Chapter IX

7.5K 113 6
                                    

Alas kwatro ng maga ako nagising dahil nararamdam ko ang tiyan kong na ngangasim at ng maramdaman kong madu-duwal ako ay dali dali akong tumayo at tumakbo sa may banyo parap sumuka buti na lang di nagising si Josh na katabi kong natutulog.

Halos mangiyak-ngiyak ako sa loob ng banyo kahit wala naman akong maisuka kaya nagmumog na lang ako at dumeretso ulit sa kama dahil nanghi-hina pa ang katawan ko ay Bumagsak na ang talukap ng aking mata kaya nakatulog ulit ako.

Bandang alas syete ginising na ako ni Josh.

"Hoy gumising ka na mag-luto ka na ng agahan may pasok pa ko" niyuyug-yog pa nya ko.

"Uhmm" ungol ko at unti-unti ng bumangon sa pagkakahiga kahit na antok na antok pa ako.

Dumiretso na ako sa may kusina kahit gustong-gusto ko pang matulog. Nagluluto na lang ako ng biglang sumakit ang ulo ko ng maamoy ko ang amoy ng bawang sa sinangag kaya napakapit ako sa stool binilisan ko na lang ang pagluluto para maka-tulog ulit.

"Josh handa na yung pagkain" sigaw ko para marinig nya ko dahil nasa taas pa sya.
Umupo na lang sa may lamesa habang hawak ko ang ulo ko. Nang dumating na si Josh ay nag simula na kaming kumain.

"Nasaan yung kape ko?" Biglaang Tanong nito.

"Ay nakalimutan ko" Tumayo ako bigla at lalong sumakit ang ulo ko hanggang sa nanlabo yung mata ko at nawalan ako ng lakas.

Nag-sara na ang aking mga mata handa na kong maramdaman ang sahig pero may mga kamay na sumalo sa akin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

When I woke up na sa kwarto na ako at may isang taong sa harap ni Josh at kausap ito ng taimtim.

"Congrats pare! Your wife is pregnant" di ko pa masyadong maintindihan ang mga sinasabi ni Dr. Jay he is Josh Bestfriend way back in college.

"Uhmm Josh" tawag ko para makuha ko ang pansin nya. Magkasabay silang tumingin sa akin

"Oh Hi Yannie" bungad sa akin ni Dr. Jay.

"Hello" I shyly said dahil kakagising ko lang.

"Yannie Congrats you're going to be a mommy" masayang pahayag nito sa akin.

"Really? My baby is in my tummy" tuwang-tuwa ako na napahawak sa tiyan ko.

"Yes! So bro take care of her please do not ever stress her okay?" Kausap nito kay Josh pero sa akin ito nakatingin.

"Sure" maikling pahayag ng akong asawa.

"Oh paano mauna na ako sa inyo, pare dalhin mo na lang yung si Yannie sa clinic ni Kristine para mas ma check sya ok?" muling pahayag ni Dr. Jay.

"Oo na pare hatid na kita sa gate" batid ni Josh bago nya giniya sa labas ang kaibigang doctor.

Habang di pa nakakabalik si Josh di ma wala wala ang mga ngiti sa labi ko finally we are going to be a family. Umupo na ako sa kama para mas maayos kong makausap ang baby sa tiyan ko.

"I'm sorry baby lately mommy did not eat healthy food di ko kasi alam na nandyan ka na baby forgive mommy okay?" Pag kausap sa baby ko habang hawak hawak ko pa rin ang tiyan ko di ko na maalis yung kamay sa tiyan ko.

Nagulat ako ng biglang padabog na bumukas ang pinto kaya natakot ako para sa baby ko.

Nakita ko na naman ang galit sa mga mata ni Josh. Natatakot ako na baka saktan nya ko.

"Kaninong anak yan?" Malakas na sigaw nito sa akin. "Kung hindi yan anak ko lumayas ka na sa pamamahay ko"

Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas ng sigaw nya at sa takot ko ay napasandal ako sa headrest ng kama.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon