Chapter 7: Itim na Tuta

941 51 6
                                    

" nakita nyo ba iyon.. tinulak nya si Mam..!" gigil na bulong ng isa.. tahimik na nilampasan na lang sila ni Alice.. wala siyang panahong makinig sa mga masasakit na salitang sinasabi ng mga ito..

" ni hindi man lang siya makikitaan ng pag aalala sa mga kaklase nating napahamak dahil sa paghahanap sa kanya..! walang konsensya..!" galit na bulong ng isa pa..

" ni hindi man lang nga nag sorry kay Mam samantalang inabot ng madamag sila mam sa paghahanap sa kanya..! nakakainis..!" gigil na dagdag ng isa..

Napabuntong hininga si Alice.. Wala man lang bang ni isa sa mga kaklase niya ang magtatanong kung ayos lang ba sya.? kung kumain na ba sya at kung bakit punit punit ang damit nya..? malakas na batok ang nagpahinto sa paglalakad ni Alice papunta sa Elevator..

Dahan dahan siyang lumingon .. kita naman ang pamumutla ng babae ngunit pilit nitong nilalabanan ang takot sa kanya.. " Wala ka ba talagang konsensya.? pinag alala mo si Mam. napahamak ang mga kaklase natin dahil sa paghahanap sayo .. tapos ngayon bigla kang babalik nang parang walang nangyari..?' sigaw nito kay Alice..

Marahang humarap si Alice sa babae habang unti unting humihigpit ang pagkakayakap sa tutang akap akap..   " subukan mo pang ulitin ang pambabatok mo sakin sisiguraduhin kong pagsisisihan mo.."  mahinang sabi ni Alice habang nakatitig sa mga mata ng babae na bumatok sa kanya.. 

Bahagyang napaatras ang babae ngunit pilit na nag tatapang tapangan..   " Ganyan ka naman eh.. ginagamit mong panakot yang pera mo.. !"  sigaw ng babae... napangisi lang si Alice sanay na sanay na siya sa mga gantong sitwasyon..  tinalikuran na niya ang babae at hinintay ang pagbukas ng elevator..

Hanggang sa makasakay sa elevator ay nanatiling tikom ang bibig ni Alice.. mariing nakapikit ang kanyang mga mata habang mahigpit ang yakap sa tutang hawak hawak.. pilit namang inaabot ng tuta ang kanyang mukha, nagsumiksik ito sa kanyang Leeg habang pilit na dinidilaan ang kanyang pisngi..

Bahagya siyang napangiti habang sinasaway ang makulit na tuta..   " salamat dahil nandyan ka para sakin.."  nakangiting sabi ni Alice habang hinahalik halikan ang ilong ng tuta .. tumahol tahol naman ito na  para bang naiintindihan nito ang sinasabi ni Alice..

Nang makapasok sa kwarto ay dali daling humiga si Alice sa malambot nyang kama.. tumalbog talbog sa kutson ang tuta na panay ang pag kawag ng buntot.. kinakalmot nito ang buhok ni Alice habang hinihila gamit ang pag kagat .

Nauwi sa malakas na pag tawa ang kanina ay papatulong luha ni Alice.. masaya niyang tinalukbungan ng kumot ang tuta.. panay ang pagtahol nito habang pilit na humahanap ng malulusutan.. 

tumayo na si Alice at nagsimulang mag hubad ng damit habang naglalakad papunta sa c.r .. pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang hubad na katawan.. " sigurado akong nahulog at nagpagulong gulong nang madulas ako sa gubat.. ramdam ko rin ang pagkapaso ng aking braso nang matapunan ako ng kape.. "  kunot noong tinignan ni Alice ang kanyang braso..

" pero bakit ni isang gas gas o lapnos ay walang bakas sa katawan ko..? nakakapagtaka naman..  Naagaw ng tahol ng tuta ang pag iisip ni Alice.. bahagya siyang nailang sa paraan ng pagkakatingin ng tuta sa kanya..

nakatayo ang mga tenga nito habang nakaupo at tagilid ang mukha na para bang nagtataka kung bakit siya nakatingin sa salamin..    " anong masasabi mo sa katawan ko.. maganda ba.?  alangan sa edad ko hindi ba.. para akong bata na natrap sa katawan ng dalaga..?"  nakangising sabi ni Alice sa tuta na nakatingala sa kanya..

nanatiling nakaupo ang tuta habang nakatitig sa kanya.. maya maya ay nag tatahol ito habang nag kakawag ng buntot.. malakas na natawa si Alice..   "  gusto mo bang samahan akong maligo..?"  nakangiting sabi niya sa tuta.. 

Nagmamadaling nagtatakbo palabas sa C. R ang tuta na agad namang hinabol ni Alice.. panay ang pag tawa ni Alice dahil di niya mahabol habol ang tuta dahil sa liksi nitong kumilos..  " huli ka..!!!"  mabilis niyang dinamba ang tuta na sumisiksik sa sulok ng kabinet..

panay ang ungol ng tuta na para bang kinakatay na kaya naman panay ang pag tawa ni Alice habang inilulubog sa bath tub ang tuta.. maya maya ay sinaluhan na niya ito habang mukang nag enjoy na rin ang tuta sa pag langoy langoy ..

Nakalimutan ni Alice ang lahat ng lungkot dahil sa cute na tuta na kasabay nyang naglublob sa bath tub.. 

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon