" Nangako kang di ako iiwasan sa oras na sabihin ko ang lahat.. master , nangako ka.." malungkot na pigil nito kay Alice.. tinangkang sumigaw ni Alice ngunit walang boses na lumabas mula sa kanyang bibig.. pumikit siya habang pilit na pinapayapa ang pag hinga..
" Xander.. bakit ka nandito.. hindi ko maintindihan.." garalgal na sabi ni Alice habang pilit na pinaglalabanan ang takot.. ang damit sa terrace.. ang pag yakap sa kanyang bewang at paghalik sa kanyang batok.. ang lahat ng ito ba ay si Xander ang may gawa..?
" ikaw ang nagdala sakin dito Master.. ako ito si Xander.." malumanay na sabi ni Xander habang nakayuko.. ni hindi niya magawang tignan sa mga mata si Alice.. natatakot siyang makita ang takot sa mga mata ng kanyang master..
Mariing pumikit si Xander kasabay ng malalim na pag buntong hininga.. " ako ang tuta na pinangalanan mo bilang Xander.. sa gubat ay sinabi mong pag mamay ari mo na ako at ikaw na ang mag aalaga sa akin.. " natigilan sa pagsasalita si Xander ng biglang tumawa si Alice..
" sira ulo ka talaga Xander anong pinagsasabi mo.. umalis kana sa kwarto ko kung ayaw mong tumawag ako ng pulis.." nakangiti at tumatawa si Alice ngunit ramdam ni Xander ang takot nito sa kanya.. lalo siyang nakaramdam ng lungkot..
" kung magpapalit ako ng anyo sa harap mo paniniwalaan mo na ba ako..? " malungkot na sabi ni Xander.. tumitig lang sa kanya si Alice kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon..
Marahan siyang sumampa sa kama,, napasinghap pa si Alice ng mapasinsin nito ang kahubdan niya , unti unti siyang nagbago sa harap nito hanggang sa maging tuta na nakaupo sa malambot nitong kama..
Nanatiling naka titig si Alice kay Xander na para bang di nag register sa utak nya ang nasaksihan. tahimik na nakaupo si Xander habang nakamasid kay Alice.. maya maya at tumayo na ang tuta habang kumakawag ang buntot.. tumalon siya papunta sa kandungan ni Alice..
Agad namang nag panic si Alice at malakas siyang tinabig .. tumilapon ang tuta at tumama sa bakal ng sliding door.. tila natauhan naman si Alice at tinignan ang nakatagilid na tuta.. umuungol ito na para bang nasasaktan habang pilit na tumatayo ngunit nagpapagewang gewang..
Tahimik na lumingon sa kanya ang tuta.. umuungol parin ito na para bang nasasaktan habang nagpupumilit na tumayo.. umiling iling ito na para bang aso na nagtutuyo ng kanyang balahibo mula sa pagkakabasa ng tubig.. gumewang ito ng bahagya ngunit maya maya ay nagawa nang tumayo ng maayos..
Nanatiling nakatulala lang si Alice sa tuta.. di parin makapaniwala na ang tutang inalagaan ay nagiging tao.! " hindi ka tao..!" bulong ni Alice habang nakatingin sa tuta na humahakbang palapit sa kanya..
Natigilan naman ito sa paglakad at muling lumingon sa kanyang mukha.. maya maya ay umatras na ito at tumakbo papunta sa Terrace sa isang iglap ay tumalon ito mula sa siwang ng bakal.. napatayo naman si Alice at agad na tumakbo palabas ng mansyon..
Panay ang pagpatak ng kanyang luha habang malakas ang kabog ng kanyang dibdib.. pumunta siya sa likod kung saan tumalon ang tuta ngunit wala na ito maliban sa ilang bahid ng dugo sa damuhan.. " Xander.. im sorry.." umiiyak na sabi ni Alice habang palinga linga upang hanapin ang tuta..
Agad siyang tumakbo papunta sa mga puno at halaman ng makarinig nang kaluskos mula doon.. pilit niyang inaaninag ang tuta mula sa kadiliman.. " Xander im sorry.. nasan ka na..?" umiiyak na sabi ni Alice habang palinga linga..
Maya maya ay nakarinig siya ng ungol ng tuta na para bang nanghihina na .. pilit niyang inaninag ang dilim at laking tuwa niya ng makita ang tuta na pilit na naglalakad palayo.. umiiyak na binuhat niya ito at niyakap.. " im so sorry Xander.. sorry." umiiyak na sabi ni Alice..
nagsumiksik naman sa kanyang leeg ang tuta habang dinilaan ang kanyang pisngi.. napangiti na ng bahagya si Alice habang pinupunasan ang luha gamit ang likuran ng palad.. naglakad siya pabalik sa mansyon na tanggap na ang totoong anyo ni Xander..
BINABASA MO ANG
Blood Compact (Editing)
Fantasy" bakit ka umiiyak..?" tanong ng batang lalaki sa prinsesa.. dahan dahang lumingon sa bata ang Prinsesa.. agad na namula ang mukha ng bata ng makita ang napaka gandang mukha ng prinsesa.... ni hindi nakabawas sa kagandahan nito ang pag luha. " nalul...