ibig." Tawa pang muli ni Cain. "Sa wakas in love ka na rin. Ligawan mo na kaya 'yan si Bridget. Huwag mo na ring idolohin si Kai sa pagiging playboy. Mabuti nang huwag kang matuluyang magaya sa kaibigan mong 'yon."
"Hindi playboy si Kai. Lapitin lang ng babae." Pagtatanggol niya sa kaibigan. Simula pa naman kasi noong college sila, lapitin na ito ng babae. Kahit ang sister fraternity nila ay siyamnapung porsiyentong may gusto kay Kai kaya sumali.
"Whatever," pagbabalewala ni Cain sa sinabi niya. "But still, habulin pa rin siya at kasama si Bridget doon. Wala ka bang balak na mapunta siya sa 'yo?"
Napatigil naman si Richard sa ginagawa niyang pagbabasa. His brother just gave him the best idea. Napangisi na lang siya sa kuya niya. "Ang talino mo talaga, Kuya. Salamat. Maraming maraming salamat."
"What? What did I do?"
"Nothing," natatawa pa rin niyang sagot sa kuya niya. "salamat lang talaga sa mataba at matabil mong bibig. Mana talaga ako sa 'yo."
Hindi na napigilan pang mapatawa ng dire-diretso ni Richard habang napapailing na lang ang kuya niya sa kanya. Dahil kasi sa sinabi nito, naisip niyang bigyan si Bridget ng sarili nitong Kai. Iyong Kai na ito lang mamahalin at wala ng iba pa.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...