It's been a week simula ng iwan ko sya at lumipad patungong Australia masakit pa rin na iwan sya dahil pinaramdam nya na ayos na kami, na mahal nya na ako, isang kasinungalingan lang pala. Mali akong nagpakampante na sa pagkakataong yon ako naman ang paniniwalaan nya ,na ako naman ang pipiliin nya.
Sana hindi na lang nagbago ang pakikitungo nito sa akin dahil sa ginawa nyang pagkatiwalaan ang kabit nya it only means that only the baby in my tummy is all what he wants.
Hindi pala tamang paikutin ko ang sarili kong mundo sa kanya dahil nang iwan ko sya hindi ko na alam kung pa paano at kung saan ako magsisimula.
Nakatulala na pala ako ng maramdaman kong may nagpupunas ng aking luha na noon ko lang nalaman na umiiyak na naman pala ako. Nang tignan ko kung sino ang nag-pupunas sa akin ay napangiti na lang ako.
"Bakit nandito ka Cy?" Takang tanong ko agad dito. Nagtext kasi ako kanina sa kanya na aalis muna ako sa bahay nito at pupunta sa Crusty Cafè malapit sa bahay nito kung saan ako nakatira.
Hindi naman dapat ako sa bahay nito titira pero hindi sya pumayag kasi wala daw mag-aalaga sa akin ngayon dahil buntis ako kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya para rin naman yon sa ikakabuti ko at ng magiging anak ko.
"Bakit bawal ba ako dito?" nagbibirong tanong nito kaya inirapan ko na lamang ito. Tsaka ito umupo sa upuan sa aking harapan
"Joke lang buntis susunduin lang kita dito at bakit ka na naman umiiyak ha? Masama sayo yan" dugtong pa neto
"Kaya ko namang umuwi mag-isa Cy. Tsaka ala singko pa lang naman" nakasimangot na sabi ko sa kanya dahil sa halos isang linggo ko kasama sya lagi syang ganyan kung mag-alaga. "As usual his crossing my mind again I want to forget him"
"Hay naku po yung gago na naman yun kahit wala na sya dito iniiyakan mo pa rin sya. Baka mapano ka dito, di mo pa naman alam mga pasikot-sikot dito" nakangiting saad nito di ko na lang dinagdagan pa ang usapan naming may kinalaman kay Josh para kahit papaano ay mawala ito sa isipan ko.
"Di na naman ako bata tsaka jan lang naman ang bahay mo di ba?" Inirapan ko ito kaya tumawa ito na lalong nagpainis sa akin. "Wag mo nga akong tawanan tatadyakan kita jan Cy!" Tumataas na ang boses ko dahil ayaw nitong tigilan ang pag tawa.
"Okay I'll stop. Calm down think of your baby" tumigil na ito sa pagtawa kaya medyo kumalma na rin ako kahit papaano "Do you want to eat rice?" Tanong nito sa akin.
"Yes but I don't want to eat outside" sabi ko dito dahil alam kong dadalhin na naman ako nito sa isang kilalang restaurant dito. "Gusto ko ako ang magluto please? I miss cooking" pinagdikit ko pa ang aking mga palad na parang nagdadasal.
"Di ba bawal kang mapagod?" Concern na tanong nito sa akin kaya ayaw na ayaw nitong pinapagalaw ako sa bahay nya.
"Di naman ako mapapagod eh. Tsaka minsan lang naman sige na please" sabi ko sa kanya at nag pretty eyes pa ko sa kanya para lang payagan nya akong magluto.
"Oo na. Nakakadiri ka wag ka ng mag pretty eyes dyan di ka naman bata" pang iinis nito sa akin pero di ako nainis dahil pinayagan nya akong magluto ngayon. "Tara na" tumayo ito at naglahad sa akin ng kamay na agad agad ko naman inilagay ang aking kamay.
Magkahawak kami ng kamay hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay nya. Di naman ako naiilang na magkahawak kamay dahil gawain na nila yun noong nag-aaral pa silang College.
Dumiretso kami sa may kusina at hinanda ko na ang mga ingredients, kay Cymon ko pinahiwa ang sibuyas at tawa ako ng tawa dahil umiiyak na ito sa dahil sa sibuyas.
"What the hell Yannie ano ba tong pinapahiwa mo bakit nakakaiyak to?" Tanong nito sa akin at binitiwan na ang kutsilyo at nagpunas ng luha gamit ang manggas ng t-shirt na suot nito.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Wife
RomanceIsang maling akala ang sisira sa relasyon ng dalawang tao na nangako sa harap ng altar na habang buhay magsasama. Ngunit ang isa ay napipilitang lamang ikasal samantalang ang isa naman ay buong puso tinanggap ang kasal na plano lamang ng kanilang m...