Chapter XXVII

5.7K 75 2
                                    


It's been a week since the incidence happen, ayos naman kami pero we lessen to go out our house.

Nasa may police station kaming dalawa ni Josh dahil hawak na daw nila ang lalaking pumasok sa kotse ni Josh ng mangyari ang aksidente.

"Wag nyo po akong ikulong parang awa nyo na" pagmamakaawa ng lalaking hinuli ng mga pulis.

"Anong kasalanan namin sayo para pagtangkaan mo ang buhay namìn?" Napapasigaw na sa galit si Josh.

Kinakalma ko ito dahil baka bigla na lang nitong sugurin ang lalaking nagtangka sa buhay naming dalawa.

"Napag-utusan lang po ako"

"Sinong nag-utos sayo, sabihin mo kung sino?" Sumisigaw na sa galit si Josh.

"Ma'am pwede po bang pakalmahin nyo yung asawa nyo?, hindi po sya makakatulong para maresolba to" sambit sa akin ng isang police.

"Josh" tawag ko dito at pilit ko pa rin itong pinapakalma.

Napansin kong kumalma na ito ay tsaka ako tumingin muli sa lalaking kinakausap na ng mga police pero hindi nagsasalita.

"Sinong nag-utos sayong sirain ang brake ng sasakyan namin?" Kalmadong tanong ko.

"Ma'am kailangang-kailangan ko lang ng pera kaya ko nagawa yun, nasa hospital ang anak ko, please wag nyo po akong ipakulong" pagmamakaawa muli nito.

Nilapitan ko ito.

"Kung ayaw mong makulong makipag-tulungan ka sa amin, Sinong nag-uto sayo? Magkano ang binayad nya para patayin mo kami?"

Nakikita ko sa mata nito na kinakabahan syang sabihin kung sino ang nag-utos sa kanya.

"Binigyan nya ako ng 50,000 pesos, nagpakilala syang E--Erica" paputol putol na sambit nito.

"P*tang *na hindi nya ba tayo titigilan?" Galit na galit na sigaw ni Josh.

"Ma'am, Sir looks like you know that woman, alam nyo ba kung saan ang bahay ng babaeng yon?" Tanong sa amin ng pulis.

"Yes sir" ako na ang sumagot sa tanong nito.

"Pwede nyo ba kaming samahan?"

"Sure sir, but do you have arrest warrant ready?" Tanong ko naman dito.

"Just wait here a little bit ma'am, Sir ipiprint lang namin ang arrest warrant" sagot nito sa amin ni Josh "Boys ipasok nyo na sa loob ng kulungan itong lalaki".

Sinunod naman ito ng mga pulis at ipinasok sa selda, habang iginigiya ng mga pulis ang lalaki ay nagmamakaawa ito sa amin na wag syang ikulong dahil kailangan sya ng anak.

Pinaupo muna kami ng mga pulis sa may dalawang monoblock chair nila.

Naaawa ako sa kanya pero mali ang ginawa nyang pagtangkaan ang buhay namin ni Josh.

"Are you calm?" Tanong ko kay Josh bago humarap dito.

Nakikita ko pa rin ang mga ugat nito sa leeg na nagsasabi sa aking galit na galit pa rin ito.

"No baby I am not calm, di ko alam kung paano ako kakalma" nag-iigting na ang panga nito.

Nakaharap ako dito, hinawakan ko ang leeg nito grabe parang mapuputol na ang ugat nito. I cupped his face using my hand then I kissed him medyo kumalma na ito sa ginawa ko kaya nakampante na ako dito.

"Ma'am Sir Let's go please lead the way" sambit ng pulis.

Lumabas na kami sa may police station at sumakay agad sa may dala naming kotse ng paandarin ni Josh ang kotse ay nakasunod na agad sa amin ang sasakyan ng mga police na huhuli kay Erica.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon