I've been with him since childhood. Lahat ng mga sekreto ko ay alam niya at alam ko rin ang lahat tungkol sa kanya. This is what bestfriends are for, right? Lagi akong nasa tabi niya sa tuwing may problema siya, laging siya rin ang nandiyan kapag may pinagdadaanan ako. Mukha na nga kaming magkapatid, pero sa paglipas ng mga panahon, it's inevitable for me to fall for him.
'Yong sa tuwing nandiyan siya, malakas ang tibok ng puso ko. At hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon. It's been years feeling like this for him. Pero hindi ko maatim na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya and I'm afraid to lose our friendship, eh baka nga hanggang sa kaibigan lang ang turing niya sa akin.
Nakakatawa mang isipin pero it's all true, hindi magagawa ni Jonathan na magustuhan ako. I'm just his bestfriend. At 'yon lang din dapat ang maramdaman ko pero my heart is as hard as those giant rocks. Hindi sumusunod sa takbo ng utak ko ang pagtibok ng puso ko.
And currently, I'm watching him in love with someone else.
"Jae, sinasaktan mo lang ang sarili mo." Napatingin ako sa gawi ni Amy nang muli itong magsalita. Kanina pa niya ako sinasabihang umalis na rito, but I keep insisting to stay much longer.
Alam kong nag-aalala siya. Amythest is also one of my very bestfriends. Alam niya na may gusto ako kay Jonathan, she knew it for a long time already. Kahit pa na bago pa lang niya lubusang nakikilala si Jonathan since wala naman siyang mga pake sa mga tao last first sem, alam niya na Nathan is a great man daw. Indeed he is a great man, kaya nga lubusan akong nahulog.
I'm not desperate of having a lovelife, bata palang kami. There's still more adventures we need to undergo pero tanga nga siguro ako sa pag-ibig. Because I'm hopelessly in love with my bestfriend. Kahit na sinasampal na sa akin ng tadhana na wala talaga akong pag-asa sa kanya.
Sana katulad ng buhay ko ang buhay ni Amythest. She's so strong to handle her problems habang ako iniiyak nalang lahat. I'm invulnerable outside, pero I'm also breaking in the inside. I'm contented with my family, of what we have pero nang dahil sa pag-ibig, ito ako at iniiyak ang katangahan ko. Sino ba namang tao ang gustong panoorin ang mga 'sweet moments' ng taong mahal niya kasama ang iba?
I envy Amythest, kasi kahit hindi palang sila ni Synnex, that guy is always there for her. He's sweet, kagaya rin ni Jonathan, pero the difference is Nathan does it in a friendly way.
And oh, responsable rin pala ako sa pagtulong sa kanya sa panliligaw kay Kaira. Kaira Kim- ang babaeng gustong-gusto niya since first year palang kami. She's beautiful, matangkad, matangos ang ilong and by just looking at Nathan's eyes, alam kong hulog na hulog siya sa kanya.
Alam niyo 'yung feeling na kahit nasasaktan ka na, palagi ka paring nandiyan para pakinggan ang mga kuwento niya lahat tungkol sa babaeng 'yon. I envy Kaira. Sana ako nalang, pero ang ilusyunada ko naman masyado. Hanggang bestfriend nga lang diba? B-E-S-T-F-R-I-E-N-D-S.
"Jae, let's go. Tama na, okay?" Sabi nito at hinila ako papasok sa main building ng school. Hindi na ako nagreklamo pa, kasi tama naman siya, I'm hurting myself. Walang awa kong pinapatay ang puso ko.
"Saan kayo pupunta?" Biglang tanong ni Nero na nanggaling sa kung saan. Tiningnan namin siyang pareho ni Amy at napabuntong hininga.
"Wala naman kaming pupuntahan," pagsagot ni Amy kaya muli akong napatingin sa kanya. Walang klase ang senior years ngayong afternoon session kaya malaya kaming gumagala sa loob ng campus.
Kahit pa malayo na kami sa lugar na 'yon ay hindi pa rin mabura sa isipan ko ang sakit na nakita ko. It really hurts, kasi 'yong taong gusto ko ay kaibigan lang ang turing sa akin. Puta ang sakit kasi kahit gustuhin ko mang mabura siya sa isipan ko, aayaw din ako kasi it means mawawala rin ang pagkakaibigan namin.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ