Chapter XVIII

8K 107 17
                                    


Mula ng umalis si Josh dito sa bahay ay hindi na ulit to bumalik pa. Dalawang araw na rin kaming nananatili dito sa bahay. Masayang masaya sila mom at dad dahil mananatili na kami dito ng anak ko sa Pilipinas.

Nakauwi na rin ang parents ko with ate at kailangan lang ni daddy na mag pahinga. Si daddy naman kasi napaka kulit sinabi ng bawal kumain ng mga matataba ay sige pa rin. Nawala lang ako sa pagiisip ko dahil sa paghihila sa akin ng anak ko.

"Mommy let's go, Papalo and Mamala is waiting to us" pangyaya sa akin ng anak ko para masabayan ang mga magulang ko sa pagkain ng agahan.

Nginitian ko lang ang anak ko at binuhat na ito palabas ng kwarto ko.

Nang makababa na kami dumeretso kami sa may dining area ngunit nawala agad ang aking mga ngiti sa nakita ko, Josh with my parents.

Umupo na lamang ako sa may tabi ni Josh dahil ito na lang ang bakante, kinandong ko na lamang ang anak ko.

"Good morning mamala, papalo, tata" masayang sambit ng anak ko at umalis sa pagkakaupo sa ang hita para mahalikan sila mommy.

"Good Morning our little angel" masiglang bati naman nila sa aking anak. Ngumiti na alang ang anak ko at nilapitan ako bago humingi ng tulong para makaupo ulit sa aking binti.

Walang sabi sabi kong inumpisahan ang paglalagay ng pagkain at sinimulang pakain ang anak ko. Ni hindi ko na nga nagawang batiin ng magandang umaga ang aking mga magulang at kapatid.

"Mommy I want hotdog and egg" turo nito sa pagkaing gusto nya.

"Sure baby" nginitian ko lamang ito at kinuha ang pagkain na itinuturo nito.
Nag-umpisa na kaming kumain nang biglang magsalita ang anak ko na nakatingin kay daddy.

"Mommy what's this?" Tanong nito sa may miswa soup sa tabi ng plato ko.

"Miswa yan yan baby, it taste good" anang aking ina at sinalukan ang kutsara at iniumang sa maliliit na labi ng anak ko.

"Saan ba nag mana ng kadaldalan ang batang iyan?" Nakangiting tanong ni daddy.

"For sure hindi kay Yannie Alfredo ang tahimik nito noong bata sya" sabi ng aking ina habang hinahaplos ang buhok ko dahil nasa kabilang bahahi ko sya. "Ikaw ba Josh ganyan ka ba kaingay noong bata ka pa?" Dagdag na tanong naman nito kay Josh.

"Hindi po ako ganyan Mom noon" nakangiting sambit nito bago sumubo ulit ng pagkain.

Nakaramdam ako ng pagtatampo sa magulang ko, bakit ganyan nila tratuhin si Josh? Na parang hindi ako umalis dito dahil sa kanya, na parang hindi nito inabuso ang kahinaan ko.

Di na lang ako nagsalita at hinayaan silang mag-usap-usap.

"PapaLo I want to go Disneyland please" nagpuppy eyes pa ang anak ko.

Tinignan ko ang ama ko at inilingan ito.

"No Jay-jay papaLo is not yet okay we can't go out of the country" pagpapaliwanag ko.

"Do you want to go with me Jay-jay?" Singit na tanong naman ni Josh na inirapan ko lang.

"But I don't know you" sagot naman ng anak ko.

"Baby he is your da--"

"No dad not now please" pagpuputol ko sa aking ama.

"But she needs to know" turo pa nito kay Jay-jay na tinatakpan ko ang tenga.

"Not now dad" ulit ko.

"Jay-jay needs to know about it" sambit ulit nito "Kailangan nya ng amang tatayo sa tabi nya" dagdag pa nito.

"Anak tama ang daddy mo kailangan ni Jay-jay ng ama" singit naman ni mommy.

Tapos ng kumain ang anak ko pati si ate.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon