Chapter 4

3.6K 180 16
                                    

Double, tempered and laminated glass where her faint reflection stared back at her. She is in her bedroom thinking things through. She had few weak attempts to call Vladimir with the intention to report what Ghaile had done. But her emotion is too overbearing. Her heart won't gave her mind the dominion to come up with the right decision for herself.

Mali ang tanong niya kanina. Paano na lang kung sinabi ni Ghaile na mamahalin siya nito kahit hindi naman nito gagawin iyon? Dehado siya. Hindi naman kasi obligasyon ng binatang sundin kung anong sasabihin niya.

Gayunpaman, gusto pa rin niyang tingnan ang good side nito sa kabila ng lahat. Hindi pa ganoon katagal mula nang maging bahagi siya ng malaking angkan kungsaan ito napabilang. Ngunit sa ikli ng panahon ay saksi siya sa mga nagawa nitong kabutihan sa ibang tao.

Ghaile Andromida is handling the magnitude of business department in Infirmaria. He is the strategist of that hospital empire ruling in the Asian Medical Field. The one responsible for the improvement and the fast expansion, bringing the hospital to a larger market. His skills isn't limited inside the operating room but even outside he heals broken spirit of those clients who can't afford the high-end and advanced medication.

Mahirap man o mayaman ay pantay ang matatanggap na proseso ng gamutan ayon sa bawat pangangailangan ng pasyente. Kung walang pambayad, sinasagot iyon ng foundation ng Infirmaria. Kung iisiping mabuti, itinayo ang higanteng pagamutan na iyon para sa mga dukha na walang kakayahang magpagamot sa mga pribadong hospitals.

And it was because of his effort that the foundation was there, growing vast until today. Balita nga niya, isa sa mga priority projects ngayon ng Infirmaria ang magtayo ng hospital dito sa Japan para sa mga OFWs. Kaya siya nakatanggap ng alok para sa Lumina na gagawing sentro ng Psychiatric department.

Huminga ng malalim ang dalaga. Heto na naman siya. Sa tuwing may kabalbalan na ginawa ang lalaking iyon ay parati siyang napupunta sa mga mabubuti nitong ambag sa lipunan para lang isalba ito mula sa panghuhusga niya. Hinawi niya ang buhok at isinabit sa tainga. Kinapa ang natitirang pares ng hikaw. Pagkuwa'y nagpasyang tanggalin na lamang iyon at itago.

Nagbihis siya.

May katatagpuin siya ngayon sa isang kilalang bar sa Jinzu. Isang kliyente na singer at kasalukuyang dumaranas ng matinding depression. Her client's name is Bellajane. Taga-Pangasinan. Isang taon na itong nagtatrabaho bilang singer. May kinakasama itong half-japanese. Pero nitong nakaraang buwan lang ay nakunan ito pagkatapos ipagpalit ng nobyo sa ibang babae. Sa ngayon ay halos patayin nito ang sarili sa pagtatrabaho para lang makatagal sa bawat pag-usad ng araw.

She checked herself in the mirror after dressing up. Black blazer over a white halter top. Red skirt and stilleto. She was satisfied. Binitbit niya ang itim na handbag. Tiningnan kung nasa loob ang keycard ng manor at nang matiyak na wala na siyang nakalimutan ay tumulak na paalis.

She drove with her metallic silver GTR to the light district of the town where the bar is located. Alas-otso pa lang ng gabi pero siksikan na sa bukana ng gusali ang mga parokyanong gustong pumasok. Pumila rin siya. Halo-halo ang mga naririnig niyang usapan at iba-iba ang lengguwahe. Kahit ang mga hapon na nasa pila ay hindi magkakaparehas ang accent. May hiragana, katakana at Kanji. Para siyang nasa sinaunang panahon kungsaan nagtayo ng matayog na tore ang Babilonya at gusto ng mga itong umabot iyon sa langit. Kaya ang ginawa ng Diyos ay binago ang pananalita ng bawat isa upang hindi magkaintindihan.

Matapos siyang tsekin ng security at ang bag niya ay dumaan pa siya sa dalawang scanner bago tuluyang nakapasok sa loob ng bar. Sumalubong sa kanya ang ingay ng musika, kalansing ng mga bote at baso at ang usok ng sigarilyo na masakit sa ilong.

Sinuyod muna niya ng tingin ang buong looban ng lugar. Malawak iyon. May VIP section. Ang mausok na  entablado ay naliligo sa makukulay at malilikot na klieg lights. Sa ibaba ay ang dance floor na puno na ng mga nagsasayawan kasabay ng mabilis na saliw ng tugtugin. Halos okupado na ang mga sofa at may mga nakadungaw pa sa balcony. Nag-aabang. Ang VIP section ay kunti na lang din ang bakante. She spotted some celebrities and famous personalities there. Few models too.

NS 09: LUST TOUCHED ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon