Naging maganda na ang pakikitungo ni Josh sa akin. Lahat ng hiling ko sa kanya like cravings ko binibili nya kahit madaling araw.
Ang sarap pala sa piling na yung asawa mo mahal ka pero may parte sa akin na hindi natutuwa it looks like nagbago sya dahil sa anak namin at hindi dahil sa akin.
Napapaisip na lang ako kung paano kung hindi ako buntis sinasaktan pa rin kaya nya ako ngayon, sila parin kaya ni Erica ngayon.
"Yannie lets go" saad ni Josh na nagpawala sa akin sa iniisip ko.
"Sure" tumayo na ako at tumungo na sa may pinto.
Papunta kami sa may clinic ng ob-gyne na nakuha ng parents nya para ma-check kami ni baby kailangan naming bumalik every two weeks.
"Are you okay? Parang matamlay ka" may bahid ng pag-aalala ang boses nito.
"Yes I'm okay. Let's go" mabilis na sagot ko sa kanya.
Di na to sumagot at inalalayan na lang akong sumakay sa kotse nya. Nang makapasok na ako ay mabilis syang umikot papunta sa driver seat para makapag drive.Di na to sumagot at inalalayan na lang akong sumakay sa kotse nya. Nang makapasok na ako ay mabilis syang umikot papunta sa driver seat para makapag drive.
"Are you sure you are okay?" Tanong ulit nito sa akin.
"Oo naman tara na alis na tayo" sagkt ko ulit sa kanya.
Di na lang ito nag-salita at nag focus sa pag maneho ng kotse.
Nang makarating kami sa may parking lot ay inalalayan nya ulit ako para makababa sa sasakyan. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng clinic ay inaalalayan parin nya ako na paramg isang babasaging bagay na bawal mabunggo.
"Hi Doc Arazula" bati ko ng makapasok na kami sa silid.
"Oh hi Mr. and Mrs. Clint" bungad naman sa amin ni Doctor Arazula.
"How are you buntis?" Tanong nito sa akin bago tumingin sa asawa ko.
"Uhm okay naman po Doc pero minsan sumasakit lamg ang ulo ko at madalas na yung pagsusuka ko" saad ko naman sa doctor.
"Parte lang yun ng paglilihi mo sa first trimestral ng pagbubuntis ay ganoon ang nararamdaman mo, as months pass by baka mawala na yan" nakangiting pagpapaliwanag nito sa amin.
"Doc wala po bang gamot para doon?" Tanong naman ng asawa ko kaya napunta ulit sa kanya ang atensyon ni doc.
"No It's natural so you don't have to worry at all" sagot naman ng doctor sa kanya. "By the way pwede nyo paring gawin ang mag sex until 7 months then sa last 2 months ay bawal na para makapag-ready ang katawan ni Mrs. okay?" Dugtong pa ni Doctora na nagpainit sa aking pisngi kaya hindi na ako makatingin rito ng deretso.
"Noted Doc" nakangisi nitong tugon kay doc at yumakap sa akin at bumulong "you heard that" na lalong nagpainit ng aking pisngi.
"Heh tumigil ka nga jan Josh" nahihiyang sabi ko dito at hinampas sya ng mahina sa dibdib.
"According sa mga test na ginawa namin sayo Mrs. ay malusog naman si baby pero iwasan ang stress. Always remember your check-up schedule" sabi ng doctor ko.
Madami pang ipinaalala si Doctor Arazula bago nya kami payagang makauwi. Alas Dose na ng tanghali ng makauwi kami.
Nagbihis kaagad si Josh dahil may company meeting sila mamayang ala una mabuti na lang malapit lang kami sa may office nya kaya di sya malelate.
"Yannie alis na ko, tumawag ka pag may kailangan ka ha?" Sabi nito at humalik sa pisngi ko.
"Sure Josh. Take care sa pag drive" sabi ko sa kanya bago sya umalis.
Napagpasyahan ko na lang mag bake ng cake tapos dadalhin ko sa office ni Josh kasi sabi nya sa akin baka gabihin siya dahil madami pa syang trabaho na di nya nagawa dahil sinamahan nya ako mag pa check-up sabi ko naman kasi sa kanya wag na nya akong samahan pero nagpumilit sya.
BINABASA MO ANG
My Unlucky Wife
RomanceIsang maling akala ang sisira sa relasyon ng dalawang tao na nangako sa harap ng altar na habang buhay magsasama. Ngunit ang isa ay napipilitang lamang ikasal samantalang ang isa naman ay buong puso tinanggap ang kasal na plano lamang ng kanilang m...