Nagmamadali sa paglalakad si Alice, nag aalala siya sa tuta na nag hihintay sa kanya mag hapon.. Nakahinga sya ng maluwag ng makita ang tuta na prenteng nakahiga sa kanyang kama..
Agad nya itong nilapitan at binuhat... "Xander nandito na ko… may uwi ako sayo…" nakangiting sabi nya sa tuta…
Agad naman itong tumahol at nag sumiksik sa kanyang leeg… panay naman ang pagtawa ni Alice dahil sa kiliti, naagaw ng ilang pirasong damit ang atensyon ni Alice...
Nakabalumbon ito sa lapag sa terrace.. takang nilapitan ni Alice ang damit, lalo siyang nagtaka ng makita ang isang puti na longsleeve at itim na slacks katabi ng kulay pink nyang tsinelas..
Agad siyang napatayo at tumakbo papasok ng bahay.. malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nanginginig ang mga kamay na inilock ang sliding door..
Nagmamadali nyang pinuntahan ang kabinet at kinuha mula duon ang arnis na gamit nila sa P.E... inilock nya ang pinto at saka iniligid ang mga mata upang hanapin ang akyat bahay..
Nanatili naman sa ibabaw ng kama ang tuta at tahimik na nakamasid kay Alice.. marahang pinuntahan ni Alice ang banyo.. dahan dahan nyang pinihit ang seradura at saka sumilip sa siwang ng bahagyang bukas na pinto...
Lalong kumabog ang dibdib ni Alice ng makitang basa pa ang bath tub at bahagya pang tumutulo ang shower.. mahigpit ang hawak ni Alice sa hawak na arnis habang mabagal na lumabas ng banyo...
Dahan dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama at biglaang sinilip ang ilalim ng kama.. wala siyang nakita maliban sa tutang abala sa pag ngat ngat ng damit..
Hinila ni Alice ang tuta mula sa ilalim ng kama saka ito binuhat… napangiti na si Alice ng makita ang nakabagsak na mga kahon ang isa ay wala ng laman…
"Pasaway ka Xander nginat ngat mo yung damit… e pasalubong ni Chairman yan para kay Daddy…" napapailing na sabi nito habang inangat ang puting longsleeve
"Masyado ata itong maliit para sa katawan ni Daddy…? Parang ka size ito ng katawan ni Clarence,, " bulong ni Alice.. bahagya syang natigilan ng maalala ang makulit na si Clarence…
Nang lingunin ni Alice ang tuta ay abala na ito sa pag kalkal sa pagkaing dala nya… natatawang sinaway nya ang makulit na tuta… nagtatahol naman ito habang kumakawag ang buntot…
Binuksan nya ang plastic at inabutan ang tuta… nagmamadali naman nitong kinain ang inabot ni Alice… "para kang yung bago kong ka klasmate… makulit at papansin…" nakatawang sabi ni Alice habang hinihimas ang ulo ng tuta…
Malalim na ang gabi at mahimbing na ang pagtulog ni Alice habang nakasiksik sa kanyang leeg ang tuta.. maya maya ay dumilat ito at muling nagliwanag ang pulang mata..
Tumayo ito at umupo sa may paanan ng kama.. maya maya ay bumaba na ito at naglakad gamit ang mga paa habang unti unting nagiging tao..
Tahimik nyang hinawi ang kurtina at pinagmasdan ang bwan na natatakpan ng makapal na ulap.. maya maya ay tinignan nya ang sarili sa repleksyon ng salamin... bumuntong hininga ang lalaki at muling sumalo sa kumot ni Alice..
"Ipinangako kong di kita iiwan , kapalit ay ang pangakong di ka na ulit iiyak... gagawin ko ang lahat para mapasaya ka sa araw araw mahal kong prinsesa.." bulong ng lalaki habang nakasiksik ang mukha nito sa leeg ni Alice...
Kinabukasan ay isa nanamang nakakatamad na araw ang palilipasin ni Alice.. mabibigat ang mga hakbang nya habang naglalakad papasok sa malaking gate..
Nakatawag ng pansin nya ang isang lalaki na pinagtatabuyan ng guard.. matamlay na nilampasan nya lang ang dalawang nag uusap..."may damit naman akong suot bakit bawal akong pumasok…? " inosenteng tanong ng lalaki sa guard..
Nilingon ni Alice ang galit na galit na guard.. namutla si Alice ng makilala ang lalaking ayaw papasukin ng guard... ang kaklase nyang baliw na nag huhubad.! Tinignan nya ang suot nito..
Agad niyang tinakpan ang bibig habang pinipigilan ang pag tawa.. namumula mula ang pisngi ng lalaki habang kunot ang nuo.. para itong bata na nagmamaktol dahil di pinapasok..
Sino ba namang magpapapasok sa kanya.. naka panjama pa ito na kulay pink .. halatang di sa kanya dahil bukod sa pambabae ang desenyo hapit at bitin dn ito sa katawan.! Naka tsinelas dn itong kulay pink.. di na napigilan ni Alice ang nararamdaman..
Malakas na tawa ang pinakawalan nya habang nilapitan ang lalaki at ginulo ang buhok na parang bata.. natameme naman ang lalaki at nanatiling nakatitig sa kanya...
"Pasensya kana guard… kaklase ko sya… wala pa syang uniform dahil kakatransfer palang nya… pupunta kami sa chairman para mag request ng uniform kaya kung pwede papasukin mo na sya…?" Mahabang sabi ni Alice habang pinipigilan ang malakas na pagtawa...
Tumango lang ang guard kaya naman hinila na ni Alice ang kamay ng lalaki at naglakad papunta sa opisina ng chairman...
BINABASA MO ANG
Blood Compact (Editing)
Fantasía" bakit ka umiiyak..?" tanong ng batang lalaki sa prinsesa.. dahan dahang lumingon sa bata ang Prinsesa.. agad na namula ang mukha ng bata ng makita ang napaka gandang mukha ng prinsesa.... ni hindi nakabawas sa kagandahan nito ang pag luha. " nalul...