Chapter 17: Truth behind Xander

830 27 1
                                    

Naging maayos naman ang buong linggo ni Alice  kahit pa nga laging nakatanghod sa kanya ang bago niyang kaklase na si Xander..   naiirita siya sa kakasunod nito pero bahagya ding nalilibang dahil parang kasama parin niya ang kanyang cute na tuta dahil dito..

kapag tanghalian ay lagi itong nakikikain sa baon nya kaya naman nakasanayan na rin niyang padala sa maid ng extra na lunch box.. pinagtatabi nito ang mesa  at kumakain paharap sa kanya.. ang totoo ay natutuwa na rin siya sa presensya nito dahil simula ng dumating ito ay lagi na siyang may kasama,,

" kaya lang naman dikit ng dikit sa kanya si Xander dahil binibigyan nya ng baon..! ang cheap nya grabe..!" inis na parinig ng isa.. takang napalingon naman sa mga ito si Xander habang tahimik na ipinagpatuloy ni Alice ang pag nguya sa kinakain..

"  Nakakabawas ng kagandahan sa isang babae ang pang hahamak sa kapwa.."  nakangiting sabi ni Xander sa mga babae na iyon.  agad namang namutla ang mga ito at tahimik na bumalik sa pagkain.. 

Lihim namang napangiti si Alice dahil sa sinabi ni Xander.. first time in a long time since umalis si Clarence ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng savior...   kibit balikat namang muli nitong itinuloy ang pag kain habang pasulyap sulyap naman si Alice..

Hapon na ng matapos ang klase, Magkasabay silang lumakad palabas ng gate ni Xander . isa sa mga gusto nya kay Xander ay ang pagiging tahimik nito.. di ito pumuporma sa kanya, ni hindi nito tinatanong kung ano ang number nya o kung saan siya nakatira.. ok na para dito ang sumunod ng sumunod sa kanya ..

" saan ka ba nakatira Xander..?"  takang tanong ni Alice habang mahigpit ang hawak sa strap ng kanyang bag.. pulang pula ang kanyang mukha at malakas ang kabog ng dibdib.. bahagyang lumingon sa kanya si Xander parang may gusto ito sabihin na hindi naman masabi sabi.. 

Naiilang tuloy si Alice sa paraan ng pag tingin nito sa kanya..   "  Kung mangangako kang di mo ako iiwasan sasabihin ko ang lahat sayo Master.."  malungkot na sabi nito habang nakayuko.. Bahagyang naawa naman si Alice sa lalaki dahil sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito..

" kung ipaliliwanag mo ng maayos sa tingin ko naman ay di ko na kailangang iwasan ka pa.."   alanganing sabi ni Alice sa lalaki.. agad naman itong lumingon sa kanya habang dahan dahang ngumiti ..

" pangako..?!    pangako ..?!"  tila batang sabi nito habang nakahawak sa magkabila niyang balikat.. naiilang na tumango si Alice..   kitang kita naman ang tuwa sa mukha ng lalaki habang mahigpit siyang niyakap..   

natatawang itinutulak niya itong palayo, mangiyak ngiyak pa ito habang nakangiti..  " sira ulo ka talaga Xander.. umuwi ka na nga .." natatawang sabi nya sa lalaki bago mabilis na sumakay sa sasakyang kanina pa nakaabang sa kanya.. 

Kumaway kaway naman si Xander habang nakatingin sa lukuran ng sasakyan.. lihim na napangiti naman si Alice habang nakatingin kay Xander mula sa bintana..   " sira ulong lalaki.."  natatawang komento nya..

Kinagabihan ay pakanta kanta pa si Alice habang nakababad sa bathtub.. namumula ang kanyang pisngi sa tuwing naalala si Xander..  pilit nyang pinipigilan ang kilig na nadarama, ngayon lang siya ulit naging ganito kasaya...  

" ang cute cute mo talaga Xander...!" gigil na sabi ni Alice habang kinukurot ang ilong ng tuta na nakasampa sa gilid ng bath tub.. panay ang pagtahol nito habang kumakawag ang buntot..   di tuloy malaman ni Alice kung ang Xander na tuta ba o ang Xander na kaklase nya ang sinasabihan nya ng cute.....maya maya ay umahon na si Alice at nagbihis.. nagpaikot ikot siya sa kama habang mahigpit ang yakap  sa unan..

Maya maya ay nakatulog na rin si Alice matapos mapagod sa kakatili at gulong sa kama.. nang mga panahon na iyon ay muling nagkatawang tao ang tuta  at nanatiling nakamasid lang kay Alice.. nangangamba na baka iwasan siya nito sa oras na malamannito  ang katotohanan..

" pinangako mo na di mo ako iiwasan.. sana ay tuparin mo iyon master.."  malungkot na sabi ni Xander habang isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ni Alice..

Ngunit tila sinasadya.. naalimpungatan si Alice at takang lumingon sa lalaking nakayakap sa kanya.. nagkatinginan pa sila ni Alice bago ito napabalikwas ng bangon at binuksan ang lamp shade..  napaupo sa sahig si Alice habang di magawang magsalita sa sobrang gulat..

gumulong naman papunta sa kabilang parte ng kama si Xander habang binuksan din ang lampshade sa tabi nito.. pareho silang nakaupo sa sahig na napapagitnaan ng puting kama..

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon