終わり

462 20 36
                                    

"Jonathan..." Agad akong lumingon kay Kaira. She texted me earlier na magkikita kami sa garden ng school, ayokong malate, because she is someone so special to me. My heart was just beating the usual, pero alam ko na gusto ko siya. I really like her.

Napangiti ako saka lumapit sa kanya. Her eyes were trying to tell something. Nakikita ko 'yon at alam kong may gusto siyang sabihin. I may be impatient sometimes, but look I am waiting for how many months just to get her yes. Kaya ko naman na magtiis, 'tsaka I can't just give up.

She was smiling, pero kitang-kita ko na may pagka-peke 'yon. Ako lang ba o may kakaiba talaga doon? Intsead of keeping those thoughts, I just shrug as we took a seat on a near bench.

"May problema ba?" Tanong ko. Umiling naman siya saka sumandal sa balikat ko. Pareho kaming nakatingin sa malayo. Iba-iba siguro ang naiisip namin.

At saka kung nag-iisip man siya kung kailan niya ako sasagutin, I can wait for how many years tho,






Pero, sa tingin ko hindi ko na pala kayang maghintay.

Dumaan muna ako sa isang convenience store, para bilhan ng chips si Jaera. Jaera Yoo, my bestfriend since hindi ko na alam. Siya 'yong babaeng laging kasama ko at nasasandalan ko sa kahit anong problema. She was there every time I need her help. Siya 'yong nandiyan kapag kailangan ko ng kausap. And I can't afford loosing her.

As I have known her, gusto niya kasi palagi may pares 'yong milktea. Hawak ko ngayon ang milktea, habang papasok sa convenience store, pero bigla nalang bumagsak ang dala kong 'yon.

Shit, I just saw Kaira with a man. Kung hindi ako nagkakamali, si Tyrone 'yon, her ex. They were hugging each other, like they just reunited again.

Oo, inaamin ko na nasaktan ako. Pero hindi naman ganoon ka-sakit. Ewan ko ba kung bakit. Nadala lang yata ako sa gulat kaya nabagsak ko 'yong milktea. Gumawa iyon ng malakas na tunog, kaya napalingon sila sa akin. Nanlaki ang mga mata niya, habang ako walang emosyon ang mukha. I smirked saka umalis.

Pagkalabas ko may nabangga pa ako. "Sorry, dude." Saad ko saka hindi na siya tinignan pa.

Nagcommute ako since hiniram sandali ni Winter 'yong sasakyan ko. Hindi marunong magcommute 'yon, kaya nagpresenta nalang ako na hiramin niya ang sasakyan ko. Madali lang naman magcommute para sa akin.

Gusto kong tanungin ang sarili, nasaktan ba ako sa nakita ko kanina? Nasaktan ba ako na wala na akong pag-asa sa kanya? Nasaktan ba ako kasi mahal niya pa 'yong ex niya?

Probably, hindi na ako nasaktan. Kasi alam ko namang masaya siya doon. May parte din sa akin na galit sa kanya, kasi pinaasa niya ako. Nakakagago 'yong ginawa niya eh. Nasipa ko tuloy 'yong isang plastic bottle sa daan. Sinipa ko 'yon hanggang makapasok ako sa village namin.

Ilang metro nalang ang layo ko sa bahay nina Jaera nang bigla siyang tumawag. Nakikita ko din siya sa veranda niya na mukhang nag-aalala. That made me smile, dahil don isinantabi ko na muna ang problema ko kay Kaira.

"Nasaan ka na?" Tanong niya sa kabilang linya. I smirked, alam kong nag-aalala na 'to. Siguro kapag hindi pa ako nakauwi, baka tumawag na 'to ng pulis.

"Masyado ka naman nag-aalala..." Kahit ganoon ang nakita ko kanina, I still managed to piss her. Siguro hindi ko muna sasabihin sa kanya ang problema ko, it will be a burden for her. Saka alam kong may pinproblema din siya.

"Nasaan ka nga?!" Galit na nga.

"So, nag-aalala ka nga." Pagkasabi ko non, saka ko lang napansin na nandito na pala ako sa harapan ng bahay nila. I smiled again.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can It Be MeWhere stories live. Discover now