Chapter 26

2.8K 133 12
                                    

Ghaile looked up to his wife at the rooftop of the house. She's waving a hand at them below while digging for the perimeter around the Sampaloc tree. Hindi na siya nag-iisip at ginawa na lang ang inutos ni Vladimir. Mababaliw siya kung papatulan ng utak niya ang tanong kung bakit ang buong puno at hindi lang ang bunga ang pinaglilihian ng asawa. Idadagdag pa ang kantiyaw na aabutin niya sa mga kapatid kapag nalaman ng mga ito.

He waved back and smiled. Vladimir roamed around to check the estimated distance of the perimeter from the tree, assuring that they had the perfect spots marking for ground drillling so most of the major roots won't be destroyed.

"Ghaile, move a little to the right!" sigaw ng kapatid habang sumenyas na i-usod niya sa kanan ang kulay dilaw na koldon.

Si Anton sa kabilang dako ay abala sa pagsaway sa mga kapitbahay na umuusyuso sa kababalaghang gagawin nila sa puno. Kulang na lang ay sisinturunin nito ang makukulit na mga bata na gustong lumapit. Pero lalo lang dumami ang mga nakikinood at may iba na nag-alok ng tulong.

They began digging the ground using the drilling machine. Not long after they've done, the back hue arrived to help. They've got to hurry and extract the tree before sun down. Na-contact na niya kanina ang apat na heavy lift helicopters. Walang ibang mabilis na paraan para maiuwi niya sa Gaia Laurel ang puno kung hindi sa pamamagitan ng helicopter yarding.

They've withdraw to the safer side with everyone else. Halos patapos na sa paghuhukay ang back hue at ang puno ay unti-unti nang bumibitaw ang kapit sa lupa. Kunti pa at tuluyan na iyong bumulagta. He moved quickly. Set the chokers on the tree and hooks on the end of a drop line.

Sakto ring dumating ang apat na helicopters na bawat isa ay kayang magbuhat ng 15, 000 pounds external load. Mabuti na lamang at malawak ang lupain kaya nakakagalaw sila ng maluwag. Ang kumpol ng mga tao ay itinulak ni Anton patungo sa loob ng bakuran.

Vladimir signaled the pilots to suspend the long line of wire ropes below the aircraft which chokers are going to be attached. Typically a 300 feet in length and the chokers are attached by the hooks with two slots.

Ang isa ay ginagamit upang mapaghandaan ang tinatayang bigat ng kargamento at ang iba'y upang ma-target ang pinakamainam na posisyon ng kargamento. Hinahayaan ng piloto na nakababa ang isang bahagi ng kawit upang umalalay kung ang kargamento ay masyadong mabigat.

"Leih, do you have the place ready for tree planting? I was sending you the photos." Kinausap niya ang bunsong kapatid na inutusan niyang maghukay para paglilipatan ng Sampaloc doon sa Gaia Laurel.

Umungol si Leihnard na parang sinusumpong na tuta. "Tree planting my ass! You and your wife are freaking crazy!" At pinatayan siya nito ng tawag.

He hit back the number but it was turned off. Hinanap niya ang numero ni Yamraiha.

"Katatapos lang namin maghukay. Nagpatulong na kami kina Skai at Rayven. Bilisan mo raw umuwi kasi maglalaga ng bala si Rayven at ipahihigop niya sa iyo ang sabaw"

"Give me that fucked," mula sa background ay narinig niya ang angil ni Rayven. "Dr. Sampaloc, siguraduhin mo lang na iyang itatanim namin ay pinaghihirapan mong bunutin. Galing mong mag-utos pagdating sa hirap, pero sa sarap moments niyo ng asawa mo, tinawag mo ba kami?"

Bumunghalit siya ng tawa na ikinatingin ni Vlad sa gawi niya. "Huwag nang tumahol, uwak. Gusto mong ilibre kita ng schedule kay Lyam para sa circum-size-zation? The bigger, the better, the harder, the fuck!"

"Tangena mo! Magkasing-laki lang tayo, huwag kang magyabang."

"Damn!" Napangiwi siya sa sakit nang pumito ang eardrum niya dahil sa matalas na humiyaw ito mula sa kabilang linya bago nagtapos ang tawag.

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon