Chapter XXVIII

6.5K 77 0
                                    

Ilang araw lang ang nakakaraan mula ng kidnappin ako ni Erica, Napag-alam naming lulong na pala ito sa droga. Dinala ito sa Rehabilitation center para gumaling bago dalhin sa precinto.

Nagmakaawa sa amin ang mother ni Erica pero hindi pumayag si Josh.

"Baby wanna have date with me tonight?" Tanong ng tinig sa likudan ko at yumakap sa akin.

"Ano ba Josh nagluluto ako" suway ko dito ng halik halikan na nito ang leeg ko. "Uhmmm"

Hindi pa rin ito tumigil kaya umikot ako paharap dito, pagkaharap na pagkaharap ko hinalikan ako nito sa may noo ko, mas matangkad kasi ito kesa sa akin.

"Baby answer my question" sambit nito at ngumuso pa habang nakayakap pa rin sa bewang ko.

"Ano ba yung tanong mo?" Tanong ko dito.

"Wanna go date with me tonight?" Tanong nito sa akin.

Umakto akong nag-iisip kaya lalong humaba ang nguso nito, daig pa nya ang anak nya.

"Sure" sagot ko dito na nagpangiti dito ng abot tenga "What time tayo aalis? Kasama ba natin si Jay-jay?".

"No baby just the two of us after lunch hihiramin muna daw ni mommy si Jay-jay"

"Okay, tawagin mo na ang anak mo ng makakain na tayo" utos ko dito na agad naman nitong sinunod.

Hinahanda ko na ang lamesa ng dumating ang mag-ama ko, nakasakay sa likod ni Josh ang anak namin na masayang masaya. Pawis ang dalawa ng maupo sa hapag.

"Pawis na pawis na naman kayong dalawa" sambit ko dito "di ba sabi ko wag kayong magpapatuyo ng pawis, magkakasakit kayo nyan" sermon ko sa dalawang walang ginawa kundi ang ngumiti lang.

Kumuha muna ako ng bimpo para punasan ang pawis ng dalawa bago kami nag-umpisang kumain.

"Mommy can I come to lola and lolo today? I miss them" sambit ng anak ko she was referring to Josh's parents.

"Yes baby" si Josh ang sumagot sa tanong nito "Mommy and Daddy would go on a date"

"Really daddy?" Masayang tanong ng anak ko sa ama nya.

Madaling natapos kumain si Josh at nagpaalam na maliligo sya para mamaya ako naman ang maliligo.

Inasikaso ko na lang ang anak ko, pag katapos ay pinaliguan ko na ito dahil baka biglang dumating ang lolo at lola nito, inayos ko na din ang mga gamit na dadalhin ni Jay-jay.

Dumating na at umalis ang magulang ni Josh pero nasa taas pa rin ito, kaya minabuti kong puntahan na lang ito sa kwarto.

Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

"Josh? Kanina ka pa jan" sigaw ko dito para marinig nya ako.

Nung una hindi pa ako nito sinasagot kaya nilapit ko ang tenga ko sa may pinto ng banyo.

"Oo pag tapos ko maligo pupunta na ko jan sa bahay nyo" sambit nito.

Di ko naririnig ang sinasabi ng kausap nito.

"Josh sino ba yang kausap mo jan ha? May kasama ka ba jan?" Naiinis na ako dahil kanina ko pa ito tinatawag.

Di pa rin ako siguro nito naririnig kaya kinatok ko na ng malakas ang pinto.

"Josh ano ba?" Sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

"Wait lang Yannie baby magbibihis lang ako" sigaw nito pabalik at narinig  kong pinatay na nito ang shower dahil wala na ang lagaslas ng tubig.

Umupo na lang ako sa may kama at hinintay itong matapos sa loob ng banyo.

Pagkalabas nito ay sinimangutan ko ito kaya nilapitan ako nito.

My Unlucky WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon