Nang matapos ay lumabas sila at magchecheck out na sana ng makita nila sa malaking tv na andun sa may reception ang balita.
Hindi nila maintindihan ang sinasabi pero base sa larawan na andun ay about yun sa weather forecast.
May ipinakita doon na payong , raincoat at boots. Tapos malakas na ulan. Yung nagrereport ay andun malapit sa dinaanan nila kagabi. Malakas ang hangin at ulan doon at hirap na hirap ang reporter sa pagreport dahil sa pagpigil na wag tangayin.
"Im sorry ma'am but there's a hurricane coming in this way, advisory is we need to stay at home,you can stay a little while at hotel while theres a hurricane" magalang na sabi ng receptionist at tipid na ngumiti.
Napatango nalang silang dalawa at bagsak ang balikat na bumalik sa kanilang suite.
Nahahapong pabagsak na umupo si Chasity sa sofa samantalang si Carnation naman ay dumiretso sa kanilang kwarto at doon tahimik na umiyak.
Paano na kami ngayon? Ayaw ko na ulit magbakasyon!. nakaka-trauma huhuhuhu
Mga ilang minuto at ramdam na ni Carnation ang paglamig ng silid. Kahit naka aircon ay tumatagos pa din ang malakas na hangin kaya mas lalong lumamig ang paligid ng silid nya.
Malakas na ulan at pumipito na hangin. Yan ang nakita at narinig nya ng lumapit sya sa glass wall. Kitang kita ang pagbagsak ng malalakas na ulan at parang hindi na makita ang ilang lugar dahil sa makapal na bagsak ng ulan.
"Kailan ba to matatapos?" Mahinang tanong nya sa sarili.
Habang nakatingin sa pagbagsak ng ulan ay naalala nya ang lalaki nagngangalang Jonas.
Sana di na magtagpo ang aming landas.
Nalingunan nya si Chasity na pumasok sa loob ng kwarto at nakita nyang dumiretso ito sa loob ng banyo.
Actually dalawang kwarto ang kanilang inupahan kaso mas gusto nilang magshare ng kama kaya naman ay share sila ng iisang kwarto.
Kumalam ang kanyang tiyan at napagtanto nyang di pa pala sila kumakain.
Tiningnan nya ang kanyang wristwatch. Mag aalas singko na pala.
Lumabas sya ng kwarto at tiningnan ang ref. Tubig ang laman nun at panis na pagkaing kanilang inorder noong isang araw pa.
Napailing nalamang sya at nakapaweywang na tinignan ang fridge. Ng kumalam ng malakas ang kanyang tiyan ay kinuha na nya ang kanyang pera at nagmamadaling lumabas.
Suot ang cap na itim ay iwinagwag nya ang kanyang buhok tapos pumunta sa convenience store na nasa baba lamang.
Habang naglalakad sa station ng instant noodles ay di nya ramdam ang lalaking sumusunod sa kanya.
Kumuha sya ng cup noodles na maanghang at pancit canton na maanghang ulit tapos pumunta sya sa station ng mga chocolates. Dalawa lang ang kinuha nya at nagmamadaling pumunta ng counter.
Baka kasi hanapin sya ni Chasity kaya binibilisan na nya.
Nang makapagbayad ay lumabas na sya at tumungo sa elevator. Isasarado na nya sana ng may pumasok na bading at kanyang nobyo siguro. Hi di nya makita ang itsura pero alam nya na bading ito base sa pananamit
Sumarado ang elevator pero di nya pinansin ito. Nakatitig lamang sya sa bading na masyado yatang exxagge para sa kanya.
Paano ba naman nakahilig ito sa kanyang nobyo at hinahaplos haplos sa likod nito.taas baba. Hindi naman sa ayaw nya sa mga bakla ha pero ayaw nyang nakikita itong naglalampungan sa harap nya.
Yumuko na lamang sya para maiwasang tumingin sa dalawa.
Ng tumunog ang elevator ay mabilis syang lumabas. Malapit lang ang kanilang room sa elevator kaya nakita nya kaagad si Chasity na nakatuwalya lang at parang bangag na nagpalinga linga, magulo ang buhok at tumutulo pa ito. Ng makita sya ng kaibigan ay mabilis sya nitong hinablot at pinasok sa kwarto pero bago pa yun narinig nya pang nagmura ang nasa likod nya.
"Alam mo ba kung anong ginagawa mo huh?" Nanggagalaiting sabi ni Chasity habang hinihigpitan ang tuwalyang nakatapis sa kanya.
"Wala kasi tayong pagkain kaya bumili ako hanggang bukas"paliwanag ni Carnation at pinakita pa ang binili nya sa baba.
"Haiysst!!n paano kung matunton tayo ng mga yun?"
Napabuntong hininga nalang si Chasity.Papasok na sana sya sa banyo ulit para mag banlaw ng may kumatok.
Nagkatinginan silang dalawa at nag isip. Bumilog ang mata ni Chasity na maisip na baka natunton na sila.
Kaagad nyang kinuha ang vase kahit nakatuwalya pa at lumapit sa pinto.
BINABASA MO ANG
TRAPPED WITH HIM (COMPLETED)√
General FictionMasaya ang magbakasyon ika nga ni Carnation. Pero unexpected ang may lalapit na mga guard ng pagmamay ari ng lugar na napuntahan nila dahil sa di nila alam na private property pala yun. What will happen to the vacation of Carnation in the land of th...