HINDI pa rin makapaniwala si Bridget sa nakikita niya. It was Richard na hindi si Richard. Para kasing may kakaiba dito ngayon kaysa pag napupunta ito sa department nila.
"Ikaw ba talaga 'yan, sir?" tanong muli ni Bridget kay Richard na bahagya nang napatawa.
"Ako nga. Bakit, hindi mo ba ako nakilala?"
"Slight," aniyang bahagya pang pinagdikit ang hintuturo at hinlalaki niya. "hindi ko lang maisip na idol n'yo rin pala si Kai."
Nagkibit-balikat naman doon si Richard. "Well, puwedeng ganoon na nga 'yon. Ikaw kasi."
Napamaang naman siya rito. "So kasalanan ko pa pala ito, sir. Pero sir, 'wag mo akong uunahan kay Kai, ha. Boyfriend ko na 'yon."
Sa pagkakataong iyon ay napatawa na lang si Richard. Saglit pa muna siyang tinitigan nito bago nauwi sa pagseseryoso. "You really are something but rest assured na hindi mo ako makakaagaw kay Kai."
"Mabuti nang maliwanag, sir," napangiti na ring sagot ni Bridget. "pero tanong ko lang po, bakit ho andito kayo—ay—baka nagkamali ako ng punta. May ka date yata kayo dito, sir. Naku sorry po kung nasira ko 'yong palabas n'yo. But rest assured, sir, na maganda s'ya. Sigurado akong magugustuhan 'to ng ka-date n'yo. Kabog na kabog. Parang nasa Japan lang ang feeling. Authentic Japanese." Naka thumbs up pa niyang dire-diretsong saad kay Richard na napapangiti na lang muli.
"May tama at mali ka," nagsimula nang lakad papalapit ni Richard kay Bridget, na napaatras naman. "tama kang may kadate nga akong inaantay rito pero..." tigil nito sa harap niya kasabay ng pigil ng daliri nito sa labi ni Bridget na akmang magsasalita. "mali ka sa pag-aaklang nagkamali ka ng pasok ng lugar at mali ka na may iba akong kadate. Because she's already standing in front of me. Holding the flowers that fade to her beauty."
Isang marahan na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Richard mula sa nakita nitong pagkatulala sa mukha ni Bridget. Natulala kasi si Bridget mula sa sinabing iyon ni Richard. Parang tumigil ang mundo niya at kahit ang kilig na dapat na pakakawalan niya ay hindi niya magawa.
"Ako...ang...k-kadate ninyo...ngayon?" mabagal na saad ni Bridget na tila ba prinoproseso pa ng utak niya ang mga nangyayari.
"Oo. Bakit?"
"Sir, bakit ako?" turo pa niya sa sarili niya. "Special award ba 'to? Exceptional ba talaga ang pag fangirling ko habang nagtratrabaho? Ito ba ang reward ko, sir?"
Umiling naman doon si Richard. "Hindi mo ba puwedeng lagyan 'to ng kahit kaunting romance? Ikaw, ako at ang ambience ng lugar. Can't you put a little romance in it? Kung si Kai ba ang andito, would you think otherwise?"
Napatigil at napaisip naman siya roon. Kung si Kai nga kaya ang naroroon, lalagyan nga kaya ni Bridget ng kulay ang lahat ng iyon. I-aasume nga kaya niya na may 'something' sa likod ng lahat ng iyon.
Kumabog naman ang dibdib niya roon. Oo naman, walang kaabog-abog na sagot ng tinig na iyon sa isip niya.
Kaya lang hindi si Kai ang nasa harap niya kundi si Richard Sta. Maria. Ang kaibigan ni Kai.
At ang gagang puso niya ay mas lalo pang lumakas ang tibok. At lalo pang nagwala ito nang bahagyang ngumiti si Richard. Para kasing nakita ni Bridget si Kai sa ngiting iyon ni Richard.
Kai 2.0!
Mabilis namang napatakip ng mukha si Bridget nang maramdaman niyang uminit ang pisngi niya dahil sa ginawang iyon ni Richard na ginatungan pa ng tinig na iyon sa isip niya.
"Sir, huwag mo naman akong i-confuse ng bongga. Hindi ako puwedeng magtaksil kay Kai."
Naialis na lang ni Bridget ang kamay niya sa mukha nang wala siyang makuhang sagot mula kay Richard. Marahan niyang iniangat ang tingin sa binata na matamang nakantingin sa kanya. Smile gone, sparkle in the eyes gone. He was all seriousness and frowns. A very different Richard.
"Why Kai?" basag ni Richard sa katahimikan. His voice was laced with jealousy, with sadness, with...hurt. And it was the first time that she saw him like that. Nakakapanibago.
"Sir, hi—"
"Hindi ba puwedeng ako?" putol ni Richard sa kanya. "I'm willing to do anything, everything. Kaya kong maging si Kai para sa 'yo. Look at me. Napagkamalan mo nga akong si Kai, 'di ba? Kaya madali na lang ang ibang bagay. You...you can show me, tell me when and how can I be become Kai. Please, Bridget, let me be the one."
Bahagya namang napailing doon si Richard at mapait na napangiti. "Ang corny ko naman," iling pang muli nito. "pero ang gusto ko lang talagang sabihin, kung si Kai ang gusto mo, kaya kong ibigay 'yon sa 'yo. Please, go out with me, be mine and I'll be Kai for you."
Naitakip na lang ni Bridget ang kamay niya sa bibig niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Richard. Hindi niya alam kung paano ba niya sasabihin dito na parang sasabog ang puso niya sa mga sinabi nito. Paano ba niya masasabi na sobra-sobra na ang ginagawa nito para sumubora sa tamang tibok ang puso niya?
"Pumayag ka na! Sagutin mo na!"
Mabilis namang napatingin si Bridget sa likod ni Richard. Noon lang niya napansin na nagtipon na pala ang sangkatauhan ng building nila sa mezzanine at nanonood sa kanila. Nakita niya ang pagtango ni Cain. Bigla-bigla ay nagtilian na ang mga tao.
Bakit?
Lumuhod lang naman kasi si Richard sa harap niya at mariing hinawakan ang kamay niya.
"Sir..." impit na tawag niya rito.
"It's Richard. Learn it," kindat nito sa kanya at muling ngumiti. "ngunit sa ngayon, puwede bang pag-aralan mo muna ang pagsagot ng 'oo' sa tanong kong, puwede ba kitang ligawan?—hindi, puwede ba kitang maging girlfriend?"
"Oo!"
"Tse!" sigaw niya sa mga miron na naroroon bago binalik ang tingin kay Richard na nakangiti sa kanya. "Ang daya mo, sir, iniipit mo ba ako?"
"Slight," pang-gagaya nito sa kanya.
Makailang beses pa siyang humugot ng hininga at nagpalipat-lipat ang tingin sa tao at kay Richard. "Teka, sir, tumayo ka nga muna dyan. Hindi ko pa kasi alam kung anong isasagot ko."
"Kung 'oo' na lang kaya para makatayo na ako at mabigyan na kita ng isang halik."
"Hoy!" hindi niya napigilang sigaw dito. "Sorry naman, sir, huwag mo kasing akong ginugulat." Mabilis na bawi niya nang mapagtanto niya ang ginawa niya.
"Answer already!" magkapanabay na gagad na naman ng mga tao.
"Ito na! Ito na!" ganting balik niya. "Sir, ang tangi ko lang masasabi, ang bilis bilis ng lahat ng 'to. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakaluhod mo sa harap ko o sa authentic Japan ambience na 'to o sa mga bulaklak na 'to o sa bilis ng tibok ng puso ko o sa complete replica ni Kai ang nagdala sa akin sa desisyong ito. Pero gusto kong subukan dahil ako din, hindi ko pa nararamdaman ang ganito sa tanang buhay ko. Kaya—"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil tumayo na si Richard at niyakap siya ng mahigpit. And true to his words, and as they say, he sealed everything with a kiss.
And with just that, nakalimutan na niyang alamin bakit nga ba siya sumagot ng 'oo' sa lahat-lahat ng sinabi ni Richard.
Pero kailangan ba talagang tanungin kung bakit?
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...