きゅう

271 20 47
                                    

"He really said that?!" Patiling sabi ni Amythest. But soon it faded away nang may maalala siya. Kailangan pa siya naging maingay? Napailing nalang ako saka tinalukbong ang kumot sa mukha ko. Dapat na ba akong maniwala sa sinabi niya? Mahal nga ba ako ni Jonathan, hindi lang bilang kaibigan? I should calm down, saka maghintay sa explanations niya. I trust him. Ilang taon ko na siyang kilala, and alam kong tutuparin niya ang mga sinabi niya.

Hindi na dapat ako nag-iisip ng mga ganito eh. Paano ba kasi kung pinapaasa niya lang ako? Pero hindi niya naman yata niya kayang saktan ako, 'di ba? He said that I'm important to him.

"Hmm, pero what's the rumor about him and Kaira though?" Tanong ni Amythest habang nakasandal sa headboard ng kama niya. Inalis ko ang kumot sa mukha saka napatingin sa kawalan.

Ang alam ko lang ay kalat sa buong school na sila na, pero sinabi niya naman sa akin kagabi na walang sila. Pero hindi ko alam ang buong istorya. Itinaas ko ang isang kilay kay Amythest, ushering her to proceed.

Napabuntong hininga siya saka diretsong tumitig sa akin. "Narinig ko lang 'to kina Sab, she told me na nakita nila sina Jonathan at Kaira sa isang cafe. Not their cafe. That was two days before the foundation day, sabi niya nahuli nila sina Kaira na naghahalikan..."

It was a long silence after that. Para akong tanga na nakatulala sa kawalan. Gusto ko sanang maghintay sa paliwanag niya, pero sobrang sakit na. Pinapaasa lang ba talaga niya ako? They kissed, huh? So, pagkatapos niyang halikan si Shaira, he also kissed me?! Anong katangahan 'to?!

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Para na akong ewan, at hinahayaan ang mga luha na umagos. Amythest hugged me tightly, telling me to stop kasi naiiyak na rin siya. I hugged her back saka doon umiyak sa kanya.

Dapat maghintay ako sa paliwanag niya eh, pero bakit ganito? Akala ko ba walang sila? Akala ko ba mahal niya ako? O ako lang 'tong sobrang desperada.



"Jaera, that's the reason why people conclude na sila na. Maraming nakakita sa kanila, but for the better, let him explain himself, okay?"




Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ako ni Amythest. After a couple of minutes crying, kumalma na rin ako. Sa lahat pa na puwedeng problemahin, bakit sa ganito pa?! Ang tanga-tanga ko kasi eh. Sobrang gaga ko! However, I need to hear his side. I should trust him, for now.

"Synnex texted me na umalis daw si Jonathan sa resort. Ask him kung nasaan siya..."


Agad ko ding kinuha ang cellphone ko kahit ang blurry pa ng vision ko. At least, alam ko na magpapaliwanag siya. Besides, it was just a kiss. Sinabi niya sa akin na wala lang sila ni Kaira. Perhaps, he already stopped courting her. Pero wala naman siyang sinasabi.

Napabuntong hininga nalang ako at tinype ang mga salitang, 'Nasaan ka?'. I waited for a minute bago natanggap ang reply niya.

From: Jonathan Loves Yoo

Uh... Nasa resort parin ako. Ka-face time mo palang ako kanina, ah. Miss mo na ako agad ;)


"Anong sabi?" Ibinigay ko ang cellphone kay Amythest. Did he just lie?

Hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko. I stood frozen nung makita ang reply niya. Synnex won't lie kung kaibigan na niya ang pag-uusapan. I became more confuse, naguguluhan ako kung paano ikokonekta ang mga nangyayari.

Sabi niya nasa resort siya when Synnex told us na umalis siya doon. He lied.

Sabi niya mahal niya ako. Pero narinig ko nalang na hinalikan niya si Kaira before that day. Did he lie?

Can It Be MeWhere stories live. Discover now