PART 1: "NATAGPUAN KO NA"

18 0 1
                                    


      Nag-aabang ng dyip papun-
tang Binangonan si Mirasol nang biglang umambon. Bi-
nuksan ng lalaking katabi niya ang malaking payong na may nakasulat na "Valley Golf And Country Club." Alam ni Mirasol
kung nasaan ang lugar na ito.
Sakop pa rin ng Antipolo City
ang lugar na iyon. Ang Valley Golf ay laruan ng golf. Karami-
han sa mga naglalaro ay mga
"big time businessmen tulad
nina Lucio Tan, Johnny Go-
kongwei, Enrique Razon, Dan-
ding Cojuangco, Vicente Madri-
gal at iba pang kilalang bilyo-
naryo.
      "Miss, halika sukob tayo. Malaki naman itong payong ko," alok ng lalaki kay Mirasol.
      " Salamat Mister. "
      " Ako nga pala si Melvin, ikaw, puwede ko bang mala-
man ang pangalan mo?"
      " Ako si Mirasol, taga Bina-
ngonan."
      " Saan ka sa Binangonan Mirasol?"
      " Sa Pantok," tugon ni Mira-
sol.
      " Magkasunod pala ang Barangay natin, sa Sto. Niño,
Bilibiran ako Mirasol."
      Iyon ang simula ng isang pag-ibig. Computer Technician si Melvin sa isang shop sa
Angono, Rizal. Teacher naman si Mirasol sa Angono National High School. Nagbigayan sila ng kanilang FB Account.
      Minsan ay niyaya ni Melvin si Mirasol na kumain sa isang
branch ng kilalang fastfoods sa Angono pa rin. Pumayag na-
man ang dalaga. Nagkumusta-
han sila habang kumakain.
      "Bilib ako sa Mayor ng ba-
yang ito. Malinis ang national road pati mga kalye at ang
palengke nila, wala kang maki-
tang nakatambak na basura,"
panimula ni Melvin.
      "Sino bang Mayor dito," ta-
nong ni Mirasol.
      "Yung dati pa rin, si Mayor
Gerry Calderon, kapamilya ng
mga Villamayor. Maganda kasi
ang "performance" kaya ibino-
boto ng tao," sagot ni Melvin.
         "Di ba noong matapos ang
3 terms niya ay si Au-au Villa-
mayor ang Mayor."
      "Oo. Noong nakaupo si Au-
au ay nagtrabaho muna siya
sa DENR," wika ni Melvin.
      "Teka Mirasol, maiba tayo.
Kumusta nga pala ang "love
life mo?"
      "Malungkot. Dalawang be-
ses na akong nabigo. Yung una ay hindi kami nagkatuluyan
dahil noong nag-abroad siya
ay may nakilalang isang Pinay sa Riyadh, Saudi Arabia. Nag-
karoon sila ng relasyon at tulu-
yang nakipagkalas sa akin." Muli akong na-in-love sa isang guwapong Dentista. Hindi rin kami nagkatuluyan dahil pini-
kot siya ng kapwa rin niyang
Dentista. Iba talaga ang lahing
pipikutin. Nabalitaan ko na ta-
lagang pinikot daw siya," wika
ni Mirasol.
      "Ikaw Melvin, may nobya ka na ba?"
      "Mayroon na Mirasol pero
nasa Canada. Nurse siya sa isang private hospital doon."
      "Sa ngayon Mirasol, may
lumiligaw ba sa iyo?"
      "May lumigaw sa akin, da-
lawa, pero binasted ko sila pa-
reho. Teacher din sila sa school
na pinagtuturuan ko Melvin."
      "Bakit hindi mo binigyan
ng "chance" kahit isa man lang
sa kanila Mirasol?"
      "Parang takot na kasi akong
umibig muli baka matulad uli
sa dati, mabibigo lang."
      "Ang kapalaran ng tao ay
iba-iba o maaaring may pag-
kahawig. Ibang tao, ibang pa-
nahon at iba't-ibang pangya-
yari Mirasol."
      "Teka nga pala, di ba noong
una tayong magkita, noong pi-
nasukob mo ako ay nabasa ko
sa malaki mong payong ang
"Valley Golf And Country Club?"
      "Oo, bakit?"
      "Nagtrabaho ako sa Valley
Golf, dati akong "umbrella girl"
doon. Nagkaroon ako ng ma-
bait na amo, si Mr. William Co,
ang may-ari ng ICCT. Nagpais-
kular siya sa mga anak ng mga "Caddie" o kawani ng Valley
Golf at pinalad na ako ay isa mga napili. "Caddie" kasi ang
Tatay ko."
      "Mabuti naman at nakatag-
po kayo ng mabait na player na hindi oportunista, ibig kong sa-
bihin ay hindi siya nagnasa sa iyo."
      "Mabait na tao si Mr. Co dahil kasapi siya sa Filipino-
Chinese Businessmen Fellow-
ship, yung mga "Born Again
Christians." Kasapi na rin ka-
ming buong pamilya sa Church
nila. Dahil sa kanya kaya ako
nakapagtapos ng "Education."
Higit sa lahat ay sa Diyos ako
nagpapasalamat dahil nanini-
wala ako na gumagamit Siya
ng mga tao upang tayo ay pag-
palain Melvin." Salamat sa
kanya, at siyiempre, sa Diyos.
      Marami pang napag-usapan
ang dalawa. Para na silang da-
ting magkakilala kung mag-
usap.
      Makaraan ang ilang buwan ay muling nagkita ang dalawa
sa paborito nilang "fastfoods
restaurant sa Angono pa rin.
      "Kumusta Melvin. Bakit tila
hindi yata kayang iguhit ni Amorsolo ang mukha mo."
      "Wala na kami ng nobya kong si Karen, nag-asawa na
siya ng isang half Canadian
half Filipino doon Mirasol."
      "Hindi siya ang babae para
sa iyo. Maaaring may ibang ba-
baeng inilaan ng Diyos para sa
iyo Melvin. Tumingin ka lang
sa paligid at makikita mo siya."
      "Mahal na mahal ko si Ka-
ren Mirasol. Hindi ko sukat
akalain na magagawa niya sa akin iyon. At tama ka nga, hin-
di siya ang babaeng inilaan ng
Panginoon para sa akin."
      "Kung wagas ang pag-ibig
niya sa iyo ay hindi ka niya
ipagpapalit sa iba Melvin."
      "Duktor daw ang ipinalit sa
akin Mirasol."
      "Christian na ba iyong Ex mo Melvin."
      "Hindi pa. Kagaya ko rin na
naghahanap pa ng katotoha-
nan. Nakatatlong Relihiyon na
ako pero hanggang ngayon may bisyo pa. Mabuti na lang
at nakatapos ako ng Computer
Technician habang nagkakadi
rin noon sa Valley Golf. Iisa lang naman ang bisyo ko, konting inom lang ng "beer," hindi naman nagpapakalango."
      "Sa Sunday, invite kita. Su-
bukan mong dumalo sa aming
"fellowship" na nagsisimula ng
9:00 ng umaga hanggang 11:00
o 11:30 sa Pantok mismo."
      "Sige, dadalo ako at baka may maisasama akong kaibi-
gan na kainuman ko, he-he-he!"
      "End Time Christian Minis-
tries ang pangalan ng Church
namin. Tabing national road
lang iyon katapat ng McDonald"s"
      Araw ng Linggo, 8:15 ng umaga pa lamang ay nakita na
ni Melvin ang Church nina Mirasol. Pumasok muna siya sa McDonald's at nag-almusal.
Marami nang dumadating na
mga dadalo sa gawain ng Pa-
nginoon. Mga 8:35 ay pumasok
na siya. Naroon na pala si Mi-
rasol na nagpapraktis dahil si-
ya pala ang "Songleader" ng
araw na iyon ng gawain nila sa
Church. Eksaktong tapos na sa
pagpraktis si Mirasol nang ma-
kita si Melvin. Nilapitan niya ang binata at kinumusta.
      "O Melvin kanina ka pa ba?"
      "8:15 nandito na ako pero
nag-almusal muna ako diyan sa McDo. Magaling ka palang
kumanta Mirasol."
      "Talentong bigay ni Lord,
ibinabalik ko lang sa kanya ang papuri at pasasalamat. Pa-
sada lang yung inabot mo ka-
nina dahil nakapagpraktis na kami kahapon ng aming "Wor-
ship Team."
      "Masaya pala rito Mirasol,
nagkakantahan kayo."
      "Ang mga kinakanta namin
ay mga papuri at pagsamba sa
ating Panginoon dahil Siya lang ang dapat purihin, samba-
hin at paglingkuran Melvin."
      "Mawiwili ako dito Mirasol.
Ngayon pa lang ay parang may
kapayapaan na sa puso ko. Na-
tagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap. Kung saan-
saan pa ako naghahanap ay
nandito lang pala ang kapa-
yapaan dahil ramdam ko na."
      "Hindi pa tayo nagsisimula.
Mamaya ay mararamdaman mo na nang husto ang "Presen-
sya ng Panginoon Melvin. At
pagkatapos ng gawaing ito ay
may kakaiba kang mararana-
san na hindi mo pa nararana-
san sa tanang buhay mo. Mara-
ranasan mo  ang pagkilos ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo. Mananahan Siya sa ating katawan at tutulungan
Niya tayo upang makapamu-
hay ayon sa kalooban ng Diyos.



     ( may karugtong )

     

PINAGTAGPO NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon