Ngayon ko lang napansin na ang gloomy ng araw ngayon. I'm not talking literally. Nung nasa room ako kanina, siyempre nakita ko si Amythest kasi kaklase ko siya. Nilapitan ko siya, pero she said she's tired of everything. Nag-aalala ako. Ngayon naman na nandito ako sa SSG office, tulala naman si Synnex.
Napagdesisyunan ko nalang na magpunta sa court since nandoon naman sina Shaira. Busy halos ang mga professors ngayon dahil sa upcoming foundation day ng school. Busy rin naman kami, pero mas gumaan ang trabaho namin ngayon kumpara nung nakaraang linggo.
Nasa entrance palang ako ng court, nang marinig ko anh boses ni Jonathan. Ang base sa boses niya, galit siya.
"Bakit mo naman ginawa 'yon, Nero?! Dude, kahit ikaw alam mo na mahal ni Synnex si Amythest. Bakit mo nagawa 'yon?"
"Nathan, alam mo rin naman na gusto ko siya, diba?! You guys know that, pati na rin si Synnex. Mahal ko siya, and I know this is my fault. Pero kasalanan ba na magmahal ako?! Is it wrong na ipaglaban ko ang nararamdaman ko?! You said na I should take the risk, ginawa ko, pero ito ka at pinapangaralan ako. What's wrong with you guys?! Diba, nagmahal din naman kayo? Don't tell me, you're not feeling this way?!"
Nero walked out from the place. Ngayon ko lang 'yon nakita na sobrang seryoso. Nagpipigil na rin siya ng luha. Tangina, naguguluhan na ako masyado!
Nandoon silang lahat maliban kay Synnex at Nero. Lumapit ako sa kanila pero wala yatang planong magsalita niisa sa kanila. They look so serious, pati sina Lexir, Raven, at Xyrel na palatawa, ni hindi makatawa sa ganitong sitwasyon.
I looked at Jonathan, he look so frustrated. Nakapinta sa mukha niya ang iba't ibang emosyon. He seemed to be mad, guilty, sad, and expressions I can't tell.
"Anong nangyayari?" Tanong ko kaya silang lahat napatingin sa akin. Itinaas ko ang isang kilay, pero parang walang may planong sumagot.
"Alis na ako, baka hinahanap na ako ni Shaira."- Ivan.
"Hyung, alis na rin kami nina Chase at Lexir."- Dwayne.
"Alis na rin kami Jae, Jonathan hyung." Saad naman ni Winter kasama sina Jigz at Xyrel.
"Noona, alis na din kami. Si hyung na magsasabi sayo." Xander said saka ngumiti. Ngumiti rin sina Ashton at Raven.
At ngayon, kaming dalawa nalang dito ni Jonathan. Mukhang problemado pa naman 'to. Naupo ako sa sahig ng court saka pinaglaruan ang bola na nasa harap ko.
"So, anong problema?"
Bumuntong hinga muna siya saka naupo katabi ko. Mariin niyang pinikit ang mga mata saka hinihilot ang sentido. That's a cue. Marami siyang problema.
"Amythest misunderstood Synnex. Tapos, nag-away si Synnex at si Nero. And that happened nung weekend. I guess, hindi sinabi sayo ni Amy." Umiling ako.
Amythest, never called me last weekend. Ni hindi nga nagparamdam sa akin. And now I know why. She trusts Synnex so much, and she misunderstood him.
"And I guess, hindi lang 'to ang pinoproblema mo... "
Binalingan ko siya ng tingin but he instantly looked away. May ayaw siyang sabihin, pero gusto kong malaman. However, hindi ko siya mapipilit na sabihin 'yon. Maybe because it's too personal that he needs to keep it for himself only.
"Sige na, hindi kita pipilitin. Pero I hope someday, sasabihin mo rin." Tumayo na ako at pinaspasan ang pang-ibabang uniporme. Nakatingin lang siya sa akin saka ngumiti. "Ice cream tayo?"
YOU ARE READING
Can It Be Me
Fanfiction"How I wish it was me. How I wish it wasn't her. But my words can't change the beating of your heart, since it was her from the very start." ᴛᴡɪᴄᴇᴛᴇᴇɴ sᴇʀɪᴇs #2 ʏᴏᴏ ᴊᴇᴏɴɢʏᴇᴏɴ-ʏᴏᴏɴ ᴊᴇᴏɴɢʜᴀɴ