Chapter 28: LoveHate

744 24 2
                                    

"Master… " alanganing untag ni Xander kay Alice na naglalakad sa kanyang unahan papasok sa kanilang classroom…

Lumingon lang ng bahagya si Alice sa kanya bago nagsalita… "huwag ka ng mag alala …ako nang bahala." Tipid nitong sagot bago buksan ang pinto… tahimik naman siyang sinundan ni Xander

Mga nagbubulungang mga kaklase ang sumalubong sa dalawa ng makapasok na sila sa classroom… iritableng inilapag ni Alice ang kanyang bag sa mesa at saka umupo habang hawak ang cp…

"Nandyan ka na ba...?? " malamig na tono ni Alice sa kausap sa cp.. napalingon naman sa kanya si Xander na nagtataka..      " ok sige…"  muling sabi ni Alice pagkatapos ay tinapos na ang tawag at inilagay na sa bulsa ng palda ang cp…

"Dito ka lang Xander… estudyante ka na ngayon… mag take down notes ka para makopya ko mamaya…  " nagmamadaling sabi ni Alice bago lumabas ng classroom..

Naiwan naman si Xander na seryoso ang mukha at di mababakasan ng kahit anong emosyon.. naglapitan na ang mga babae sa kanya ngunit wala ni isa sa mga iyon ang binigyang pansin ni Xander.. nanatiling mahigpit ang hawak sa ballpen habang nagtatangis ang bagang..

"As promised nandito na ako… siguro naman di mu babaliin ang ipinangako mo…" malamig na sabi ni Alice pagkabukas palang ng pinto…

Napangiti naman ang binata na nakaupo sa malaking mesang narra ng chairman na may ari ng eskwelahang iyon… patay ang aircom at bukas ang bintana…masuyong hinahampas ng hangin ang kulay mais nitong buhok. Kitang kita ang galak sa mga mata ng lalaki ng masilayan ang mukha ni Alice na ilang taon na niyang kinasabikang muling makita..

"Syempre naman… lagi naman akong tumutupad sa pangako ko… ako ng bahala sa papeles ng playmate mo… sino nga ba yun…? XANDER..?  "  nakangiting sabi ng lalaki ngunit bakas ang galit sa mga mata..

"Diba ang usapan natin ay di ka magpapakita sakin hanggat di kita hinahanap… so why are you here…?" Nakangising sabi ni Alice bago umupo sa sofa na katapat ng mesa,   malakas naman ang naging pag tawa ni Clarence..

"Cold as ice… tsk tsk wala paring pinagbago… dear, " pang aasar pa ni Clarence.. lalo namang nairita si Alice at padabog na naglakad papunta sa pinto..

"Sa oras na buksan mo ang pinto… the deal is off. Di ko na ipapatransfer ang playmate mo.. you wouldnt want that right.?"  Nakangiting sabi ni Clarence..

"Xander is my friend. Wag mong haluan ng malisya ang kung anu mang meron samin.."  mahinang sabi ni Alice habang nakatingin sa binata..

Bigla namang kumunot ang noo ni Clarence.. " friend…? Sinabi mo rin ang katagang yan bago mo ako ipagtabuyan palayo..  "

Nag iwas naman ng tingin si Alice sa binata.. "you know why Clarence… nakakasakal na ang obsession mo… " malungkot na sabi ni Alice…

" Im just protecting you Alice…  like I always do… i love you as a friend and even more…  " nakangiting sabi ng lalaki bago tumalikod at nagtungo sa bukas na bintana…

" inilayo mo sakin ang lahat ng mga kaibigan ko… tinakot mu sila in ways na di ko akalaing magagawa mo… Ive always seen you as a gentle and loving boy… pero nagkamali ako… dahil sayo wala ng lumapit at nakipagkaibigan sakin…nabuhay ako nang malungkot at nag iisa ng ilang taon…!! " gigil na sabi ni Alice habang pumapatak ang mga luha...

" Im the same as that boy you thought I am… keeping you from harm makes me brutal… " malungkot na sabi ni Clarence habang nakalingon kay Alice…  tinangka nyang lumapit sa dalaga ngunit napahinto ilang dipa mula dito…

"You know I hate it when I see you cry… please stop Alice… you were crying when I was leaving… it makes me wonder if its tears of joy.. "  pilit na ngiti na sabi ni Clarence..

Agad namang pinunasan ni Alice ang kanyang mga luha.. " yeah … masaya ako ng umalis ka Clarence … i hate you…"   lumuluhang sabi ni Alice… napangiti naman si Clarence at yumakap sa kanya…

"I know dear, i love you too.." nakangiting sabi nito habang hinahagod ang likod ni Alice.. lalo namang umiyak si Alice habang mahigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng damit ni Clarence..

Lunch break..

"Bakit di ka pa kumakain…? Tara sabay ka na lang samin..!"  Nakangiting sabi ng isa sa mga kaklase nila..  panay ang pag papa cute nito habang tahimik lang na nakapangalumbaba si Xander habang nakatingin sa salaming bintana...

" wag mo nang hintayin si Alice… malamang kasama nun yung anak ng chairman" nakatawang sabi ng babae habang dahan dahang pinipisil pisil ang magkabilang balikat ni Xander..

Unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Xander.. mula sa walang emosyon ay unti unting nagtangis ang kanyang bagang at naningkit ang mga mata na unti unting nagiging pula..

Nakaramdam ng kilabot ang mga babaeng nakapalibot kay Xander bagaman di nila sigurado kung tama ba ang nakita nilang pagbabago ng kulay ng mga mata ng lalaki..  nanatiling nakapangalumbaba si Xander habang nakatitig sa bintana..

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon