VIII

7.2K 107 10
                                    

Ilang beses pang naulit ang pangbababoy ni Josh sa akin. Minsan uuwi ito ng madaling araw lasing at gigisingin o pipilitin akong makipag-talik sa kanya.

Halos gawin nya na akong punching bag at parausan nya.

"Please Josh tama na" mga daing ko sa bawat sampal at pambababoy nya sa akin ngunit tila sarado ang kanyang pandinig at isip.

Gusto ko mang lumabas ngayong araw dahil Birthday ko hindi ko magawa dahil ni lock nya ang pinto pati ang gate, wala rin akong cellphone dahil kinuha nya rin kaya hindi ako makahingi ng tulong kay Julia o kay ate.

Nasa kusina ako at tumitingin kung anong pwede kong kainin ngayong tanghali, isang itlog lang ang nakita ko. Wala ng laman ang kusina dahil halos isang linggo na kong di nakakalabas ng bahay at hindi naman sya  bumibili ng grocery.

No choice ako kung hindi prituhin yung itlog at naglinis na lang ng bahay. Pagkatapos kong gawin ang mga gawaing bahay ay nagtungo ako sa may kwarto at nagbasa na lang ng mga magazine.

Di ko na mamalayang nakatulog na ako at nagising na lang ako dahil sa lakas ng pagkakasara ng pintuan ng kwarto at nakita kong galit na galit na naman si Josh.

"P*tang *na naman Yannie pagod ako sa trabaho tapos wala akong aabutang pagkain dito" sigaw nito sa harapan nya.

"Ahhh  ehhh  kasi akala ko di ka dito kakain tsaka wala ng stock ng pagkain" nakayuko kong sabi dahil iniiwasan ko ang matatalim nyang mga titig.

"Sana nagsabi ka para kumain na ako sa labas. Hayop na buhay to" sigaw nya ulit sa akin kitang-kita ko ang frustration sa mga mata nito ng mapatingin ako sa mata nya.

"S-sorry"

"F*ck your sorry can't change anything" sabat nito agad.
Pagkatapos nun ay padabog nya na naman sinarado ang pinto at narinig ko na lang ang pag-alis ng kotse.

Bigla na lang nanlambot ang tuhod ko marahil sa takot na saktan na naman nya ako.
Pagkalipas ng halos isang oras ay bumalik na ito at may dala ng mga grocery at fast food para sa dinner.

Umalis ito habang inaayos ko ang mga pinamili nyang grocery at kakainin naming fast food na binili rin nya.

Bumalik sya at may dala ng cake. Napangiti ako ng makita ang cake na hawak-hawak nito.

Oh My God naalala nya yung Birthday.

"Oh pinapabigay ng parents mo ng magkita kami sa board meeting kanina" abot nito kasama ang isa pang box na galing din kanila mommy at Daddy.

Naupo na sya sa may tabi ko at nagsimulang kumain ng dala nyang pagkain na inahin ko na kanina.

Nawala ang ngiti ko ng sabihin nya ang mga yun. Ang akala ko pa naman sya ang bumili nun para sa akin.

"Uhmm ahmm" iyon lang ang lumalabas sa aking labi dahil natatakot akong baka may mali akong masabi

"Ano ba yon? F*ck nakaka-irita ka bwisit na buhay to" kitang-kita ko ang iritasyon sa mga mata nito dahil sa tunog na nagagagawa ko.

"Pwede ko bang kunin yung cellphone ko?" Kabadong tanong

"Oh bakit tatawagan mo yung kabit mo?" Sarkastikong sagot nito.

"Ilang beses ko bang sasabihing kaibigan ko lang si Cymon" mababang boses na sagot ko para kahit papaano ay hindi ito magalit.

"Yeah and friends kiss sa LABI. I do not believe you, You are a whore after all " inemphasize nya ang salitang labi at whore.

"Please Josh I am not a whore" sabi ko at nag-lakas ako ng loob na tignan sya.

"Whatever b*tch you want your phone?" Tanong nito sa akin.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon