"Hay, buti nalang magka-ayos na sina Synnex at Amy."
"Yeah...buti nga ayos na sila." He said.
Pareho kaming nakatingin sa kalangitan ngayon. Ang ganda ng moon pero walang mga stars. It seemed too dark.
It's already nine in the night. Napag-isipan lang namin na magpahangin sa park ng village. Walang masyadong tao, napaka-peaceful. Kaming dalawa lang and this scene is always keeping my smile on. Masaya ako kasi kasama ko siya. Ganoon lang kababaw ang kasiyahan ko.
Pero this thoughts keep on bugging me. Napapansin ko lang kasi na parang hindi nagkikita sina Kaira at Jonathan since last week. Hindi ko na nakikita si Kaira sa school, not like I want to see her everyday, it's just too unusual kasi palagi naman silang magkadikit ni Jonathan tuwing break eh. Eh, syempre magkaklase sila.
Gusto ko siyang tanungin, pero I don't think I can't ruin the moment between us. Pero binabagabag ako ng kuryusidad ko eh. This days kasi, hindi na siya nagkukuwento about sa kanila ni Kaira. Parang may something sa kanya na ayaw niyang sabihin. Binalingan ko siya ng tingin, pero grabe nalang ang tahip ng dibdib ko ng makita siyang nakatingin din sa akin. My heart was beating too fast, malalagutan na yata ako ng hininga.
We continued looking at each other, parang wala naman sa kanya habang ako ay patagong napapamura dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Not to mention the distance between us, isang ruler lang yata ang layo namin sa isa't isa. Mas lalo pa itong nagwala nang ngumiti siya saka lumapit sa akin, pagkatapos ay sinandal ang ulo sa balikat ko.
Hindi ako makagalaw. Parang niyayanig ang buong sistema ko, nawawala na ako sa tamang huwisyo. Dumaan ang ilang minuto at ganoon pa rin, tahimik pero hindi nakakailang. We've been like this since childhood pero hindi ko talaga maiwasan na maramdaman ang kakaibang feeling. Pero ako lang yata ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng 'to.
"Jaera, sino ang gusto mo?"
Agad akong nakabalik sa huwisyo nang tanungin niya 'yon. Gusto kong matawa dahil sa tanong na 'yon. Ano ba ang sasabihin ko? Sasabihin ko ba na, Jonathan ikaw lang naman ang gusto ko. At ang tanga-tanga ko kasi nahulog ako sa'yo.
Pero instead of saying those words, napabuntong hininga nalang ako saka napatingin sa kawalan. Hindi ko pwedeng sabihin na mahal ko siya kasi baka lumayo siya sa akin. Siyempre lalayo siya kasi in the first place hindi naman ako ang gusto niya. Baka maudlot ang ilang taon naming pagsasamahan. Nakakagaga man 'tong pagtatago ko sa nararamdaman ko, I guess this is the right thing to do.
"Sumagot ka nga, naghihintay ako," pagpukaw niya sa atensyon ko. Bahagya akong natawa saka pinisil ang tagiliran niya.
"Wala pa akong nagugustuhan." Lies. "At saka, wala naman akong interes sa ganyan."
"Tsk, kapag may nagustuhan ka na o may nagkagusto sayo, sabihin mo sa akin. Kasi bago sila dadaan sa papa mo, dadaan muna sila sa akin." Saad niya. Umayos siya ng upo kaya agad akong napatingin sa kanya.
Nakataas ang isang kilay ko. Napaka-over naman nitong bestfriend ko. "Ano ba kita?" Pabiro kong tanong saka ngumisi.
He playfully scoffed, saka ginulo ang buhok ko. He then swing his arms around my neck saka bumulong sa tainga ko.
"I'm your bestfriend, Jaera. Pero..." He trailed off kaya nagtataka akong napatingin sa gawi niya. Ngayon siya naman ang nakangisi. Tsk, mandurugas talaga.
"Pero?"
"Pero pwede naman na mas higit ba don."
I wanna scream, pero ang sakit umasa eh. Alam ko naman talaga na biro lang 'yon, at kung seseryusuhin ko man 'yon, ako na yata ang pinakadakilang baliw. Imbis na magulat at magulantang, I shrug. Oo, nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi siya nagbigay ng warning na babanat pala siya, pero I can't ruin and voice out my feelings if it means mawawala ang pagkakaibigan namin.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ