Richard, here I come!

110 4 0
                                    

"AALIS ka na talaga, Bridget?"

Isang malungkot na ngiti na lang ang naibigay ni Bridget kay Sasha sa tanong nitong iyon. Mukha kasing nailigtas ito sa pagkakaalis sa trabaho kaya maiiwan niya ito. Ang sabi kasi nito, tinulungan daw ito ni Richard, pinahiram daw ito ng recorded tape nito. Mukhang nai-record ni Richard ang buong conversation ni Sasha kay Kai. Kaya nakagawa ito ng paraan para mailigtas sa pagkakatanggal sa trabaho.

As for her, hindi na daw siya kinuhang muli ni Carmela, ang editor-in-chief nila, kung bakit, parang nararamdaman niya kung bakit.

Si Richard.

Kung hindi rin lang siguro niya gustong makasama si Richard, papalag siya sa hindi niya pagkakabalik sa trabaho niya. Kaya lang ito na ang hinihingi niyang pagkakataon noon, papalampasin pa ba niya.

Muli naman siyang napatingin kay Sasha. Maiiwan nga lang niya ang kaibigan niya. Mahirap pa naman pakisamahan si Sasha, para kasi itong batang naliligaw palagi.

"Oo, Sasha. Nakapirma na kasi ako ng kontrata sa kabila, eh."

"Paano na ako?" nakalabi nitong saad na umani ng tampal sa noo mula kay Bridget. "Pero kidding aside, sigurado ka na ba na magtatrabaho ka sa kanya? Hindi kaya may balak siya sa 'yo?"

Napatingin naman si Bridget sa nag-aalalang hitsura ni Sasha. "Kung anoman 'yon, bahala na si Batman. Basta ang importante ngayon, sa kanya na ako magtatrabaho. Makakasama ko na s'ya at magagawa ko na ang plano ko."

"And that is...make him fall for you again."

"Make him fall for me again," magkapanabay pa nilang saad na ikinatawa na lang nila.

"Desidido ka talaga d'yan, ha. Bet mo talagang makipagbalikan sa kanya?" tanong nito.

Saglit siyang hindi nakapagsalita doon. "Siyempre naman. Ang tanga ko, kasi huli ko na na-realize na mahal ko pala si Richard. Kaya gusto kong magkabalikan kami. Kahit hindi na 'yong baliw na baliw s'ya sa akin. Basta mahal na n'ya ako uli. Basta magkabalikan kami. Basta maibalik ko lang 'yong perfect love story namin. Kaya wish me luck."

Hindi naman sumagot doon si Sasha. Sa halip ay malu-luha na lang siyang tiningnan bago siya niyakap. "Mag-iingat ka do'n, gaga ka. Pag umiyak na naman dahil sa lalaking 'yon, yari ka na naman kay Marie."

"Oo na." Bahagya niyang sabunot sa buhok nito.

"O, mukhang hinahanap ka ng bago mong amo," turo ni Sasha sa phone niya.

"Ha?" Natameme niyang tingin kay Sasha dahil parang lumipad ang utak niya sa nakaraan. Natataranta naman siyang napatili nang makita niya ang tinuturo ni Sasha.

Ang phone niya. Nag-riring. At si Richard ang tumatawag!

[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon