293 23 23
                                    

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko. Tapos na akong kumain, ang boring pa talaga. Wala sina papa at mama, sina Manang lang ang kasama ko dito. My mother is a doctor, actually. Natawagan ko na rin si Amythest, pero sabi niya matutulog nalang daw siya kasi wala naman siyang makausap sa kanila.

Nasaan na kaya 'yong lalaking 'yon? Madalas kasi mga nine na 'yon umuuwi galing sa cafe, eh mag-aalas diyes na rin kasi. Tsk, saan na kaya napadpad ang milktea ko. Ang sarap mo talagang hambalusin, Jonathan. Magaling ka lang naman sa salita, eh wala namang gawa. Paasa ka talaga kahit kailan. Kainis!

Oo, nag-aalala ako sa kanya. Marami ng mga basagulero ngayon sa daan. Marami ng pahamak ngayon kaya hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Ilang beses ko ng chineck ang phone ko pero wala paring text galing sa kanya. It's not like I'm his priority, siyempre diba, bestfriend niya ako.

Naisipan kong tumayo at magpunta sa terrace ng bahay para magpahangin. Bakit ba kasi ganito? Everything na tungkol sa kanya natatanga ako. Everytime na wala siya, nag-aalala ako at everytime na kasama niya si Kaira, nasasaktan ako at nagseselos kahit na wala naman akong karapatan.

Sigh. Naupo nalang ako sa isang upuan sa terrace while facing their house. Wala pa nga talaga siya. Alam kong mag-isa lang siya dun, kasi naman nasa business trip sila tito saka si tita minsan lang umuuwi diyan. Aish, nasaan ka na ba kasi Jonathan?!

I decided calling him. Ilang rings palang, at sumagot na 'yong kabilang linya. That made me sigh in relief.




"Nasaan ka na?"

"Masyado ka naman nag-aalala..."

"Nasaan ka nga?!"

"So, nag-aalala ka nga."

"Gago, tanong pa ba 'yan? Syempre, kasi, b-bestfriend kita."

"Okay okay. Look down..."




Sinunod ko naman ang sinabi niya. I looked down, at nakita ko siya na nakatingala habang nakangiti. Halata na pagod siya. Wala rin ang sasakyan niya.

Although, pagod ang mukha niya, he looks so hot and handsome. He's just wearing a simple white plain shirt, tapos black fitted jeans. Ang simple lang, pero kapag siya ang nag-susuot, it'll always be surreal.

"Ano? Tutunganga ka na lang d'yan?" Agad akong natauhan sa sinabi niya. Imbis na ngumiti ay sinamaan ko nalang siya ng tingin. Tsk, nakakainis ka talaga kahit kailan, Jonathan.

"Umuwi ka na at matulog. Tsk, kairita ka!" Tatalikod na sana ako nang maramdaman kong may tumama sa ulo ko.

"Tangina mo, Jonathan Yoon! Ang sakit nun!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Ang sakit kaya ng plastic bottle tapos diretsong tumama sa ulo mo. Mabuti nalang talaga at nasa taas ako, kundi sinabunutan ko na 'to.




"Sorry na pinag-alala kita."

"Tsk!"



Tinalikuran ko na siya saka pumasok na sa kuwarto. Sa inis, nasipa ko tuloy 'yong side table ko.



"Oo na! Nag-aalala ako, Nathan. Gago mo talaga! Siyempre, bestfriend nga ako. Bestfriend l-"

"Tsk, nagtaray pa. Eh, nag-aalala naman pala."

Natuliro ako sa kinatatayuan. Hindi naman yata ilusyon 'yon. I heard his voice and nasa pinto 'yon ng kuwarto ko. Dahan-dahan kong nilingon iyon and I was dumbfounded. Nakasandal siya sa pinto ng kuwarto ko.

Paano siya nakapasok?! Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Diretso akong lumapit sa kanya at pinisil-pisil ang pisngi o balat niya.

Shit, baka kaluluwa niya lang 'to. Imposible naman na makapasok siya ng ganon kadali. Hindi ba si Jonathan ang kausap ko kanina sa baba?! Shit naman.



Can It Be MeWhere stories live. Discover now