じゅうに

307 20 47
                                    

"Anong kukunin mong course, Jae?" Tanong sa'kin si Autumn while sipping to her glass of wine. Nandito kami ngayon sa bar nina Synnex. Ayoko nga sanang sumama pero sabi nila magtatampo daw sila sa akin kapag humindi ako. Okay lang naman, pero I also want to have fun with them.

Napatingin ako sa kanya, bago ngumiti at itinoun ang tingin sa mini stage kung saan naroon si Raven at Lexir kumakanta.

"I'll take Human Resource Management. Ikaw ba?" She nodded. Sabi niya hindi pa daw siya nakakapili ng course. May dalawang buwan pa naman daw para pumili.

Nakaupo kami sa isang sofa malayo-layo sa mini-stage. Napapagitnaan ako ni Autumn at Cheska. Sa opposite na sofa, nandoon si Shaira at Sabrina. Hindi sumama si Hyacinth sa amin, because of a certain reason. Si Amythest naman, lumabas muna dahil sobrang ingay daw. She's with Synnex naman, kaya alam kong okay lang 'yon.

Maingay nga dito sa loob kasi may ibang students din galing sa school na dito nagcecelebrate. Maraming tao ngayon, pero nakakahinga pa naman kami ng maayos. Hindi naman kami nagmumukhang sardinas dito.

Grabe kung maka-inom si Shaira. Siguro, gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman niya hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi siya maka-move on. Actually, sobrang sakit nga talaga ng pinagdaanan niya, pero hindi na kami nangialam. We respect her personal problems that she wants to keep for herself, pero nandito lang naman kami if she needs someone.

Nakisabay nalang kami sa kanta, hindi ako masyadong umiinom. Hindi ko kakayanin ang isa pang hangover, 'no.

Nakangiti ako habang nanonood kina Lexir na kumakanta ng At My Worst. Nang malapit ng matapos ang kanta ay nagsipalakpakan na ang mga tao. The song was heart-warming. And naalala ko doon ang isang tao. Speaking of him, nandito kaya siya? Kahit naman galit ako, I always wanted to see even just a short glance of him.

Fate really is playing tricks with me. Kasi bigla na lang siyang umakyat doon sa stage. Suot niya 'yong sinuot niya kanina sa graduation. 'Yong damit niya underneath sa toga. Kahit pa malayo ang stage sa table namin, kitang-kita ko kung paano niya pinapasadahan ng tingin ang bawat tao, hanggang huminto ito sa akin. He plastered a smile, kaya napatili ang mga kababaihan. Habang ako, tulala lang at naguguluhan sa kanya.

He never break the eye contact with me. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kaya wala sa sarili akong napakagat sa labi.

"This song is for my bestfriend.... Actually, I.... I promised her time and space to think, pero hindi ko kaya na malayo sa kanya ng ganito. Maybe just by this song, I can feel connected to her once again. Kahit ngayong gabi lang. I... I'm sorry for everything."

Nakatingin lang siya sa akin the whole time. He was smiling, pero nakikita ko doon na nahihirapan siya. I know Jonathan as much as he knows himself. At nasasaktan din ako, kapag nasasaktan siya.

After a few seconds, the instrumental started. My heart was jumping and thumping so loud. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya, it's just that napagod lang akong masaktan at umasa.

"Oh, alay 'yan para kay bestfriend. Sana lahat. Tangina!" Sigaw ni Shaira bago magsimulang kumanta si Jonathan. Lasing na siya actually, at saka halatang gusto na niyang umiyak. Niyakap siya ni Sabrina kaya kumalma naman siya.

"♪Do you remember when I said I'll always be there,

Ever since we were ten, baby.

♪When we were out on the playground playing pretend.

I didn't know it back then."


So, the song was really for me. I'm glad he didn't lie this time. Nakatitig lang siya sa akin, habang nagtitilian ang mga babae dahil sa kanya. He can make every heads turn towards him, hindi na nakakapanibago para sa'kin 'yon.

Can It Be MeWhere stories live. Discover now