Chapter 9: Kasing lamig ng Yelo

964 40 4
                                    

Di pa lumulubog ang araw ay lulan na ng sasakyan si Alice..  tinawagan niya ang daddy nya at nagpasundo , di na niya kinailangan mag sumbong dahil lalo lamang lalaki ang problema..  tahimik siyang sumakay ng sasakyan habang buhat buhat si Xander..

Panay naman ang pag bubulungan ng mga kaklase nya.. kitang kita ang galit at inggit ng mga ito habang nakatingin sa magarang sasakyan na pagmamay ari ng pamilya nila.. Napabuntong hininga na lamang si Alice habang nakasilip sa bintana.. 

" siguro naman ngayon ay wala nang magagalit sa akin .. ano sa tingin mo Xander..?"  malungkot na sabi ni Alice habang hinahaplos ang ulo ng tuta.. muli itong nagsumiksik sa kanyang keeg habang dinidilaan ang kanyang pisngi..

Bahagya siyang napangiti dahil sa makulit na tuta na hawak nya... " Lady Alice.. mas makabubuti siguro na iwan niyo na lamang dito ang tuta.. baka po may sakit iyan at mahawa pa kayo..."  mahinang sabi ng Driver.. 

Bahagyang nilingon ni Alice ang matandang lalaki.. matagal na itong naninilbihan sa kanila, mabait ito at mapagkakatiwalaan. maging ang mga anak nito at asawa ay katiwala din sa kanilang mansyon..   "  isasama ko si Xander kahit saan ako mag punta.. "  malumanay na sabi ni Alice sa matanda habang nakatingin sa maamong mukha ng tuta na hawak..

tumahol tahol ito at muling dinilaan ang kanyang pisngi.. nauwi sa pag bungis ngis ang kaninang ngiti ni Alice.

Malalim na ang gabi nang malabalik sila sa mansyon.. Napapalibutan ng ektaryang mga puno at halaman ang buong mansyon na nasa pinakasentro .. malawak ang hardin na may nag gagandahang bulaklak,   may malaking fountain  sa may bukana ng malaking pintuang Narra.. habang may malaking swimming pool na nahahati sa mababaw at lagpas tao na lalim sa likuran ng mansyon...

Matataas ang pader na napaaplibutan ng CCTV upang makaragdag sa seguridad ng mansyon.. Sinauna ang yari nito dahil minana pa ito ng kanyang Ama mula sa mga ninuno ... Yari sa marmol ang sahig habang makakapal ang pader at salaming dingding.. 

Luma ang desenyo ngunit magarbo at moderno ang mga kagamitan..  Centralized ang Aircondition sa buong lugar ngunit may kanya kanyang window type aircon sa bawat kwarto.. bawat kwarto lalo na sa master's bedroom at kay Alice na iisang anak ay may pinaka magarbong C.R..  

Tipikal na desenyong pang babae ang kwarto ni Alice.. ang tiles ay Maroon habang light pink ang ding ding.. malalaki ang sliding door na katugon ng malaking terrace .. makikita mula doon ang swiming pool na nasa likuran ng bahay at ang malawak na lupain na napapalibutan ng nagtataasang mga puno..

Malaki at malambot ang kulay puting kama na natatakpan ng comforter na pula.. carpet na kulay puti at kagamitang nababahiran ng puti at pula bilang kombinasyon..  malaki at malinis ang banyo.. kulay itim ang sahig habang light blue ang dingding..  nakadibisyon ang salaming dingding sa pagitan ng Shower/ bathtub  at toilet bowl... 

May malaking salamin na halos sakupin na ang buong dingding sa laki na katapat  naman ng pinutan sa shower.. nalalatagan ng Carpet ang ilang bahagi ng banyo habang nakalulula ang rangya ng buong lugar..

" Maligayang pag dating Lady Alice.."  masiglang bati ng mga kasambahay kay Alice.. yumuko ang mga ito bilang pagbati at pag galang.. ngumiti lang si Alice at nagpasalamat habang nag lalakad.. 

Mula sa itaas ng malaki at malapad na hagdang yari sa matibay na kahoy ay nakatayo ang kanyang ama.. ma awtoridad ang postura nito at di mababakasan ng anu man emosyon, simula ng mamatay ang kanyang ina ay tila nabalutan na ng yelo ang puso ng kanyang Ama.. ang totoo ay siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng mommy nya dahil di nito nakayanan ang pagsilang kay Alice..

" Good Evening Dad.. narito na po ako.."  malumanay na bati ni Alice sa kanyang ama.. kung may isang bagay na masasabi niyang nakuha niyang ugali ng kanyang daddy , ito ay yung kawalan niya ng emosyon.. isa rin ito sa dahilan kung bakit lagi siyang napagkakamalang masama ang ugali..

" magpahinga ka na sa iyong kwarto at magpapadala na lang ako sa kasambahay ng iyong hapunan.."  malumanay na sabi nito kasabay ng pagtalikod sa kanya ..  napabuntong hininga na lamang si Alice habang sinusundan ng tingin ang ama na naglalakad papunta sa kusina..

Marahan niyang inilapag ang tuta sa malambot niyang kama.. agad naman itong tumahol at nag kawag ng buntot.. di na lamang ito pinansin ni Alice na naglakad papunta sa Terrace.. bilog na bilog ang buwan at napakalamig ng simoy ng hangin gayong patay naman ang aircon..

" Sin lamig ng yelo ang pakikitungo ng lahat sa akin... lagi na lang ba ako mag iisa.?"  malungkot na sabi ni Alice habang nakatingin sa bilog na bwan,,.

Mula sa likuran ay unti unting nagliliwanag ang mga mata ng tuta.. unti unting nagiging pula ang liwanag na ito...

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon