CHAPTER 1

1.5K 20 0
                                    

"Kyahhhhhh~~~~~~" namamanghang sabi ni Carnation matapos mabungaran ang magandang tanawin ng resort na kanilang tinutuluyan.

She's in vacation with her best friend Chasity. Nagreunion ulit kasi sila after how many years at napag usapan nila na magbakasyon sa Russia at ito na nga ang nangyari. Andito na sila at kakarating lang nila kagabi kaya di nya nasilayan ang magandang tanawin dahil sa jetlag na naramdaman.

Dali dali syang lumabas pero bago yun ay nakita nya pa si Chasity na kakalabas din ng kwarto.

"Chass! Kyahh~~ bilis na mag eexplore tayo"sabi nya at kaagad hinila si Chasity palabas ng resort.

"Teka lang kasi diba! Hindi pa ako nakakabihis" at winasiwas nito ang kamay ni Carnation.

Napanguso nalang si Carnation sa inakto ni Chasity. "Aray!"nakasimangot na sabi nya .

Inirapan lang sya nito at pumasok sa loob para magbihis. Mabuti na ngalang at magkaibigan sila . Sanay na sya sa ugali ni Chasity.

Nakapangalumbaba na hinintay nya ang kaibigan . Ng matagal itong lumabas. Nag impake sya ng kakainin nya dahil magrerenta sya ng speed boat at lilibotin nya ang resort.

Isa isa nyang inilagay ang cup ng noodles at mga chocolates tsaka energy bar at tubig.

Hindi pa din lumabas ang kaibigan kaya pumasok sya sa kwarto nya para kumuha ng extra tshirt at cap.

Paglabas nya saktong lumabas din Chasity na readying ready na. May tote bag itong dala at selfie stick. Bitbit nya din ang power bank. Tanga lang. Bat di na inilagay sa bag.

Ngiting ngiti sya at lakad takbong lumabas sya. Iniwan nya muna si Chasity at pumunta sa lugar na nagpaparenta ng speed boat.

"Hi ! Can i rent a speed boat?" Sabi nya sa babaeng taga bantay.

Mahal ang pagrerenta! Ibang iba pala sa pilipinas !

my gosh uuwi syang wala ng pera.

Pikit mata nyang tinanggap ang kapalaran na gumastos ng mahigit 50 thousand. >_<

Nagsimula sila pagkatapos ng briefing. Marunong naman sya talaga eh. May paalala pa ang babae pero di na nya pinansin dahil excited talaga syang mag ikot sa resort.

Nagsimula ng umandar ang speed boat kaya tuwang tuwa sya. Tiningnan nya muna si Chasity at ang babaeng yun ay nagsusunbathing.

Sana talaga maging tutong 'tong babaeng to..

Dire-diretso lang sya sa pag paandar. Ng makita ang kabilang  parte ng lugar ay pupunta sana sya doon kaso pinigilan sya ni Chasity.

Nakasimangot na tinigil nya ang speed boat. Tiningnan nya ang kaibigan at busy na ito sa pagselfie habang nakahiga. Kinuha nya rin ang phone nya at nagsimulang magselfie.

Lumiwanag ang mata nya ng makitang may fishing rod na nakakabit sa gilid.

Kinuha nya ito at sinimulang iasemble. Pagkatapos ay niliblob nya itosa tubig. Mamimingwit nalang sya tutal ang boring ng kasama nya. Nakasimangot na kinuha nya ang bag at kinuha doon ang cup of noodles at nilagyan ng mainit na tubig galing sa hot container.

Bubuksan nya sana ito pero nakarinig sya ng tunog. Nilingon nya ito at nakitang may paparating na speed boat din. May mga sakay na limang ktao na nakaitim ng damit.

Hindi nya ito pinansin at hindi din pinansin ni Chasity dahil nakikinig na ito ng music sa earphone nya.

Hawak ang cup of noodles nagulat nalang sya ng tumigil ang speed boat sa gilid ng kanilang nirentahan.

Armado ang mga ito at parang mga bodyguard. Shocked na napatitig sya sa mga ito at mas lalong nagulat ng tutukan sila ng mga baril.

Napatayo na din si Chasity at nilibot ang paningin. Napasinghap pa ito bago lumapit kay Carnation na ngayon ay parang tuod na nakatayo.

Pagkalapit nya dito ay kinurot nya ito sa tagiliran. Napasinghap naman si Carnation dahil sa sakit na natamo. Kunot na noo pero takot na lumingon si Carnation sa kanya.

"Sinabi kanina na wag tayong lalapit sa kabilang parte ng resort na to! Bat hindi ka nakinig!"gigil na sabi nya sa kaibigan na ngayon ay parang namumutla na.

"H-Hindi ko n-narinig!" Singhap nito ng may isang sumakay sa speed boat nila.

"Who are you?"tanong nito habang nakatutok ang baril sa kanila.

"We're guest from the other side of this place..... that hotel"sagot dito ni Chasity at itinuro ang kabilang parte kung saan sila tumutuloy.

Alam nyang kailangan nyang maging kalmado dahil ang kaibigan nya ay mahihimatay na. Pag nagpakita din sya ng takot . Aatakihen ng anxiety ang kaibigan nya at yun ang ayaw nyang mangyari. Mas lalo kasi itong nababaliw at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila.

"Take them!"sabi ng isa at isenenyas na patawirin sila sa kabilang speed boat.

Para hindi na humaba ang diskasyun. Sumunod nalang sya. Papaunahin nya sana si Carnation pero nahila na sya ng isa sa tao doon sa kabila.

Bago pa makalapag ang paa nya sa sahig ng speed boat ay nakarinig sya ng pagmumura. Ng makatapak na sya ay nakita nyang hinimatay ang kaibigan nya.

'Sinabi na nga ba eh' isip nya at hinintay na itawid din ang kaibigan. Inilagay ng lalaki---yung nagbitbit kay Carnation --ito sa tabi nya.

Hawak hawak ang kamay ng kaibigan ay huminto ang speed boat sa medyo malalim na parte ng tabing dagat.

Pinababa sya at mabuti nAman dahil may umalalay sa kanya. Tiningnan nya muna ang kaibigan at nakita nya ito na bitbit ulit ng lalaki na syang bumitbit din kanina dito.

TRAPPED WITH HIM (COMPLETED)√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon