First quarter palang ng game, naisipan ko munang umalis. Parang hindi kasi ako makahinga. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko at baka maiyak pa ako doon kaya lumabas nalang muna ako.
Saka wala rin namang saysay ang pagpunta ko don. Pumunta lang ako doon para suportahan si Jonathan as his bestfriend. Dumating din naman si Kaira, may inspirasyon na siya. Ano pa bang gagawin ko don? Papanoorin ko silang maglampungan at papahiran ni Kaira ang pawis ni Jonathan. Pinapatay ko na yata puso ko don, e'.
Nakarating ako sa rooftop. Mabuti nalang at ako lang mag-isa dito. Sumandal ako sa railings saka walang pasabing tumulo isa-isa ang mga luha ko. Mahina lang ang hikbi ko.
Rinig na rinig ko mula rito ang sigawan ng mga estudyante mula sa court. Nakakainggit naman si Kaira, kasi mahal din siya ng taong mahal niya. Hindi na niya kailangang umasa kasi and'yan na. Nasa harapan na niya. I know Jonathan will love her unconditionally. Sana ganoon din siya kamahal ni Kaira. At alam kong sasaya siya don. Alam kung 'yon ang gusto niya.
Dapat masaya na ako, dahil masaya na siya. Pero hindi, kasi ang sakit para sa akin. Kasi through the years na magkasama kami, nahulog ako sa lalaking kaibigan lang ang turing sa akin.
Kinuha ko ang wallet ko. May picture doon na kaming dalawa lang. Picture 'to nung birthday ng kapatid niyang babae, si Allister. Oo, may kapatid siya. Mas bata ng ilang taon sa amin. Sinama siya ng mommy niya sa states at doon na nag-aral. Kaya minsan lang umuuwi ang mommy ni Jonathan sa bahay nila.
Kahit pa may luhang pumapatak sa mga mata ko, nakaya ko pang ngumiti habang nakatingin sa lumang picture na 'yon. We were just nine years old that time. Nakaakbay kami sa isa't-isa. All smiles. Nakakamiss lahat ng 'yon.
Sana kasi ako nalang. Pero we can't order our hearts to beat for someone else. Hindi natin mauutusan ang isang puso na piliin 'yong taong hindi naman tinitibok nito.
"Jaera...."
Hindi ko na siya nilingon. Wala naman akong mapapala kung titignan ko pa siya. Nakita na niya akong umiyak, kaya wala ng silbi kung itatago ko pa 'to sa kanya.
I can hear Red's footsteps approaching my direction. Sumandal rin siya sa railings habang nakatingin sa akin. Tinago ko muna 'yong picture saka aalis na sana, pero hinigit niya ako pabalik.
I look at him, natuyo na rin ang mga luha ko pero the pain stayed. Nakakapagod na. Parang gusto ko nalang umuwi at iiyak lahat ng 'to sa unan ko.
His eyes doesn't look confuse. Parang alam na yata niya ang problema ko. Instead it looked like he's worried. Tsk, nag-aassume na naman ako. Paano naman siya mag-aalala, eh hindi pa nga namin masyadong kilala ang isa't-isa.
"Let it out." Naguluhan ako nung una, pero nakuha ko rin. Malungkot akong napangiti saka isa-isa ngang tumulo ang mga luha ko.
Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin. Kahit pa nabigla ako, I really need someone's warmth right now. Umiyak lang ako ng umiyak. Basang-basa na nga yata ang uniform niya. I can smell his manly scent too.
At least I felt like kahit kunti, nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. Kumalas ako sa yakap saka ngumiti sa kanya.
"Salamat, Red." Sabi ko, saka pinahiran ang natitirang mga luha.
"Why don't you call me Nathan?" Reklamo pa niya. "Pero you're always welcome. You can call me anytime you need me, pambawi ko na 'to sa ilang oras na pagtour mo sa 'kin sa school." He chuckled kaya napangiti na rin ako. Nakakahawa masyado ang tawa niya.
"Oh, napangiti na kita." Saad niya saka ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin na mas lalong kinatawa niya.
Parang nabawasan kahit kunti ang sakit na nararamdaman ko. I owe him. Kahit hindi kami ganoon ka close, hindi niya ako hinusgahan ngayon na nakita niya ang weak side ko. I'm very thankful.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ