Chapter 21: Walking Xander

873 30 3
                                    

Pinagtitinginan ng mga tao si Xander pagbungad na pag bungad pa lang nila sa pintuan ng mall.. nakaputing tshirt ang lalaki at cotton short.. naka tsinelas pa ito na kulay pink ngunit kataka takang lalaking lalaki parin ang itsura nito gayong damit niya 'ulit' ang soot ni Xander..

Nakahawak ito sa braso ni Alice na parang isang bata na natatakot na mawala.. namumula mula ang pisngi nito habang panay ang lingon sa lugar na para bang minimemorya ang bawat sulok ng malaking mall na iyon..

Lihim na napapangiti naman si Alice.. ito ang parusa nya kay Xander..!    " master.. umuwi na tayo, nakakatakot ang mga titig sa akin ng mga babae na iyon.. mas nakakatakot pa sa mga mababangis na hayup sa gubat.."  bulong nito kay Alice.. natawa naman si Alice at hinila papasok sa isang sikat na clothing line si Xander..

Agad siyang pumili ng damit para sa lalaki habang nagtatago naman ito sa likod niya.. panay naman ang pag papapansin ng sales lady na halatang nakursunadahan si Xander.. pilit namang ngumiti si Xander habang halatang kinakabahan dahil sa bagong lugar na kinalalagyan.. 

" Xander halika.." utos niya sa lalaki.. agad naman itong sumunod sa kanya papunta sa changing area.. hinawi niya ang makapal na kurtina at itinulak papasok ang lalaki..  " isuot mo iyan at pagkatapos ay lumabas ka para makita ko.. "  nakangiting sabi ni Alice habang iniaabot ang isang pares ng damit at underware.. 

Tumango naman ang lalaki at isinara ang kurtina... muling namili ng damit si Alice habang nakatanghod naman kay Xander ang sales lady.. maya maya ay napasinghap ang sales lady ng lumabas mula sa changing area si Xander.. 

Pinuntahan naman niya ang lalaki para sana iabot ang ilan pang damit na bibilin nya para dito.. bumagal ang kanyang pag hakbang nang matanawan si Xander soot ang damit na pinili nya para dito.. nakangiti ito ng alanganin sa kanya na para bang hindi sanay sa damit na soot..

Bagay na bagay dito ang damit na napili niya... lalong lumutang ang angking kisig nito dahil sa damit na iyon..  nakangiti niyang sinipat si Xander , pinaikot niya ito sa harap nya at pinatalikod.. nagtatakang sumunod naman ito sa kanya..   kilig na kilig naman ang sales lady na para bang nakakita ng artista..

" Miss.. kukuhanin na rin namin ito.. paki swipe nalang .."  iritableng sabi ni Alice sa babae na nakatanghod kay Xander.. tila nahimasmasan naman ito at namamadaling kinuha ang hawak ni Alice at nagbalik sa counter.. 

Lumapit naman si Xander at muling humawak sa braso ni Alice.. halata naman ang inggit sa mga mukha ng kababaihang nakakita sa ginawa ni Xander at lihim namang ikinatuwa iyon ni Alice..          " buhatin mo na iyan at sumunod ka na sa akin.."  utos ni Alice habang  nagmamadali namang sumunod sa kanya si Xander..

Pagkatapos ay pumasok sila sa katabing stall na nagbebenta naman ng mga sapatos at sandals.. ipinili niya na rin si Xander at bumili na rin siya para sa sarili.. marami pa silang pinuntahan at unti unti nang nagamayan ni Xander ang lugar.. mukhang nag eenjoy na rin ito sa kakalakad. 

Nang makapamili na ng lahat ng maaring kailanganin ng lalaki.. pumasok na sila sa isang sikat na restaurant.. agad siyang umorder sa waiter habang tahimik lang si Xander na binubutingting ang paper bag na pinamili niya para dito..

" Para akong matrona na nagpapagatas sa batang batang jowa .."  natatawang bulong ni Alice habang nakatingin kay Xander.. lumingon naman sa kanya ang lalaki at ngumiti..

" sabihin mo Xander.. paano ka nakapag enroll sa eskwelahan kung ni birth certificate ay wala kang maipepresenta.?"  takang tanong ni Alice kay Xander.. nakangiting ibinababa naman ni Xander ang paper bag at ipinatong ang dalawang braso sa mesa..   

" di ko alam ang sinasabi mo Master.. basta nalang ako pumasok sa classroom nyo eh.. sinunod ko lang ang sinabi ni Mam na magpakilala sa harap ng klase.."  nakangiting sagot nito kay Alice..

Natawa naman si Alice  " sinasabi ko na nga ba.. una palang duda na ako sayo.. lalo na ng sabihin ng chairman na galing sa operasyon ang transferee at dapat ay di pa makakapasok,,  ginulo mo ang classroom simula ng mapunta ka doon..!"  

Nagkamot naman ng ulo si Xander habang nakangiti.. " bukas ay kakausapin ko ang chairman.. gagawin nating legal ang transfer mo sa school at pag uwi mo mamaya ay bibigyan kita ng sariling kwarto.. "  malumanay na sabi ni Alice..

Nagulat naman si Xander at napasigaw..  " ayoko master..! gusto ko sa tabi mo matulog.. gusto ko din sabay tayo maligo.. katulad ng dati nating ginagawa..!"  seryosong seryoso ang pagkakasabi ni Xander habang napalingon naman ang mga nakaupo sa kalapit na mga mesa..

Pulang pula ang mukha ni Alice habang inis na hinablot ang tenga ni Xander..   " shut up you perverted puppy..!"  inis nyang sabi bago tumayo at mag punta sa C.R  sinundan lang siya ng tingin ni Xander na nagtataka parin kung bakit bigla nagalit ang kanyang master..

Blood Compact (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon