"We made it guys!" Patiling sigaw ni Shaira. She was looking so happy as ever. Napangiti nalang din ako. We already graduate, and I already told my parents na gusto kong mag-HRM. I always wanted to be a chef.
I am one of the students with high honors. Si Winter ang Valedictorian, while Synnex is the Salutatorian. Nero followed in line sa may pinakamataas na average this year. Hindi na ako nagulat na nakasama rin siya sa mga honor students. He's smart naman.
Si papa ang nagsabit sa'kin ng medal. Nadelay kasi ang uwi ni mama kaya hindi siya makapunta. Nandito lang naman kami sa ground para magpicture. Remembrance daw sabi ni Amythest. Ang alam ko kasi Business Administration ang kukunin niyang course, so magkakahiwalay kami this time.
Nandito din 'yong ibang mga girls. Nandito 'yong dalawa kung pinsan. Well, gagraduate din naman sila next year.
"Solo tayo. Mauna ka na Autumn." Sambit ni Shaira. Si Cheska ang may hawak ng camera. Saan niya ba natutunan 'yon. Kasi last time ni hindi nga marunong kumuha ng litrato 'yon.
Ngumiti na si Autumn sa camera, kukuhanan na sana siya ni Cheska pero may biglang lumapit sa kanya. Si Xyrel. Nabalitaan ko lang din noong isang araw na nagbreak na sila nung long time boyfriend niya. That would probably hurt, masakit na nga 'yong hindi pa nga lang kayo, nasasaktan ka na.
Xyrel was holding a bouquet of flowers for her. Nakangiti pa ang gago, at may binulong kay Autumn bago umalis. Nakita ko kung paano namula ang pisngi ni Autumn. Kinikilig siguro.
"Ikaw na sumunod, Amy." Tulak ko sa kanya. May dala na rin siyang bouquet galing sa papa niya. Her father was the one to escort her on the stage. Ang saya ko para sa kanya.
"No, ikaw na mauna, Jae." Tinulak niya rin ako, pero mas malakas ako sa kanya.
"Baka madapa kayong dalawa diyan. Let's take a picture, love." Sa huli, dumating din si Synnex kaya napilitan si Amythest. I'm happy for them.
Nakatingin lang ako sa kanila habang may ngiti sa mga labi. Wala akong hawak ngayon, kasi iniwan ko kay papa 'yong bouquet na bigay niya. Nakakrus ang braso ko, at nakasandal din ang ulo ni Hyacinth sa balikat ko. Bale, magkatabi lang kami.
"Ang sabi ko solo! Hindi couple picture. Nakakabitter kayo ah." Shaira said na parang galit na galit. Bitter lang talaga siya sobra hanggang ngayon.
Napatawa na rin ang mga kasama ko. Nahiya tuloy si Amythest, habang si Synnex parang wala lang. Proud na proud ang gago. Nandito rin pala si Sabrina na nakatingin lang sa ate niya. Alam kong proud siya sa kanya.
"Kung gusto mong may ka-couple picture, Shai. Free naman daw si Ivan don." Ani pa ni Synnex matapos makuhanan ng picture ni Cheska. Nakaholding hands pa silang dalawa kaya hindi ko maiwasang mapangisi. They got even sweeter to each other.
Sumunod na rin si Shaira na grabe ang posing. Walang hiya sa katawan yata 'tong babaeng 'to. Paano ba kasi parang mag-iisplit na sa grounds. Not to mention na maraming tao sa paligid namin. Patuloy kong pinipigilan ang tawa ko para hindi kami makaagaw ng atensyon.
Si Hyacinth ang nasa kanan ko, saka si Synnex sa kaliwa, tabi lang kami. Hawak niya parin si Amythest.
"Jae..." Tawag niya, kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang maliit na box. Tinignan ko siya bago kunin 'yon.
'Congratulations to us!'
Sa penmanship palang ng taong 'yon, hindi ako magkakamali na kay Jonathan 'yon. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, pero itinago ko ang ngiti ko.
After that night, hindi na kami nagka-usap, pero tini-text niya pa rin ako ng mga casual messages, gaya ng 'good morning' o 'have a nice day'. A month ago na yata simula nang mangyari 'yon. Minsan na lang din sumasabay sa akin si Red, kasi he's trying to reach out to his past lover. Kaya halos kada-araw kong kasabay sina Amy.
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ