"Carnation? Gising ka pa?" Rinig nyang sabi ni Chasity At dali-dali syang tumayo.
"Tatakas na ba tayo?" Tanong nito at nagready na..
"Carn mahihirapan tayo, nagbabantay sila sa labas....ganto nalang... I will plague them then you run ok?! Susundan kita!"
Tumango- tango si Carnation at nasa isip lang na dapat makatakas sila.
"Please be casual ok?" At nauna na si Chasity na lumabas.
Wala silang nakitang nakabantay at mabuti nga iyon.
"Kinabisado ko ang daan papunta dito at diretsohin mo lang ito tapos lumiko ka sa kanan at may bintana dyaan. Doon ka dumaan at magtago ka muna habang wala pa ako. O di kaya mauna ka nang tumakbo at ako ng bahala sa sarili ko"
"Ano? Eh paano ka?" Kinakabahang tanong ni Carnation at inisip na kung paano sila tatakas na dalawa.
Kailangan na walang may matira dito kung hindi patay silang dalawa.
"Dont worry about me kilala mo ako ! Marunong akong mag Taekwondo diba ?kaya ko sila!" At nagpalakpak pa ito ng mahina.
Habang naglalakad ng mabilis nagtataka sya na walang may nakabantay. Wierd ah.diba sa movie may nakabantay talaga dyaan?
Piniling nya ang mukha at tinigil ang pag iisip. Hindi dapat yan ang iniisp nya ..kailangang makalabas sila ng buhay.
Habang papalapit na sya sa bintana na tinutukoy ay mas lalong kinakabahan ang dalawa.
Nakarating sila ng matiwasay sa bintana. Maliit lang iyon pero kasya sila. Nakita nyang sa likod niyon ay maraming puno at dalawang tauhan na may bitbit na baril. Natakot sya pero kailangang maging matatag sya.
"Carn ikaw na ang mauna! Huwag kang magpapakita huh!" At nauna nga syang lumabas. Kasunod nya si Chasity at nakalabas sila sa bintana.
Nanginginig na ang kanyang tuhod at ganun din ang kamay ni Chasity. Nagtago sila sa bush habang naglalakad. Mabuti nalang at umalis ang dalawa at may pinuntahan. Tumakbo kaagad sila hanggang makarating sila sa gate na nasa likod.
Mababasa kaagad ang "CAUTION:ELECTRIC SHOCK! BEWARE!"
Bumilog ang mata ni Carnation habang si Chasity naman ay nakaisip ng paraan.
May nakita kasi syang puno na pwedeng tawiran paunta sa kabilang banda.
"Carn tara aakyatin natin ang puno na yon!" Turo nito sa di kalayuan na puno.
Nagliwanag naman kaagad ang mukha ni Carnation at dahil marunong syang umakyat basic lang sa kanya yun. Nauna syang umakyat at nakatawid sya sa kabila. Ganun din ang ginawa ni Chasity at pareho silang tumakbo palayo ng lugar na iyon.
Narating nila ang lugar na sobrang ingay kahit magmamadaling araw na. Madaming tao at siksikan talaga. Pinagkasya nilang dalawa ang sarili habang hila hila sya ni Chasity.
Andun na pala sila sa centro. Medyo malayo ang kanilang hotel na tinutuluyan pero carry lang.
Naglakad sila hanggang marating nila ang kanilang nirentahang hotel. Pagkadating palang sa hotel ay diretso silang pumasok sa kwarto at sabay silang nahiga.
"Mabuti nalang at nakatakas tayo huhuhuhu" umiiyak na ngayon si Carnation habang naghahabol ng hininga.
"kailangan na nating umalis dito! baka matunton tayo at isalvage na talaga"sabi ni Chasity at tumayo kahit nahihilo na dahil sa pagtakbo.
Habang nilalagay sa loob ng maleta ang lahat ng kanilang damit, andun pa din si Carnation nakahiga sa kama. Di-na-digest ang lahat at kung bakit iyon nangyari.
"Carn bilis na ! Umalis na tayo habang maaga pa!" At doon lamang sya nagising sa pag iisip.
Ng matapos ang
BINABASA MO ANG
TRAPPED WITH HIM (COMPLETED)√
General FictionMasaya ang magbakasyon ika nga ni Carnation. Pero unexpected ang may lalapit na mga guard ng pagmamay ari ng lugar na napuntahan nila dahil sa di nila alam na private property pala yun. What will happen to the vacation of Carnation in the land of th...