"Oh, haba ng nguso natin ah. Were you crying? Problema mo?" Takang tanong ni Red. Alam kong namumugto ang mga mata ko. Ayoko nga sanang pumasok kaso hindi ko pwedeng iliban ang klase since last semester na. The exams are coming already. During weekends, doon ako natulog kina Amythest. I even received multiple messages from Jonathan.
During that days, hindi ko 'yon pinapansin. Tama na ang sakit. Tama na, kasi sobrang nasasaktan na ako. Ayoko na palang magpakatanga sa taong alam kong kaibigan lang ang turing sa akin. Through all the years, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.
Na sa tuwing maalala ko ang lahat, parang maiiyak yata ako.
I tried plastering a smile, kahit halata namang peke. Hindi ako pumuntang SSG office ngayon, pagod ako. At saka alam naman ni Synnex ang pinagdadaanan ko. He even wanted to confront Jonathan, pero pinigilan ko siya. Baka we're better just as friends. Baka nga.
Naupo siya sa tabi ko. He looked so serious now habang nakataas ang isang kilay. Napailing nalang ako saka tumingala para mapigilan ang mga luha.
Parang naramdaman niya yata 'yon kaya niyakap niya ako pagilid, kaya natago ang mukha ko sa dibdib niya. Then I let my tears flow. Mahina ang mga hikbi ko kaya hindi 'yon mapapansin ng mga kaklase ko. It's early pa kaya hindi pa gaano ka dami ang estudyante.
"Just cry, okay? I'll assure you na ako lang ang makikita sa vulnerable side mo dito." Red whispered saka hinaplos ang buhok ko.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. I was so thankful na nandoon siya. Gusto ko ng masasandalan and I'm very happy na nandiyan siya para sa'kin. Marami pang minuto bago mag-umpisa ang first subject.
"Is this because of your bestfriend again?" Mahinang tanong niya. Tumango ako habang dinadama ang yakap niya. It just feel so comfortable. I felt so safe beside him.
Parang noon, kay Jonathan ko lang 'to nararamdaman.
Hindi na ako nagsalita. Mabuti nalang at naka-hoodie ako. Matapang naman ako, pero sa ngalan ng pag-ibig, nanghihina na yata ako. Parang kahit ano ang gawin ko, maalala at maalala ko 'yon. I'm not overreacting, right?
He said he loves me, pero bakit ganoon? Nagsinungaling pa nga siya eh.
"You know what, Jaera? Don't let your emotions cloud your thoughts and your pathway of happiness. Kasi Jaera life is short, hindi dapat puro sakit ang nararamdaman mo. Why don't you confront him para naman gumaan ang loob mo. Either magiging masaya o malungkot ka man sa katotohanan, at least it wasn't a lie. Mapapanatag ang loob mo kasi alam mo na lahat. Whether mahal ka ba talaga niya o hindi. Masaktan ka man sa katotohanan, mas mabuti na 'yon kaysa ngumiti ka sa kasinungalingan." His words enlightened my mind. Parang nag-sink in sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya. I hugged him back kaya siguro nagulantang siya.
"Thank you." Maikling sambit ko saka ngumiti na sa kanya. He gently wiped the tears away from my face saka ngumiti rin pabalik.
"You're always welcome, my friend." He patted my head saka inabot sa akin ang isang kulay lavender na panyo.
Si Red lang ang kasama ko the whole day. Pinapatawa niya ako and I owe him a lot. Mas gumaan ang loob kaysa kahapon pero naroon pa rin ang sakit. Hindi ko naman nakita si Jonathan sa school, saka hindi na rin niya ako tinext.
Namiss ko tuloy. Tangina, ang rupok ko.
Tanginang katangahan 'yan! Akala ko ba pagod na ako. Sobrang gaga nga naman.
Nang makita ko sina Amythest sa canteen ay nagpunta rin si Red sa mga bago niyang kaibigan. Gladly, he made some friends dito. Naging kaibigan niya sina Julian saka sina Tyrone. Well, 'yong isa nasa lower level, pero teammates niya 'yon sa football. He actually joined some sports club.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ