"HOY, BRIDGET, nakikinig ka ba?" untag ni Sasha kay Bridget. "Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang nasa kabilang ibayo ang kausap ko. ano bang nangyari sa 'yo?"
Isang kurot sa braso ni Bridget ang nakapagpagising niya sa kawalan. Kanina pa kasi niya iniisip kung nasaan na si Ricahrd. Gusto niyang hanapin ito, kausapin para...
Para ano? Humingi ng tawad? Sa tingin mo mapapatawad ka na n'ya? Asa ka pa.
Alam niya iyon. But it's worth a try.
"Hoy, ano ba?" untag muli ni Sasha kay Bridget. "Making ka sa 'kin. Kinukwento ko kaya 'yong encounter ko kay Kai kanina. Grabe ang guwapo talaga n'ya. Totoo nga yata 'yong sinasabi nilang habang tumatanda, mas gumugwapo."
Isang simpleng ngiti naman ang isinagot ni Bridget doon. "Edi, tiba-tiba ka na naman sa pagmumukha ni Kai."
"Naku, hindi nga ako makapaglabas ng cellphone para piktyuran s'ya. Tapos may nalala nga pala ako," bigla namang kinilig na dugtong ni Sasha. "'Yong katabi ko kasing lalaki parang nakita ko na s'ya, kamukha s'ya ng ex mo. Richard ang name, sa OM magazine daw s'ya. S'ya ba 'yon? Kung s'ya 'yon, isa lang masasabi ko sa 'yo. Ang shunga mo. Ang guwapo pala n'ya. Ang bango pa. Kaya nga hindi ako nakapaglabas ng phone dahil sa kanya. Natulala na ako sa kanya, hard chika kasi s'ya sa akin, eh."
Napamaang na lang siya roon ngunit hindi sinang-ayunan ang mga sinabi ng kaibigan. Wala kasi itong alam tungkol kay Richard. Bukod sa lumang litrato nito at pangalan ni Richard.
"So pinagpapalit mo na si Kai?" labas sa ilong niyang tanong ditto. Dahil kapag um-oo ito, sasabunutan talaga niya ito.
"Ay, hindi pa rin," sinabayan pa ni Sasha ng iling. "kumbaga nadagdag lang siya sa crush ko. Same level kasi sila ni Kai ng kaguwapuhan. Kung si Kai ay rock star. Si Richard naman ay isang masungit pero guwapong professor." Sabay ngisi ni Sasha na ikinailing na lang niya.
"Ay, ito nga pala ang calling card n'ya. Sabi n'ya ibigay ko daw sa 'yo," labi nito. "paano kaya n'ya nalaman na may kasama ako?" Nagpasalamat na lang siya dahil ngayon umiral ang pagka-shunga ng kaibigan niya. Pagdating talaga kay Kai nawawala ito sa sarili nito.
Naiiling na lang niyang inabot ang calling card ni Richard bago napangiti. Ito na pala EIC ng OM uli. At para namang umilaw ang bumbilya sa isip niya. Mag-apply kaya siya sa Oblivion uli?
Noong nag-apply kasi siya doon, hindi siya tinaggap ni Estelle, na ate ni Richard. At kung ngayon siya mag-apply rito...
Feeling mo tatanggapin ka n'ya?
Inismiran na lang niya ang sarili doon. Tatanggapin nga kaya siya nito? Parang bulong sa hangin ang mangyayari sa pag-asa niyang tatanggapin nga siya ni Richard sa OM para mapapalapit siya rito at magawa ang plano niya.
"Nasaan na s'ya?" tanong niya kay Sasha na patuloy pa rin sa pagsasalita habang iniikot ang paningin sa bulawagan.
"Ma. Malay ko kung nasaan s'ya." Lingon din ni Sasha sa paligid. "Teka, bakit mo ba hinahanap?"
Because I need to talk to him. Napahinga na lang si Bridget ng hindi niya matanaw kahit man lang ang anino ni Richard.
"Hoy, bakit nga?" bigla namang natigilan si Sasha doon. "S'ya ba talaga ang ex mo?"
Isang kiming ngiti na lang isinagot niya. Naitakip naman ni Sasha ang kamay sa bibig nito. "Oh-em," OA na saad pa ni Sasha.
"OM talaga," napayuko na lang niyang saad dahil pakiramdam niya ay mapapaluha na siya. Naalala na naman kasi niya ang nakaraan. And her heart aches for him.
"Hindi, 'day. OM talaga dahil paparating na siya ngayon dito." Tila naipit ang daliring saad ni Sasha at may komikal na ngiti pang nakapaskil sa labi nito.
Mabilis namang napapihit sa tinitingnan ni Sasha si Bridget at ganoon na lang ang pagkakapigil niya sa hininga nang marahan ngunit tila mapanaganib na lumalapit nga si Richard sa kanila.
"Good evening, Ladies," bati nito sa kanila. "It's good to see you again, Sasha. Miss Montemayor," lingon ni Richard kay Bridget. "hindi ko akalaing dito tayo uli magkikita."
"Ako din, eh. Ang liit talaga ng mundo, 'no?" O, nasaan na 'yong mga spiels mo na 'mahal kita, Richard. Come back to me' mo? Isang kiming ngiti naman ang sa halip ay idinugtong niya.
"Oo nga, eh. Ang akala ko sa Oblivion kita makikita pero alas, dito pa sa presscon. At magkaibang company pa tayo."
"Akalain mo nga naman." Naiilang na niyang saad dahil diretsong nakatingin si Ricahrd sa mga mata niya. Napaiwas na lang siya ng tingin dahil doon.
"Bakit hindi ka sa Oblivion nag-apply, Ridge? Ayaw mo na ba kay Kai? Lagi pa naman s'yang nandoon nitong mga huling taon." Bigla ay tanong ni Richard kay Bridget na nakapagpasinghap sa huli.
She did not expect that he would call her that again kaya naman natuliro na naman ang utak niya at umatras ang dila. Kung hindi pa tumikhim si Ricahrd, hindi pa siya magsasalita.
"N-nag-apply ako." Kibit-balikat ni Bridget. "Hindi ako natanggap, eh. At saka I don't have that fangirl thing to him."
"Andito na ako uli sa Oblivion. Bakit hindi mo subukang bumalik?" Pamulsa pa ni Richard na ikinabuka nang coat nito at mapagmasdan niya lalo ang dibdib nito. "So, fangirl ka lang pala noon. I thought you're his girlfriend. You want to be." Pagdidiin nito sa huling salita.
Doon naman nabasag ang pantasya niya. "Ang kapal ng mukha ko kung mag-aapply pa ako doon. If you know what I say. At saka lahat naman ng fans ni Kai e girlfriend n'ya at nangangarap maging girlfirned n'ya. Back then, I was one of his fan girls going gaga over him. Mukhang nakarecover naman na ako." Sinamahan pa bi Bridget iyon ng kibit-balikat.
Natahimik naman bigla si Riachrd at mataman lang nakatingin sa kanya. Hindi iyon tulad nang tingin binibigay nito sa kanya noon. Ngayon, isang walang emosyon at tila isa siyang eksperimentong tinitignan nito.
"Very well. Tawagan mo nyo na lang ako if you need anything." Pagdidiin muli ni Richard sa dalawang huling salitang sinabi nito bago kindatan si Sasha at bahagyang ngumiti.
Kung hindi siguro siya nakahawak kay Sasha baka tumimbuwang na siya sa ginawang iyon ni Richard. She never knew—no, she always knew that his smile was deadly. Mas nakakamatay nga lang ngayon.
O, puso maghunusdili ka. Simula pa lang 'yan. Madami-dami pa tayong kailangan pagdaanan. Napapngiwi na lang niyang tingin sa calling card ni Richard.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...