Chapter 12: Xander Servus

873 32 2
                                    

Tahimik na nakatingin mula sa bintana ng classroom si Alice.. pinili niyang maupo sa pinakasulok na bahagi ng classroom katabi ng bintana..  pakiramdam nya ay mas magandang tignan ang pag hampas ng mga dahon ng puno kaysa makita ang mga mukha ng mga kaklase niyang Demonyita ang tawag sa kanya..

Panay naman ang kwentuhan ng mga ito habang ipinaparinig sa kanya kung gaano naging masaya 'daw' ang Field trip ng wala na siya,.. pinabayaan na lang niya ang mga ito dahil talagang wala siyang ganang makipag away ngayon..

Nakakaramdam siya ng lungkot.. di pa man nag uumpisa ang klase ay parang gusto na niyang umiwi at makipag laro nalang sa alaga nyang tuta.. bakit ba kasi kailangan pa niyang mag aral..? eh di hamak na mas mataas ang IQ nya kesa sa mga teachers nya.. siya pa  nga ang madalas na mag correct ng pagkakamali ng mga ito sa pagbibigay ng solution sa Math problem..

Muling napabuntong hininga si Alice.. di naman niya kailangang mag aral at mag trabaho dahil sobra sobra na ang kayamanan ng daddy nya para mabigyan ng magandang kinabukasan siya at ang magiging apo ng apo nya.. hindi nya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang mag tiis sa mag hapong  pag susulat at pag sosolve ng algorithm na hindi naman magagamit ng mga tao sa pamamalengke o pag shoshopping..! 

Sa sobrang pagkapraning ni Alice sa kakareklamo di na niya namalayan na pumasok na pala ang guro nila para sa unang subject..  panay parin ang pagtulala niya sa labas ng bintana at ni hindi pinakikinggan ang sinasabi ng kanyang guro..

" Hello I'm Xander Servus.. "  nakangiting sabi ng lalaki habang nagkakamot ng ulo..  iritable naman ang mga kalalakihan na nakatingin sa lalaki sa harapan katabi ng teacher.. Lalo pang nag init ang kanilang ulo ng mapansin ang kababaihang kulang nalang ay mag hugis puso ang mga mata habang nakatingin sa lalaki sa harapan..

Panay naman ang pagpapacute ng mga estudyanteng babae kay Xander habang nagsisikuhan ang mga ito at  pula ang mga mukha.. nakasimangot naman ang mga lalaki na nasapawan.. 

Matangkad ito at maganda ang pangangatawan.. simpleng puting longsleeve at itim na slacks ang soot nito ngunit talagang nag uumapaw sa sex apeal.. kakaiba din ang medyo matalas nitong mga mata na itim na itim ngunit mahahaba ang pilik mata. matangos ang ilong nito at manipis ang mapupulang labi.. may kahabaan ng bahagya ang itim na itim nitong buhok..  nakatsinelas pa ito ng pang bahay na kulay pink at walang kahit anong dalang bag..

" sigurado ka bang transferee ka..? wala ka man lang uniform at bag.. tignan mo ni wala ka ring sapatos..!"  inis na sigaw ng lalaki na Escort ng classroom.. mukang nakaramdam ito ng kakompitensya sa katauhan ni Xander..

Nagpilit sa tawa naman ang mga kalalakihan habang inis na nakairap sa kanila ang mga babae.. si Alice..?  ayun nakatingin parin sa bintana at walang pakielam...  "  pasensya na kayo.. ito lang kasi ang nakita kong matinong damit .. naisip ko na baka hindi ako papasukin kapag nakahubad ako.. "  nakangiting sabi ni Xander .. 

" Hindi ka dapat pinapasok kase wala kang uniform.. mas mabuti siguro maghubad ka nalang..!"  pang aasar pa ng isang lalaki.. nag tawanan muli ang mga kalalakihan habang pinaghahampas na sila ng note book ng mga babae..

Bahagyang napakunot ng noo si Xander at tumingin sa teacher na sinasaway ang kanyang mga pasaway na mga estudyante.. maya maya ay ngumit siyang muli at nag salita.. "  sigurado ba kayong gusto ninyong maghubad ako .? "  nakangising sabi ni Xander sa mga lalaki na pinagtatawanan siya..

Natahimik naman ang mga ito at tumingin sa mga kaklase nilang babae.. pulang pula ang mga mukha ng mga babae habang titig na titig kay Xander.. bahagya pang lumunok ang iba habang napakagat labi ang ilan.. muling ngumiti si Xander at inumpisahang tangalin ang pagkakabotones ng longsleeve na soot habang mapang akit na nakatingin sa mga babae ..

Pati ang guro ay napatakip ng bibig habang pilit na nilalabanan ang paglingon kay Xander na bukas na ang lahat ng botones ng damit.. nakangiti parin ito na inosenteng inosente na para bang wala siyang ginagawang di tama.. 

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon