じゅうよん

375 17 44
                                    

Agad kong binuksan ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak na yata. Babangon na sana ako nang mapansing may mabigat sa may-baywang ko. Tinignan ko ang kamay na nakapalupot doon, bago tinuon ang pansin sa lalaking katabi ko ngayon.

Madahan kong inalis ang kamay niya doon at naupo sa kama. Katabi ko si Jonathan, he looked so peaceful when sleeping.

Tangina, ano bang ginawa ko kagabi?! May nangyari ba? I checked my body, iba na ang suot kong damit. Oversized shirt ang suot ko, saka blue na pajama. Alam kong akin 'yon, pero sino naman ang nagbihis sa akin?

Nanlaki ang mga mata ko bago tumingin sa lalaking katabi ko. Shit, nakakahiya. Ano ba ang mga pinagsasabi ko kagabi? Ano bang kagagahan ang ginawa ko? Napansin ko na gumalaw siya, kaya agad akong bumalik sa pagkakahiga. Buwesit, ayoko yatang makausap siya dahil sa mga pinagsasabi ko kagabi.

Hindi ko maalala lahat pero, nagkaayos na kami, saka..... Saka umamin na ako. Buwesit! Nakakahiya!

Nagpanggap akong tulog, gusto kong umalis muna siya. Gusto kong mahimasmasan muna ako, bago ko siya kausapin tungkol sa mga nangyare kagabi.


"Bakit ba ang ganda mo?" Kainin na sana ako ng kama ko. Gising na siya at nararamdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang buhok ko. Lord please help me. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko, nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

Naramdaman kong bumangon siya at tumayo mula sa kama. I breath in relief dahil doon, mabuti naman at aalis na siya.

Narinig ko ang mga yapak niyang papaalis, bago sumara ang pinto. Agad kong ibinuka ang mga mata, pero,

"Sabi ko na nga ba, gising ka na." Nakita ko siyang nakasandal sa pinto, habang nakangisi at pailing-iling. Buwesit, naisahan pa ako ng gago. Agad akong umiwas ng tingin.

Ayan napahiya ko pa ang sarili ko. Hindi ko na talaga kaya, sa mga pinagsasabi ko kagabi. Actually, naalala ko pa lahat ng mga pinagagawa ko kagabi. Pinapangako ko, hindi na talaga ako muling iinom. Ang sakit pa ng ulo ko, pero kaya ko pa namang tumayo.

"Umalis ka nga, Jonathan!" Pagtataboy ko sa kanya. Hindi ko parin maatim na tignan siya. Aasarin na naman niya ako.

Imbis na lumayo siya, ay agad itong lumapit sa akin. Nakakrus ang mga braso niya habang nakangiti ng sobrang lapad. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan! Tinignan ko siya na ngayon ay nasa gilid na ng kama at diretso ang titig sa akin. Lumipas ang ilang segundo, ganon pa din. Walang nagsasalita at saka tahimik lang.

"Anong oras na b-" tanong ko ngunit nagsalita din siya.

"Ayokong umalis. Dito lang ako, kasama mo..." Saad niya, kaya nagwala na naman ang puso ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, I'm blushing so hard.


Ang aga-aga, pinapakilig na naman ako. Akala ko nga panaginip lang 'yong kagabi. Akala ko hanggang sa panaginip lang kami magkakaayos, but I'm so happy na nandito na siya ngayon. At alam kong hindi nalang ako umaasa sa wala.

Umupo siya sa kama ko habang nakangiti ng sobrang lapad. Halos mapunit na nga yata ang labi niya. Hinawakan niya ang kamay ko, saka iginiya 'yon sa dibdib niya. And all I could feel was his loud heartbeat. Sobrang lakas non, at parang nalalampasan pa non ang tibok ng puso ko.

Lumipat ang tingin ko sa mga mata niya, nakatitig lang din siya sa akin. Wala sa sarili akong napangiti saka agad siyang niyakap. He hugged me back.

Nabigla ako nang tinulak niya ako pahiga, inilagay niya ang mga kamay sa gilid ko, supporting his weight up. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa posisyon namin. Parang ganito lang din naman numg hinalikan niya ako noon. 'Yong puso ko parang kakawala na yata.


Can It Be MeWhere stories live. Discover now