Chapter 7

3.1K 151 18
                                    

Ikiniskis ni Jelyn sa isa't isa ang duguang mga palad habang nakatayo sa harap ng pinto ng operating room. Nakikita niya ang sarili sa salamin ng kambal na pinto at ang dungis-dungis na niya. Pati mukha niya ay may mga kalat-kalat ng dugo dahil sa kapupunas niya sa mga luhang walang patid ang pagpatak.

Ghaile is inside. The doctors had to conduct a surgery to remove the bullet from his lungs before both of it will collapsed totally. Kaya pala agad-agad na nawalan ng malay-tao ang binata, segundos lang pagkatapos tumagos ang bala sa likod nito. Pero kung wala ito na nakaharang sa kanya, malamang ay siya ang nasa loob o kaya ay nasa morgue sa ibaba.

Napansin nitong babarilin siya kaya iniharang nito ang sarili at ikinubli ang ulo niya sa dibdib nito. He protected her with his life. Tiningala niya ang umiilaw na karatula sa itaas ng pintuan. On progress pa rin. Halos tatlong oras na.

"Ghaile," kinapa niya ang dahon ng pinto at humagulgol. "Ghaile," sambit niya ng puno ng pagsusumamo, umaasang maririnig siya ng lalaki sa kabila ng mga dingding na nakapagitan sa kanila.

Naalala niya ang nakangiting mukha nito kaninang umaga. Ang pilyo nitong mga tingin. Ang panunukso nito. Ang mga sinabi nitong kahit kailan ay hindi niya inaasahang marinig. Mahal niya ito. Hindi niya iyon itinatanggi. At dahil mahal niya ito kaya ayaw niyang masayang ang damdaming iyon.

Dagli siyang umurong palayo sa pintuan nang magpalit ang ilaw sa itaas mula sa pula ay nagiging berde. Tapos na ang surgery. Hinahataw ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Paulit-ulit siyang umusal ng panalangin para sa kaligtasan ng binata.

Hindi na siya humihinga nang sabay na bumukas ang kambal na pintuan at iniluwal mula sa loob ang isa sa mga doctors na Amerikano. Pero hindi siya makapagsalita para magtanong. Biglang nag-cramps ang dila niya.

"He is not yet stable. He lost too much blood. He needs transfusion right away but we're afraid we don't have his type of RNA in our blood bank." The doctor relayed.

"W-what type?"

"AB negative."

Napasinghap siya. That's her blood type. "I'm AB negative. Please, give him some of mine."

"He is still lucky. He can be saved because of you. Come in and let's prepare for the transfusion."

Nagtungo muna siya sa non-restricted area ng operating room upang magpalit ng lab gown at ihanda ang sarili sa pagsasalin ng dugo niya kay Ghaile. Naglinis din siya ng alcohol at naghintay ng signal mula sa mga doctors.

Agad niyang dinakma ang binatang nakataob sa operating table, natatakpan ng masked intubation ang ilong at bibig. Suportado ng mga makina ang hininga. At ang bakas ng surgery sa likod nito ay katatapos lamang tahiin. Marahan niyang pinisil ang walang kulay at malamig nitong kamay.

"You saved me. Hayaan mong iligtas din kita."

One of the assistant doctors guided her to the other table next to Ghaile. Nahiga siya roon nang hindi iniiwan sa kanyang paningin ang lalaki. Kasabay ng pagbaon ng karayom sa kanyang balat papunta sa kanyang ugat ay ang kirot na tila kagat ng langgam.

Ilang segundos pa ay nag-umpisang dumaloy ang pulang likido sa maliit na tubo at tumatawid patungo kay Ghaile. She is wondering, if he suddenly opened his eyes and would tell her he is only pretending asleep. Hinding-hindi siya magagalit. Yayakapin niya ito at sasabihin niyang masaya siya na gumising ito. Basta gumising lang ito. Iyon ang hangad niyang makita.

"Infirmaria is requesting his immediate transfer. Director Lyam Andromida is on negotiation with the management now and they are sending a LearJet to pick him up. What do you think? Should we give up the patient to them?"

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon