"Anyare sa'yo?" Takang tanong ni Red ngunit nanatili lang ang tingin ko kay Jonathan na walang emosyong naupo sa table nina Nero. Parang kanina lang ang saya niya.
May nangyari kaya sa kanila ni Kaira kaya ganyan na naman siya? And speaking of Kaira, mukhang may mali yata sa kanila. Not like I'm hoping na may mali nga. Pero parang ganon na nga para hindi na niya sagutin si Jonathan. I'm just kidding myself though. Kung masaya siya kasama si Kaira, e'di masaya na rin ako para sa kanya.
Kahit pa masaktan ako.
Bumalik ako sa huwisyo nang bigla pinisil ni Red ang kaliwang pisngi ko. Napabaling tuloy ako sa kanya saka tinanggal ang kamay niya. Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Umirap nalang ako na mas lalo naman niyang ikinatawa. Ewan ko ba sa lalaking 'to.
Hindi ko nga napansin na dumating siya kanina kasi panay lang titig ko kay Jonathan. Hindi ba ako napapansin ni Jonathan? I mean, hindi kasi niya ako pinapasadahan ng tingin, he didn't even greet me. Tsk, baka may galit na yata siya sa mundo. Nakakatitig lang siya sa kawalan, and his eyes were dark. Parang ewan e.
"Oh, ito na steak mo." Inabot niya sa akin ang tray ko, kaya lumipat sa kanya ang tingin ko. I smiled at how gentleman Red was. Alam kong mabait siya. Makikita naman sa mukha eh. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ang mga kubyertos sa tray ko.
"Done. Kumain ka na Jaera, ito-tour mo pa naman ako sa buong schoo-"
"Anong tour?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Gathering some students' attentions. Ayun napahiya tuloy ako. Pati sina Jonathan ay nakatingin na sa amin. Naramdaman ko tuloy na nag-init ang mga pisngi ko. Shit ka talaga Red.
At pinagtawanan lang talaga ako ng gago. Sinamaan ko siya ng tingin and mouthed 'bwesit ka'. Buwesit talaga 'tong lalaking 'to.
"Kumalma ka nga. Napahiya ka tuloy." Umirap nalang ako saka sumubo ng pagkain.
"Bakit ba kasi ako?" Tanong ko. Nilagay niya ang kamay sa baba, umaaktong nag-iisip kahit halatang hindi naman. He snapped his fingers.
"Sabi kasi ni Mr Im, na ninong ko," so, ninong niya pala si tito. Kaya pala nakapag-enrol kahit pa-end na ang semester. "He said na ikaw nalang daw since vice president ka ng SSG, saka walang masyadong ginagawa. Bawal daw si Amythest na anak niya since baka daw masuntok ako ng presidente niyo. 'Yong Donique naman na secretary niyo, nasa lower grade pa kaya hindi ko ma-reach out." Napapairap nalang ako sa mga sinasabi niya. Daming alam ng hinayupak. Pero it's the principal's order kaya hindi ako pwedeng tumanggi.
"So, papayag ka na?" Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain.
Naramdaman ko na may nakatitig sa akin. Nang binaling ko ang tingin kay sa table nina Nero, my heart automatically fasten its pace. Nagtagpo ang mga titig namin ni Jonathan. He didn't even smile at blanko lang ang ekspresyon. Inilipat niya ang tingin kay Red, wala paring nagbabago sa ekspresyon.
Ano bang problema niya? Hayaan ko muna, tatanungin ko nalang mamaya.
"Boyfriend mo?" Halos mabilaukan ako sa tanong nitong si Red. Agad akong umiling, saka uminom ng tubig.
Pero sana nga. Sana nga akin siya.
"Hindi. Pero kung makatingin sa'kin parang papatayin ako," nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nginunguya niya ang pagkain niya.
Titignan ko na sana sina Jonathan, pero pinigilan ako nitong si Red.
"Alam kong gusto mo siya. He's your bestfriend, right?"
Paano niya nalaman? Nagtanong pa talaga siya kung boyfriend ko ba, e' alam naman pala na bestfriend ko lang. Tsk.
Nag-iwas ako ng tingin. Ganoon ba ako ka-obvious? Baka napapansin na rin ni Jonathan 'to. Buwesit naman 'to.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ