Chapter 2: Pahingahan ma sa Gitna ng Kagubatan

1.4K 55 5
                                    

Nang makarating sa Hotel ay agad na tinawag ng mga estudyante ang kanilang guro..  Nagmamdali namang ipinasok sa kwarto ang nawalan ng malay na babae ..  matatalim ang tingin ng mga kaibigan nito kay Alice ngunit di naman magawang lumapit ng mga ito..

Napabuntong hininga muli si Alice.. lalo pang dumilim ang makakapal na ulap sa kalangitan..            " ano ba ang maganda sa lugar na ito..?  kahit saan ako tumingin ay puro puno at kadiliman ang nakikita ko.. "   inis na sabi ni Alice habang nakamasid mula sa malalaking bintana ng Hotel na pinuntahan nila..

Tahimik niyang tinungo ang Elevator.. wala siyang balak na makinig sa pag dakdak ng guro niyang walang ibang ginawa kundi ang mag sermon at magsermon ng mga dapat at hindi dapat gawin sa Field Trip na ito..   

Ang pinaka ayaw niya ay ang pinagsasabihan at inuutusan siya ng kahit na sino.. !     "  Alice ! saan ka pupunta..?!!! di pa ako tapos makipagusap sa inyo..!!! bumalik ka rito..!!"  sigaw ng teacher nya.. napangisi si Alice.. nag patuloy siya sa paglalakad na para bang di naririnig ang pagtawag sa kanya nito..  

Agad naman sumunod ang teacher ngunit di rin nakaabot dahil sumara na ang pinto ng Elevator..  Pinuno ng tawa ni Alice ang maliit na kwadradong lugar na iyon.. kitang kita niya ang inis sa mukha ng kanyang teacher ngunit alam niyang di naman ito makaka angal sa lahat ng ginagawa niya.. 

Magkaibigang matalik ang kanyang ama at ang may ari ng school.. hawak niya ang leeg ng kanyang mga guro... ito ang pinaka gusto nya sa lahat.. ang pakiramdam na kayang kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay ang mga tao sa paligid niya..

Dahan dahang napahinto sa pagtawa si Alice ng biglang mag patay sindi ang ilaw sa Elevator.. patuloy ito sa pag akyat ngunit pakiramdam ni Alice ay anu mang sandali ay maari na itong dumausdos at tuluyang mahulog pababa.. 

"  Dominus Meus..."  nangilabot si Alice ng marinig ang malamig na tinig na iyon sa kanyang likuran.. pakiramdam niya ay sa mismong batok niya ibinulong ang salitang narinig nya..!

agad siyang tumakbo papunta sa sulok habang pilit na pilipindot ang buton para mabuksan ang pinutan ng Elevator..

"  Dominus Meus..."  lalo pang bumilis  at dumiin ang pag pindot ni Alice sa buton na iyon nang muling marinig ang mahiwagang tinig na iyon.. sigurado siyang  wala siyang kasabay nang pumasok siya sa elevator.. ngunit ramdam na ramdam ni Alice ang kakaibang presensya na kasama niya sa loob ng Elevator..

"  Dominus Meus..."  nanlaki ang mga mata ni Alice kasabay ng malakas na pag tili ng biglang mamatay ang ilaw ng Elevator kasabay ng malakas na pwersa sa biglaang pag hinto nito.. nawalan ng balanse si Alice bumagsak..

Tumama ang kanyang ulo sa pintong bakal ng Elevator.. sa lakas ng impact ay nagkagalos ang kanyang noo at bahagya itong dumugo.. napaupo si Alice at sumandal sa pinto habang hawak hawak ang dmudugo niyang noo..

"  Dominus Meus..."  lalo pang nagsumiksik si Alice nang unti unting mag karoon ng dalawang pulang ilaw sa kabilang panig ng madilim na Elevator.. paulit ulit rin naririnig ni Alice ang sinasabi nito ngunit di niya maintindihan.. masyado siyang natakot ng pulang ilaw na iyon..

" Tumigil ka ..! layuan mo ako..!!! tumigil ka..!!!!!" malakas na sigaw ni Alice kasabay noon ay  ang tuluyang pagkawala ng kanyang malay.. unti unti siyang bumagsak ngunit maagap na nasalo ng bisig ng isang lalaki mula sa Dilim..

"  Dominus Meus..."  dahan dahang ngumiti ang lalaki habang iniaangat ang namumutlang mukha ni Alice.. puno ng luha ang mga mata nito at masuyo itong pinunasan ng lalaki habang dahan dahang ngumiti.. 

" Sa wakas natagpuan na kitang muli.. Master.." nakangiting sabi ng lalaki kasabay ng paghalik sa nakaawang na labi ni Alice..

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon