"Buti na lang po Mr. and Mrs. Lee ay hindi po sya nakunan sa lakas ng impact ng pagkakatulak sa kanya but I cannot I assure that the baby would survive if this happens again" paliwanag ng isang boses na sa tingin ko ay ang doctor na tumingin sa akin.
Gising na ako pero hindi ko pa rin dinidilat ang aking mga mata.
"Doc is the baby really okay?" Tanong ng isang babae na sa tingin ko ay ang ina ko dahil sa boses nito.
"Yes Mrs. Lee both of them are stable" sabi muli ng doctor.
"Bakit di pa sya nagigising Doc?" Boses naman ni daddy ang aking naririnig.
"Pagod lang sya maya maya siguro Mr. ay magigising na po sya" saad ng doctor. "I should go Mr. and Mrs. Lee I have to check my other patients" dugtong nito.
"Oh okay doc" sabi naman ng aking ina.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ng aking kwarto marahil ay lumabas na ang doctor na nag-examine sa aking katawan.
"Mom" mahinang sambit ko at minulat ang aking mga mata.
Tumayo naman ang aking ina at lumapit sa akin.
"Darling you're awake" masayang saad nito at tumingin muna kay daddy at muling itinuon sa akin ang kanyang pansin "Are you okay? May masakit ba sayo?" Taran-tang tanong nito.
"I'm okay mom. How's my baby?" Sagot at tanong ko dito habang hawak hawak ko ang ang aking tiyan.
"You don't need to worry honey you and your baby is safe" sabi nito.
Nawala na ang takot at pangambang nararamdaman ko ng marinig ko mula sa aking ina na amg aking anak ay maayos.
Lumapit na rin sa akin si daddy at hinaplos ang aking mga buhok. Sa haplos nito ay tumulo ang aking luha.
"Yannie anak mag sabi ka kay daddy anong nangyari?" tanong sa akin ng aking ama.
Bumalik na naman sa akin ang mga nangyari kanina lang.
"Daddy" nagsunod-sunod ang paglaglag ng mga luha ko
Hindi pa ako nakakapag-kwento sa nangyari ng biglang bumukas muli ang pinto at inilabas ang aking asawa.
Lakad takbo ang ginawa nya para makalapit sa akin, nang makalapit sa akin ay hinawakan nito ang aking tiyan ngunit hinawi ko ito.
"Wag mo kong hawakan" sigaw ko dito at inilayonsa kanya ang aking sarili.
"Darling calm down baka mapaano ang bata sa tiyan mo" pagpapakalma sa akin ni mama.
Kinalma ko ang aking sarili ngunit nanatili ang aking matatalim na titig ko sa aking asawa.
"Mom Dad pwede nyo po bang iwanan kami ni Yannie mag-uusap lang kami" sabi nito sa aking mga magulang.
"Oh sige hijo wag mo syang stressin at makakasama iyon sa kanyang dinadala" pahayag ng aking ina sa kanya "Anak alam kong may problema kayo kaya lalabas muna kami ng daddy mo at bibili ng prutas" paalam naman sa akin ng aking ina.
Tahimik kami habang hinihintay na maka-alis ng silid ang aking mga magulang.
"Yannie" mahinang sambit nito
"Ano pang ginagawa mo dito ha?" Sigaw ko dito
"We need to talk" sigaw na sabat nito pabik sa akin
"Then talk" mahinahong sambit ko sa kanya."I'm sorry I left you there" mahinang sambit nito na tila ba nahihiya sa kanyang pag hingi ng paumahin. "Sinong naka buntis sayo?" biglang galit na sambit nito.
"Ikaw ang ama ng batang dinadala ko bakit ba ayaw mong maniwala?" Sigaw ko muli sa kanya.
"F*ck wag kang sumigaw baka mapaano ang anak mo" pagpapa-kalma nito sa akin.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Wife
RomansaIsang maling akala ang sisira sa relasyon ng dalawang tao na nangako sa harap ng altar na habang buhay magsasama. Ngunit ang isa ay napipilitang lamang ikasal samantalang ang isa naman ay buong puso tinanggap ang kasal na plano lamang ng kanilang m...