"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!"
Pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko. Matapos 'yong nangyare kanina, agad niya akong hinila sa parking lot. Biglang nawala ang pagkahilo ko dahil sa galit sa kanya.
Ewan ko pero parang nahimasmasan ako sa panghihilang ginawa niya.
May pa-boyfriend pa siyang nalalaman, eh bestfriend lang naman niya ako. Baka nga si Kaira ang girlfriend niya, nakakagaga ng umasa pa sa kanya. Ganda nga ng ngiti nilang dalawa, 'di ba? Kitang-kita ko 'yon. Magsisinungaling pa ba siya?!
Huminto kami sa harap ng sasakyan niya. Mukha siyang naiirita na nag-aalala. Ewan ko ba diyan sa mukha niya. Hawak niya parin ang braso ko kaya hindi ako makatakbo paalis sa kanya. Hinarap niya ako sa kanya, saka hinawakan ako sa mga balikat. Napatingin ako doon, bago ko nilipat ang tingin sa mukha niya.
Walang emosyon ang mukha ko, habang siya parang naguguluhan. Hindi niya ba alam na ang saya ng usapan nila ni Kaira, halos hindi na nga maistorbo eh. Baka nakalutang ang utak niya nung oras na 'yon.
"Ano bang problema mo, Jae?" Tanong niya sa akin. Nanatiling blanko ang ekspresyon ko, bago kumawala ang isang sarkastikong tawa mula sa mga labi ko.
I shot him a glare, bago ko tinuon ang pansin sa kawalan. Gusto niyang malaman kung ano ang problema ko? Gusto niya bang malaman na siya na naman ang pinoproblema ko?!
Lagi nalang kasi niya akong pinapaasa eh. Palagi nalang siya ang pinoproblema ko. Palagi nalang na nasasaktan ako dahil sa kanya. Gusto ko nalang na isigaw ang problema ko sa harap niya. Alam kong kaya ko 'yon, lalo na't nahahaluan na ng alak ang utak ko.
"Ikaw ang problema ko. Masaya ka na?" Diretsong saad ko saka tumingin sa malayo. Nagsisimula ng bumuo ang mga luha sa mga mata ko, hindi ko gustong umiyak sa harapan niya.
Humigpit bigla ang hawak niya sa balikat ko, kaya napatingin kaagad ako sa kanya. He looked so serious. Kinabahan tuloy ako bigla, pero buti nalang may alak sa katawan ko.
"You think I'll be happy?" Sambit niya saka mapaklang tumawa. Tumingin siya sa malayo, kumikislap din ang mga mata niya dahil sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya. Is he going to cry? "Jaera, hindi masayang nakikita kang nasasaktan, pero ano bang problema mo? Wala naman akong ginawang masama, 'di ba? I gave you time and space. Hindi kita nilapitan kasi pinapahalagahan ko ang gusto mo. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko maisip kung bakit ganito na naman...."
Napatingin na rin ako sa malayo. Hindi ko kayang tignan siya na nasasaktan. Perhaps, hindi ko naman sinasabi sa kanya kung ano ang problema ko. Pero, isn't he being considerate. Dapat ba na ipalam ko sa kanya kung saan siya mali? Dapat pa bang ako pa ang magsabi ng dahilan?
"Bakit ba ganyan ka lagi? Bakit ba kailangan ko pa laging sabihin kung ano 'yong mali? Jonathan, hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa mo?" Tugon ko na ikinatahimik niya.
'Yon 'yong problema niya eh. Hindi niya nakikita ang mali sa ginagawa niya. Dahil doon, Kailan na niyang magsinungaling. Hindi dapat kasi ganoon eh, kasi dahil sa ginagawa niya, nasasaktan ako eh. Hindi ba niya napapansin 'yon.
"Alam mo? Paasa ka e'. Tangina mo, Jonathan! Kinanta mo pa 'yon, kahit sa huli makikita ko lang kayong masaya kasama ang isa't isa." Hindi ko dapat sinabi 'yon, pero lasing na ako.
Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. He clenched his jaw, at kinagat ang pang-ibabang labi. Natahimik siya kasi nahuli ko siya.
"Pero, wala naman akong karapatan na magselos, 'di ba? Kasi in the first place, bestfriends lang naman tayo. Saka, Jonathan, huwag ka ng magsorry sa akin. Kasalanan ko naman na mahulog sa'yo eh. Hindi ko sana naramdaman 'to, para hindi ako nasasaktan. Pero alam mo naman, tanga ako. Tanga ako. Bobo ako kasi kahit anong iwas, nahulog pa rin ako sayo. Pero sa tingin ko, pinaasa mo lang ako eh! Tangina! Ang sakit, alam mo ba 'yon?! Ang sakit, kasi akala ko ako na. Pero what did you do?! You lied. Ang sakit...."
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ