After Years

128 6 0
                                    

MAKAILANG beses pang humugot ng hininga si Bridget at tiningnan muli ang hawak niyang approved questionnaire nila ng kasamahan niyang si Sasha. Iyon kasi ang unang beses na sila ang pinadala ng Amber Publishing para sa isang interview ng iba't-ibang artista, singer at kung sinu-sino pang celebrity.

Katatapos pa lang kasi ng People's Choice Award at mayroong pagkakataon ang bawat publishing house, dyaryo, TV at iba't-ibang media na makadaupang palad ang bawat celebrity para sa isang interview.

Kaya heto sila ni Sasha, na parehas na baguhan sa ganoong eksperyensya. Dalawang taon pa lang siyang nagtatrabaho sa Amber Publishing para sa magazine ng mga ito at heto siya at pinadala na doon. Para daw iyon sa promotion at kung magkakamali siya, ligwak ang beauty nila ni Sasha. Make or break ang pagkakataong iyon.

"Handa ka na ba?" tanong muli ni Bridget kay Sasha na halatang kinakabahan din.

Inayos naman ni Sasha ang sarili at taas noong tumingin sa kanya at ngumiti. Maganda si Sasha at sa tuwing ginagawa nito iyon, nagmumukha na itong handa at hindi kinakabahan.

Inggit ka naman?

Hindi ako naiingit sa kanya. Maybe two years ago pero hindi na ngayon. Kaya ko ding gawin 'yan.

Ginaya namna ni Bridget ang ginawa ni Sasha at kalmado ring ngumiti sa kasama. Sabay na lang silang nagkatawanan sa ginawi. They knew that they were just joking themselves.

"Ikaw, handa ka na ba?"

"Ako?" turo pa ni Bridget sa sarili nito. "Questionnaires ready, recorder ready, pen and paper ready. I'm all set. Ikaw?"

"I'm ready, pero hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Lingon ni Sasha sa paligid bago bahagyang dumukwang sa kanya. "I mean, ready ka na makita si Kai?"

Umismid lang siya rito. Kung two years ago siya tinanong nito, baka nakipag-agawan siya sa posisyon nito. Binigay na kasi niya kay Sasha ang pagkakataon na makaharap at matanong-tanong si Kai. Bridget was so over Kai. At bukod pa roon, si Kai ang naging dahilan bakit siya iniwan ni Richard.

Actually, ako pala. Napabuntong hininga siya roon. Totoo naman kasing ang sarili niya ang dahilan bakit siya iniwan ni Richard.

Kung nalaman lang sana niya kung anong halaga ni Richard sa buhay niya; at kung nalaman din lang niya na she was neglecting Richard's feelings; at kung nalaman din lang niya kaagad kung gaano siya ka-gaga baka hindi siya iniwan ni Richard.

Richard did everything to please her. Pero siya may ginawa ba siya? Ang tangi lang naman niyang nagawa ay saktan ang binata.

Idagdag mo pang wala kang alam tungkol sa kanya. Bukod sa pangalan n'ya at kung saan s'ya nagtatrabaho. Lagi mo kasing iniisip na parehas sila ni Kai which you forgot that Richard just changed himself for you. Para mapansin mo s'ya, para mahalin mo s'ya.

At ang lahat ng effort ni Richard ay nabalewala dahil sa kanya.

Umiling si Bridget kay Sasha. "Friend, baka nakakalimutan mong ikaw ang haharap sa kanya. Kaya handa ka na bang makaharap uli s'ya?"

Napatawa na lang si Bridget nang mapatili si Sasha. Ganoon talaga ang dalaga kapag kinakabahan ito. Nawawala ito sa sarili at kunway kalmado pero tulad na lang ngayon, impit talaga itong napapatili kapag kinakabahan.

"Kaya tinatanong kita, Sasha, handa...ka...na..." hindi na natapos pang sabihin ni Bridget ang tanong niya dahil naagaw na ng iisang tao ang paningin niya.

Tatlong tao ang layo sa kanila mula ni Sasha, mula sa likod ng salamin niya, kitang kita niya si Richard. Malayong malayo ito sa Ricahrd na naging nobyo niya. Hindi na ito t-shirt and polo kundi puting turtle necked long-sleeved sa ilalim ng itim na casual coat jacket nito. And he looked so...

Ituloy mo. Yummy, 'di ba? Mas yummy kaysa noon. Mas yummy kaysa kay Kai.

Marahan na lang siyang napatango sa tinig na iyon. Saan ba siya nagkamali?

Two years ago, nasa tabi siya ni Richard palagi. Holding his hands with smile on their lips. He would even kiss the back of her hand before lovingly gaze at her. Mawawala lang ang lahat ng iyon kapag nabanggit na niya si Kai. Napapansin na niya iyon noon pero lagi siyang nagpapa-distract kay Kai kaya himbis na bumawi siya at mapangiti uli si Richard, hindi na niya nagagawa pa.

And she was a fool back then.

Kaya nga hinanap mo siya.

Oo, hinananp ni Bridget si Richard. Pero nawala ito. Wala sa Oblivion. Wala sa bahay nito. Ang sabi sa kanya ng ate nito ay nasa ibang bansa daw si Richard. Kung bakit ito umalis ay dahil daw sa kanya. Kasalanan niya kung bakit umalis si Richard. Hindi na siya nagtataka doon. Kung sa kanya nangyari iyon, ganoon din ang gagawin niya.

At ngayong andito na si Richard, ano na ang gagawin mo, Bridget?

Hindi ba sabi mo babawiin mo s'ya?

Iyon naman talaga ang balak niya pero...

Tila naman naramdamn ni Richard na may nakatingin rito dahil nag-angat ito ng tingin mula sa kausap nitong lalaki papunta sa kanya. Hindi niya nakuhang maialis ang tingin dito. Walang pinagbago sa hitsura nito bukod siguro sa ilang pagbabago. Ang medyo singkit na mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kanya. Ang maninipis na labi nitong puno dati ng ngiti ay nawala na. Parang may bayad na ang ngiti nito.

Isang ngiti ang binigay niya rito nang bahagyang ipaling nito ang ulo pero pagkatapos niyon ay wala na siyang nakuhang reaksiyon dito. Sa halip ay binalik lang ni Richard ang tingin nito sa kausap bago naglakad na palayo.

Anong nangyari? Anong ginawa niya? Pagkakataon na niya iyon. Dapat lumapit siya. Binati ito. Sinabing mahal pa niya ito at gagawin niya ang lahat para mahalin siya nitong muli. Pero anong ginawa niya?

Wala.

Hindi kasi siya nakagalaw matapos siyang hindi pansinin nito. Hindi niya magawang lumapit dito sa lamig ng tinging pinukol nito sa kanya na tila ba hindi siya nito kilala.

Magtataka ka pa ba? Umalis nga s'ya para kalimutan ka. Ngayon, gusto mo ngitian ka din n'ya. sinusuwerte ka, ineng.

"Bridge, tara na. Magsisimula na daw," untag sa kanya ni Sasha bago hinatak na siya papasok sa venue.

Hindi na uli niya nakita pa si Richard pagkatapos niyon at iniwan siyang umaasang magkita silang muli.

[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon