Chapter XX

7.3K 102 32
                                    


Nasa playroom kami ni Jay-jay, habang ang anak namin ay nakaupo sa may mattress kami naman ng ama nya ay nakaupo sa may sofa.

"Baby, your Dada text me" pagkuha ko sa atensyon ng anak ko na nanonood ng Doraemon.

"Is he coming?" Tanong naman nito.

"He's already here" nakangiting sambit ko dito. "He want to see you daw sa may condo nya, Do you want to come with mommy?"

"Yes mommy" pumapalakpak pa ito.

Napatingin ako kay Josh nakikitaan ko ng galit ang mga mata nito. Bumalik na sa panonood ang anak namin.
Hindi ako nakagalaw ng bigla akong halikan ni Josh sa mga labi ko. Sasampalin ko sana ito ngunit naalala ko ang anak ko.

"What the h*ll are you doing huh?" Mahinang boses na sabi ko pero punong puno ng inis.

"Because I love you" sambit nito "Walang aalis"

"Did I ask for your permission?" Inis na tanong ko dito.

Kitang-kita ko kung paano nagtiim bagang ang panga nito. Nagulat ako ng bigla ako nitong hinila patayo.

"Baby mag-uusap lang kami saglit ng mommy mo, You stay here okay?" Pagkausap nito sa anak kong nakatuon ang atensyon sa pinapanood na t.v.

"Yes daddy" binaling nito ang ulo nya sa amin sandali at bumalik agad ang atensyon sa palabas.

Ang higpit ng pagkakahawak nito sa pala-pulsuhan ko, pilit kong tinatanggal pero mas malakas sya. Hinila nya ko hanggang sa makapasok kami sa may kwarto ko.

Nang makapasok na kami sa may kwarto tsaka nya lang ako pinakawalan, nilock nito ang pinto kaya wala na akong choice naupo na lang ako sa may kama.

"Ano pupuwersahin mo na naman ako katulad ng dati?"
Parang nagflashback sa akin kung paano nya binaboy ang katawan ko nung nasa piling nya pa ako.

"No" sabi nito sa mababang boses.

Unti-unti syang lumalapit sa akin kaya wala ako nagawa kundi ang umusod hanggang sa maramdaman ko ang head board sa likod.

"Lumayo ka sa akin" sigaw ko dito ng pagkalakas-lakas.

"We need to talk" at umupo sya sa may tabi ko sa ibabaw ng kama.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa" singhal ko dito.

Kitang-kita ko kung paanong nag-igting ang panga nito.

"Walang aalis ng bahay na to" may pagbabanta sa boses nito.

"Did I ask for your permission?" Singhal ko muli dito.

"No you didn't but I need to stop you" inis na rin na sambit nito.

Sige mainis ka lang Josh tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo, tignan natin kung nagpapakitang tao ka lang.

"Wala na akong pakealam sayo, pupuntahan namin kung sino ang gusto naming puntahan You can't stop me" inirapan ko pa ito. "You don't have a right to stop me"

"I'm still your husband Yannie, can you spare me of your time" nagmamakaawa na ito sa akin.

"No YOU ARE NOT MY HUSBAND" matigas na sambit ko dito. "I'll get rid of our marriage as soon as possible I can"

"No I won't allow you to divorce me, please Yannie give me a second chance" may pumatak na luha sa mga mata nito.

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko sa mga pinagsasabi ko. Kanina pa nanglalambot ang mga tuhod ko mabuti na lamang at nakaupo ako.

"You want a divorce?" Tanong nito.

Nagulat ako na parang handa na itong idivorce ang kasal namin. But I felt a sudden squeeze in my heart di ko alam kung bakit masakit parin. Dapat wala na kong pagmamahal sa taong sumira sa akin.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon