Still hoping...

122 6 0
                                    

NAALIMPUNGATANG napaayos nang upo si Bridget mula sa pagkakatulog niya sa mesa. Ginsing kasi siya ni Annie na katabing mesa lang niya.

"Umuwi ka na," saad pa ni Annie kay Bridget. "Magagalit lang lalo sa 'yo si Sir Richard pag d'yan ka matutulog."

"Andyan pa ba s'ya? Hindi pa ba s'ya umuuwi?" Pupungas-pungas pang sagot ni Bridget at tinginan ang relo niya. "Alas-diyes na. Wala ba s'yang balak umuwi?"

"Naku, Hindi mo ba alam na ganyan ka workaholic 'yan?" anang ni Annie na may 'di makapaniwalang tingin sa kanya. "Naku, bahala ka na nga d'yan sa amo natin. Hindi naman papaawat 'yan sa pagtratrabaho. Mauuna na ako." kaway na lang ang naisagot ni Bridget sa pamamaalam ni Annie.

Hindi kasi masagot ni Bridget na hindi niya alam na workaholic pala si Richard dahil noon, lagi itong may oras sa kanya.

"Ayan ka na naman sa kaka-noon mo. Noon nga 'yon," pagalit na saad niya sa sarili. "heto si Richard ngayon. Ang totoong Richard. Ngayon, kailangan mong ipakita sa kanya na karapat dapat ka at hindi maghanap ng noon. Ang kulit mo din, 'no?" ismid pa niya sa sarili bago tumayo na at pumasok sa loob ng opisina ni Rcihard.

"Good evening, sir."

Sinulyapan naman siya ni Richard at binalik ang tingin sa ginagawa nito. "Bakit andito ka pa? Akala ko wala ka na since Annie left already. Bakit hindi ka pa umuwi?"

"Andito ka pa kasi." Ngiti uli niya nang sulyapan uli siya ni Richard. Nabura lang ang ngiting iyon ng hindi nito inalis ang tingin sa kanya.

Naalala kasi niyang pinagsabihan na siya nito tungkol sa pagngiti-ngiti niya ng ganoon. Hindi daw bagay sa corporate na hitsura niya. She looked stupid daw.

"Go home. Wala na tayong schedule ngayon, 'di ba?"

"Meron pa," sagot niya rito na ikinaangat nang tingin nito sa kanya.

Nakita naman niya ang pagtalim ng mata nito. Oh, right. What she said sounded like she neglected her work. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" malamig na saad nito. "Anong schedule 'yon?"

"Actually, you're evening is free, sir." Mabilis na salo niya. "Except if you would accept my offer to have dinner."

"Sorry, I don't accept any invitation from my staff." Walang pasakalyeng sagot nito. Kailangan tuloy niyang alalayan ang puso niya. "Puwera na lang kung trabaho din ang pag-uusapan." Masama na ang tingin ni Richard kay Bridget.

Gustong gustong mag-iwas nang tingin ni Bridget sa tingin nito pero hindi niya ginawa. Gusto niya kasing ipakita rito na kaya niyang saluhin ang kahit na ano mula rito kahit na nasasaktan siya. Hindi man iyon ang unang beses na tiningnan siya nito ng masama pero ang mga nangyayari ngayon ay unang beses lang niyang mararanasan kay Richard.

"At kung may oras kang ayain ako sa isang dinner, mas magandang siguraduhin mo na lang na maayos ang mga kailangan natin for the meeting tomorrow."

"Naayos ko na siya kanina pa, sir." Mabilis niyang sagot dito. "I-check ko na lang po uli."

"How about the lunch reservation tomorrow?"

"It's been taken care of. And so is the others, sir." Unti-unti nang nais sumilay ng ngiti sa labi niya sa tila pagkaalis ng kunot ng noo ni Richard. And another three points for, Bridget. Bawing bawi ka na. "I'll double check it again, sir, if you want."

Saglit itong tumingin lang sa kanya at sa bawat segundong lumilipas na ginagawa niya iyon, hindi niya napigilan ang pag-iinit ng pisngi niya. Bakit? Aba, dahil lang naman iyon sa gawi ng pagkakatingin sa kanya ni Richard.

He was looking at her like...like he did when he asked me to be his girl.

Makakalimutan niya ba iyon?

Hindi na tuloy niya napigilan ang mapangiti sa alaalang iyon. Richard was so sweet back then. He was so in love with her back then. Ngunit ngayon...

Napalunok na lang si Bridget nang mapansin niya ang madilim na muli ang mukha ni Richard sa kanya. Kung bakit, hindi niya alam.

"You can leave, Miss Montemayor. Wala na akong iuutos sa 'yo." Balik na nang tingin ni Richard sa ginagawa nito. "Kung sakalaing may magdadagdag ng schedule, diretso naman ang tawag nila sa cell phone mo. You'll just have to inform me tomorrow. Hindi ba nasabi ni Annie 'yan sa 'yo?" malamig pa ring saad ni Richard kay Bridget.

Napayuko naman si Bridget doon. "Nasabi, sir."

"Then why are you still here?"

"I was waiting for you. Sandali," pigil niya kay Richard ng muli itong magsasalita. "aalis na ako. O-order na lang ako ng pagkain for you. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya I'm taking the privilege na umorder para sa 'yo. Aantayin ko na lang s'ya sa labas. Pagdating n'on, aalis na ako kagad. Promise."

Lumabas na kaagad si Bridget sa opisina ni Richard pagkasaad niyon at hindi na inantay pang sumagot ang huli. Baka kasi hindi na niya kayanin at tuluyan na siyang mapaluha. Pagsarado pa lang ng pinto sa likuran niya ay napapaupo na siya at napasandal doon. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas. Para siyang yelo na inilabas sa ref at nilagay sa kumukulong tubig. Lusaw kaagad.

She can't take the coldness. Mas gugustuhin pa niyang pasasaringan siya nito. Sumbatan. Awayin at sigawan. Hindi iyong ganito na, tinatrato nga siyang 'di kaiba pero para namang walang nangyari. Na parang wala silang nakaraan. Na parang walang pinagsamahan. Na walang pinagsaluhang pagmamahalan.

Mapait naman siyang bahagyang napatawa roon. Mayroon nga bang pinagsaluhang pagmamahalan? As far as she knew, si Richard lang noon ang may binibigay. At siya, tanggap lang nang tanggap.

"So I really deserve this."

Para siyang sinakay sa rollercoaster at nagpaikot-ikot sa nakaraan at kasalukuyan nila ni Richard. Ang masama, hindi niya alam kung saan siya hihinto. She wanted to go back from the past but the present wanted her. At parang ganoon din ang nangyayari kay Richard kaya siguro ganoon ito makatingin sa kanya.

Hindi kaya mali ang ginagawa niya ngayon?

Napahugot na lang siya ng hininga at napunasan ang tumulo na pa lang luha. Ilang minuto rin siyang lumuha. Napatigil lang siya nang dumating na ang inorder niya. Walang imik at pilit na itinago ang mukha niya kay Richard nang ipasok niya ang pagkain nito. Pigil din niya ang tinig niyang manginig nang magpaalam siya rito.

Ayaw niyang kaawaan siya ni Richard dahil lang umiiyak siya. Ang gusto niya mahalin siya ni Richard tulad noon. Patawarin siya nito dahil mahal siya nito at hindi dahil naawa ito sa kanya.

She deserved this and she needed to endure everything just to have him back.

[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon