Chapter 31: Underneath his clothes

760 24 2
                                    

" Master .. huwag mo akong tulugan.."  nakatawang untag ni Xander kay Alice na nakapikit habang nakapangalumbaba..  bahagya namang napamulat ng mata si Alice na agad din nanlaki nang mapansin niyang ga hibla na lang ang layo ng kanilang labi...

Dahan dahan namang ngumiti si Xander at unti unting pumikit nang maglapat ang kanilang labi.. agad namang lumayo si Alice na pulang pula ang mukha .. ngumiti lang si Xander at nagsalita.. " tanggal na ba ang antok mo Master..?" 

Namula namang lalo si Alice habang hawak hawak ang mainit init na labi.. nangalumbaba naman sa maliit na mesa si Xander sa tapat ni Alice..  malalim na ang gabi at maaga pa ang pasok nila kinabukasan.. 

May exam sila at kailangan mag review ni Xander dahil napakaraming lesson ang ngayon lang niya natutunan.. Fast learner naman ang lalaki ngunit para sa isang isinumpang lalaki na naging rebulto at namalagi sa bundok mahabang panahon.. given na naman siguro na di ignorante siya pagdating sa makabagong teknolohiya..

" Pervert ka talaga..!" inis na sabi ni Alice matapos makahuma mula sa pagkabigla .. lalo namang ngumiti si Xander at iniabot sa kanya ang notebook .. tinignan naman ito ni Alice, namangha siya sa husay ni Xander pagdating sa calculation.. 

Mahirap na math problem ang ibinigay nya sa lalaki at binigyan niya ito ng 10 mins para sagutan.. muka namang bago umabot ang oras ay nagawa na nitong sagutan ng tama ang equation na katuturo palang nya sa lalaki..

marami pa siyang itinuro sa lalaki at tahimik naman itong nakinig.. ang totoo ay natutuwa siya sa pinakikita nitong determinasyong makibagay sa mundong ginagalawan niya.. di ito nanatili sa pagiging inosenteng lalaki na magsusuot ng panjama papuntang eskwelahan..

" Xander.. ? " nahihiyang bulong ni Alice sa lalaki na abala sa pag mememorize ng table of elements..  napalingon naman sa kanya ang lalaki habang nag hihintay ng sasabihin nya.. nakaramdam naman ng hiya si Alice at yumuko na lang..

" ano ang sasabihin mo Master.. ?" takang tanong ni Xander .. hinawakan niya ang kamay ni Alice at bahagya itong pinisil.. ramdam ni Xander ang mabilis na tibok ng puso ni Alice.. ramdam niyang kinakabahan ito..

" gusto kong makita.. " nahihiyang sabi ni Alice.. nakayuko ang babae habang pulang pula ang magkabilang pisngi..   dahan dahan naman siyang ngumiti at inabot ang baba ng babae at bahagya itong itinaas upang magpantay ang kanilang tingin..

" ngayon na..?"  tanong ni Xander kay Alice..  tila nahihiyang tumango naman ang babae.. muling ngumiti si Xander at nag sabi.. "  Sige.."

Tumayo siya sa harapan ni Alice at nagsimulang mag tangal ng botones ng pantulog na suot..  nanatiling nakatitig siya sa mukha ni Alice na nahihiyang tumingin sa kanya.. " Master.. tignan mo ako.."  malumanay na sabi ni Xander kay Alice..  lalo namang namula ang pisngi ni Alice ngunit maya maya pa ay nakuha na ring tumingin sa lalaking naghuhubad..

Maya maya pa ay lumapit na si Xander at kay Alice.. halata ang pagkagulat kay Alice ng mapansin ng babae na lumaki na ang dating maliit at cute na tuta na kasabay nyang maligo..  mas malaki pa ito sa normal na laki ng isang aso.. 

Umupo ito paharap sa kanya at halos abutan na siya nito sa taas gayong nakatayo na siya.. hinagod nya ang ulo nito.. itim na itim ang balahibo nito na mabango at malambot..pumikit naman ito at lalo pang isiniksik ang ulo sa katawan ni Alice.. 

Nabigla naman si Alice at napaatras ng bahagya..dahil dito ay nawalan siya ng balanse at nadulas.. paupo siyang bumagsak sa malambot na sofa , sumampa sa tabi niya ang malaking aso at lalo pang nagsumiksik sa kanyang katawan.. 

Nakiliti naman si Alice na patuloy sa pag tawa at pag iwas hanggang sa mapahiga na siya sa sofa.. natigilan si Alice nang muling magpalit ng anyo si Xander at ngayon ay nakadagan sa kanya..  nakatitig ito sa kanyang mga mata ngunit si nagsasalita..

Nailang naman si Alice dahil sa sobrang katahimikan.. tinangka niyang bumangon ngunit pinigilan siya ni Xander sa pamamagitan ng halik na wala siyang nagawa kundi ang tugunin.. ramdam na ramdam ni Alice ang init ng katawan ni Xander at para itong ningas na nagpapaliyab sa apoy ng kanyang katawan..

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon